New World 34

74 7 0
                                    

Immune

Akmang lalapit na sakin si Chester ngunit nag isang hakbang ako paatras.

What's the point?

May pasabog pa ba sila?!

Kung may dapat pa kong malaman dapat ibigay na nila agad yon sakin! Habang ganito pa ko!

Sagarin na nila para isang bagsakan na lang!

Ano?!

Ano pa?!

Ow wait! Don't tell me biglang lalabas si Clyde dyan at sasabihing 'Hi, remember me?'

Sh*t!

O baka naman si Fin?!

T*ng*na!

Sino pa?!

"Selene... Let me explain---" Agad kong pinutol si Chester sa pagsasalita.

"S-Sarilinin mo yang explanation mo! Ano?! Sino pang biglang magpapakita dito?! May surprise pa ba kayo?! T*ng*na!" Sigaw ko tsaka ako tumalikod at tumakbo papunta sa kwarto na tinutuluyan namin nila Loreign.

Padabog kong binuksan ang pintuan ng kwarto staka ko kinuha ang bag ko sa ilalim ng kama atsaka ko to' pabagsak na nilapag sa kama.

"Selene." Hindi ko na namalayan ang pagsunod sakin ni Nicole.

Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.

Masaya dapat ako ih.

Buhay sya...

P-Pero isang taon at kalahati! I-isang taon at kalahati kong sinisi ang sarili ko sa pagkamatay nya!

Para akong naloko ng mga taong nakapaligid sakin.

Para nya kong pinagmukhang tanga!

Sinong iniyakan ko?!

Para kanino yung mga luha ko?!

Ang tanga ko!

Huminga ako ng malalim sabay punas ko ng mga luha ko.

Patuloy ako sa pagsinghot.

Ang sakit talaga!

Sh*t naman oh!

Umiling-iling ako sabay focus ko sa pag aayos ng mga gamit ko.

"Gather all our team, search for Loreign and Lyka then mag ready na kayo. Aalis na tayo." Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko.

"P-Pero Selene, di ba papunta na naman sila Jayvee dito? Bat di na lang natin sila antayin---"

"Just do what I said!" Sigaw ko sa sa sobrang frustration na nararamdaman ko ngayon.

Napahinto sya at parang nagulat sa pagsigaw ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang pag-alis nya.

Nang makaalis sya ay doon ko lang naramdaman ang panghihina ko.

Napa-upo ako sa sahig habang nakakapit sa kama.

Isinubsob ko agad ang mukha ko sa kama atsaka ako napahagulgol.

H-Hindi ko alam na ganito pala ang kahihinatnan ko sa pagpunta ko dito.

Parang unti-unti akong nanlulumo.

Sobrang kirot ang nararamdaman ko sa dibdib ko.

Sobrang sakit.

Sobra-sobra.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon