Chapter 43

396 14 1
                                    

Wyatt's Point of View

It should be me. I should be the one to address him as "babe." Damn. I'm so mad. Para na akong sasabog sa inis. Kanina pa sila nawala sa paningin ko pero 'yung inis ko narito pa rin. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kahit may mga nakabubunggo na sa'kin ay wala akong pakialam, sila pa nga ang galit dahil nakaharang daw ako sa daan kahit na sa gilid naman ako. Kasalanan 'to ng lalaking bigla na lamang sumulpot at nilayo sa'kin si Aiden. Aish, fuck! Saka nainis din ako sa sinagot ni Aiden sa lalaki: na hindi niya raw ako kilala. For fuck's sake, I was his boyfriend! Damn. Parang gusto ko na lang sumabog.

Sa kalagitnaan ng pagrarant ko sa utak ko ay bigla na lamang ako nakaramdam ng isang mabigat na kamay na pumalo sa batok ko.

"Hoy! Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa namin inaantay sa shop," sabi ni Marcus.

"May nang hypnotize ba sa'yo rito?" Natatawang tanong ni Ryan.

I just clicked my tongue and did not answer them. I walked out and left them there.

Hindi na ako sasama sa kanilang camping! May gusto akong gawin at hindi nila ako mapipilit na sumama. Kung gusto nila ng isa pang kasama, si Regie ang ayain nila at h'wag ako.

Oh, speaking of Regie. Alam na kaya niya na nakauwi na ng bansa si Aiden? 'Yung long time crush niya? Tsk.

Dahil sa naisip ay bigla na lang ulit sumibol ang inis sa'king dibdib. Habang naglalakad ay magkasalubong ang dalawa kong kilay at ang mga kamao ko ay nakakuyom sa loob ng aking bulsa. Gusto ko manapak!

Ayokong magkita sina Regie at Aiden, kaya kung maaari ay sana hindi pa alam ni Regie na nakauwi na ng bansa si Aiden. Hindi ako sigurado kung may contact pa sila sa isa't-isa noong umalis si Aiden dahil kaming dalawa ay wala na. He blocked me from all his social media accounts; he even changed his phone number just to avoid me, or maybe he changed his phone number because he was already in another country. Argh, I don't know! I don't want to think anymore dahil lalo lang akong naiinis!

I went home and locked myself in my room. Okay, what should I do now? I want to see and talk to Aiden, but I don't know where he lives.

Inabot na ako ng gabi kaiisip sa kung paano ko ba ulit makikita si Aiden ngunit walang pumapasok sa isip ko. May mga alam akong paborito niyang lugar dito na maaari niyang puntahan pero mukhang malabo dahil noong high school pa kami no'n. Paano kung limot na pala niya ang mga lugar na iyon dahil sa tagal niya ro'n sa California?

KNOCK! KNOCK! KNOCK!

"Pinatatawag na po kayo sa dining area ng lolo niyo, sir," the maid said.

What? Anong oras na ba?

"Coming!" I answered and got up from the bed.

Fine. Mamaya na lang ako ulit mag-iisip. Pero sana naman ay may pumasok na sa isip ko.

Pagpasok ko sa dining room ay matatalas agad na tingin nina Marcus at Ryan ang sumalubong sa'kin. Hawak nila ang tinidor na animo'y maya-maya lang ay handa na ibato ang mga 'yon sa'kin.

Hindi lang sila ang tao rito sa dining room, narito rin ang iba ko pang pinsan pati na rin syempre ang may-ari ng mansion na ito. Okay, anong ginagawa ng mga pinsan kong hindi na nakatira rito ngayon dito? But instead of asking them, I just questioned what Marcus and Ryan were glaring at.

"What?" I asked before I walked toward my chair.

"Care to explain why you suddenly left us there, huh?" Ryan asked, glaring at me.

I sighed, "May inasikaso lang ako. Busy person din naman ako hindi lang halata," sagot ko. Kumuha ako ng banso at nagsalin ng tubig do'n.

"What did you take care of? You're not even in your office, asshole," Marcus uttered.

Girlfriend? For Hire! [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon