New World 20

112 7 0
                                    

Fighters

"Enough! That's enough!" Napahinto ang kamay ko sa ere na dapat isusuntok ko na kay Louie nang marinig ko ang pagsigaw ni Jayvee.

Agad na nakipag-kamay sakin si Louie tsaka sya nag salute.

Nang umalis sya ay lumapit naman sakin si Jayvee sabay abot ng tubig at face towel.

Agad ko naman yon kinuha staka ko ipinunas yung towel sa mukha sunod sa leeg ko.

Naka sports bra ako ngayon at nag pa-practice para sa Physical Strength ko.

Tapos ay ininom ko naman agad ang tubig na hawak ko.

Ugh! Shocks! Ang sarap sa lalamunan.

"May mission bukas sa Tarlac, ready your team. And na approved na ng court yung pagbigay satin ng mission sa ibang bansa." Mahabang paliwanag nya.

Pero yung mga huling sinabi nya ang dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Ibigay mo na lang yung mission na yon sa iba. Kaylangan nating bumalik sa Lander Field. Kelan ba nila ibibigay yung mission na yon satin?" Naiinis na sabi ko.

"Selene, hindi ka lang leader ngayon ng mga ka schoolmates mo. Malaki na ang tungkulin mo bilang isang leader ng Women Fighters of Red Island. At alam nating pareho na hindi tayo makakakilos ng walang utos ng court. Ang mission na ibinibigay nila ang nagpapagalaw satin." Mahabang paliwanag nya na inirapan ko lang.

"You know me... Wala akong sinusunod. Unless okay lang sakin." Tinatamad na sambit ko.

Huminga ng malalim si Jayvee.

"Matagal-tagal na Selene, pero sya pa din ang nasa isip mo?"

Yumuko ako at tinitigan na lang ang mga daliri ko.

"Alam mong yon ang main goal ko kung bat tinanggap ko ang alok nyo sakin. Anong silbi ng sobrang dami nating naliligtas na mga survivors sa bawat linggo kung yung mga sarili kong kaibigan hindi ko mahanap-hanap?" Malungkot na sambit ko.

It's been a year and half since that day happened...

Nung araw na yon nagising na lang ako na wala ng zombies sa paligid. Tahimik at ligtas.

Ang mas nakakagaan pa ng loob ay kasama ko ang pamilya ko, ang pamilya namin.

Ligtas, at masaya ang lahat.

Maliban sa pamilya ng mga kaibigan naming lalake, umiiyak sila Tita at hinahanap samin sila Jazer.

Wala kaming maisagot.

Nakaka trauma ang nangyare samin at puno pa kami ng sugat sa katawan.

Isang linggo ako nong hindi umalis sa kwartong ibinigay samin ni Jayvee.

Bukod sa pagod ako physically, mentally at emotionally... Hindi ko rin kayang makaharap ang pamilya ng mga kaibigan ko.

Pano ko kakayaning sabihin na kaya wala sila ngayon at hindi namin kasama sa pagpunta dito ay dahil niligtas nila kami. Na mas inuna nila ang kaligtasan namin.

Buong isang linggo akong tulala at malalim ang iniisip kahit walang pumapasok sa isip ko. Buong isang linggo akong inalagaan ni Loreine sa kwartong yon at sinusuportahan naman ako ni Jayvee.

Hanggang sa isang araw ay pumasok si Jayvee kasama si Darylle at tatlong matandang lalake na nagpakilalang Head ng Court sa kwarto ko.

Dun nagsimula ang lahat...

Inalok nila ako na maging Head at Leader ng itatayo nilang Women Fighters of Red Island.

Lalake lang ang mga kasali sa Fighters ng Red Island pero nang simula ng dumating kami ay naisip nilang magtayo ng grupo ng mga babaeng magiging Fighters and Rescuers.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon