Chapter 6

1K 41 3
                                        

Wyatt's Point of View

I ran after I pushed him. Fuck. Why did I do that? Yeah, he looks like a girl but what crossed my mind to do that? And to my best friend of all people? Argh, ano na ang mangyayari bukas? Paano kung bigla na lang niya akong layuan? Paano kung isipin niya na ni-take advantage ko ang pagkakaiba ng body built naming dalawa? Aish. You Wyatt! You're an asshole! Paano mo 'yun nagawa kay Aiden? To that innocent Aiden. Damn it.

Dumiretso ako agad sa kwarto ko pagkauwi ko ng bahay. Nahiga ako at halos i-untog ko na ang ulo ko dahil hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Para na akong mababaliw!

His skin... it's so soft. At bakit ang lambot ng labi niya? Parang ayoko na lumabayan ang paghalik doon kanina. Haa, fuck. If I didn't stop I might lose it and do something that may ruin our friendship.

Kinaumagahan ay hindi pumunta sa bahay si Aiden na nakapag-isip sa 'kin na baka ay nagalit siya dahil sa ginawa ko kagabi. Aish.

Hindi sana ako papasok sa eskwelahan pero ayoko isipin niya na hindi ako pumasok dahil galit ako sa kaniya. Ngayon ko lang naalala na tinulak ko siya kagabi, baka dahil do'n ay isipin niyang nagalit ako.

Pagpasok ko sa classroom ay nakita ko siyang nakaupo sa upuan niya. Binati ako ni Anna na binati ko naman pabalik bago ako umupo sa upuan ko. Habang kinukulit ako nila Jacob, nagtatalo naman ang demonyo at anghel sa utak ko kung dapat ko bang lapitan si Aiden. Pero sa huli, hindi ko siya nalapitan o nakausap man lang. Natatakot kasi ako, paano kung hindi niya ako pansinin 'di ba? I mean, lagi naman akong hindi pinapansin ni Aiden kapag kinukulit ko siya sa classroom pero ibang usapan naman ngayon.

Should I just act as if nothing had happened? Pero paano kung ma-offend ko siya? Aish!

Isang araw pa ang lumipas. Hindi pa rin kami nag-uusap ni Aiden. Lagi lang siya mag-isa at nakatanaw sa labas ng bintana tuwing hindi pa nagsisimula ang klase. Ano kaya ang iniisip niya? Kumain ba siya kahapon ng lunch? Hindi ko kasi siya nakita sa cafeteria.

Nang oras na ng uwian ay nakasalubong namin si Vanessa kasama ang mga kaibigan niya. Si Vanessa ang crush ko na taga ibang section pero pareho lang kami ng kurso na kinukuha.

"Hi, you're Wyatt, right?" Tanong ng isang babae na kasama ni Vanessa.

Tumango naman at ngumiti, "Yes, why?"

Naramdaman ko ang palihim na pagsiko sa 'kin ni Yuan na in-ignore ko lang. Malamang ay iniisip nila na may gusto sa 'kin 'tong babae na kumakausap sa 'kin. Isa pa, alam nilang kasama ng mga babaeng 'to ang crush ko.

"Uhm, free ba kayo today? Overnight sana sa house," sabi ng babae.

Hindi ba muna siya magpapakilala?

Sasagot na sana ako na may gagawin ako pag-uwi ngunit naunahan na ako ni Jacob magsalita.

"Sure, sure! Saan ba?" Tanong niya.

"Really? Lahat kayo free?" Excited na tanong ng babae.

"Sorry—" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang biglang magsalita si Hans na halatang nilakasan talaga niya ang boses niya para hindi marinig ang sasabihin ko.

"Yep! Here, message mo na lang sa 'kin ang address," tapos ay binigay niya ang phone niya sa babae para ipakita ang facebook account niya.

I just sighed at pinabayaan na lang sila. Balak ko sana na kausapin si Aiden mamaya sa condo niya para humingi ng sorry. Pero nasira na ang plano ko dahil sa mga kaibigan ko na 'to!

Umuwi ako at kumuha ng damit para sa overnight namin. Pagtapos ay nagkita-kita kami sa park nila Jacob para sabay-sabay kaming pumunta sa bahay no'ng babae na ang pangalan daw ay Clarisse.

Girlfriend? For Hire! [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon