New World 25

80 4 0
                                    

Serious Scene

Selene Caz

"Sh*t! Sila Loreine ba yon?!" Kinakabahang tanong ko nang makarinig ako ng pagsabog.

"I don't think so, dito sa left side ko narinig yung pagsabog." Sambit naman ni Nicole.

"But two bombs yung sumabog so I think dun sa likod at sa left side yon nagmula." Paliwanag ni Wenna.

"Yah, Loreine team and Clarisse team." Sambit naman ni Sophie.

Agad akong sumenyas na bilisan ang paglalakad nang bigla kaming makarinig ng mga taong nag-uusap.

"Kila Jara team ba yon?" Tanong ni Jona.

"Sh*t! Go! Continue to our mission! Dalian nyo at maghanap na kayo ng survivors. And if ever na makita nyo yung iba, sabihin nyong magsilabas na sila, mamamatay tayo pag nag-stay pa tayo dito ng matagal." Utos ko sa kanila.

"Eh pano ka Selene?" Lyka asked.

"Just do what I said! We're running out of time!" Sigaw ko kaya agad na silang nag-sipag-kilos.

"Be safe." Sabay na sabi namin sa isat-isa

Tinanguan ko muna sila tsaka ako pumunta sa direksyon kung san ko narinig ang team nila Jara.

Dalawang bomba na ang sumabog at malaki ang tyansa na may iba pang bomba ang naka-palibot sa loob ng building.

We're in the first floor of building and once na mag sunod-sunod ang pagsabog ay maaaring magiba etong tinutungtungan naming building hanggang sa bumagsak at matabunan kami.

Kaylangan na naming magsama-sama at kaylangan ko ng mahanap sila Jara.

Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng kaluskos.

Dumadami ang mga yapak kaya agad kong iniangat ang baril ko.

Inantay ko ang pag-lapit sakin ng ingay staka ko ikakasa na sana ang baril ko pero nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko sabay hatak sakin tsaka ako sinandal sa pader at agad na tinakpan ang bibig ko.

What the hell?!

Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil sa dilim ng kinapu-pwestuhan namin.

Napa-tingin ako sa gilid ko at halos manlaki ang mata ko sa dami ng zombies na nakita ko.

Naka-pwesto sila kung san ako naka-pwesto kanina.

Gosh! Limited lang ang bala ng baril ko at sa dami nilang yan, di ko alam kung kakayanin ko.

Nagsi-tuloy sila sa pag-takbo papunta sa kaliwang bahagi kung san ko ini-assigned sila Clarisse.

What the hell?!

Nang wala na kong maaninag na zombies ay agad akong kumalas don sa lalaki.

Magpapasalamat na sana ako nang makita ko bigla ang logo sa damit nya.

Gray Stone...

At halo-halong gulat, kaba, excite, galit at tuwa ang naramdaman ko ng makilala ko kung sino sya.















Jazer...

P-Pero ano tong nasa logo nya?!

"I-ikaw?!" Gulat na tanong ko. Lalapit na sana sya nang bigla kong itaas ang baril na hawak ko at agad na itinutok ko yon sa dibdib nya.

Gusto kong tumakbo at yakapin sya ng sobrang higpit pero nag-tatalo ang isip at puso ko ngayon.

May part sa isip ko na pano kung tama ang hinala ko?

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon