New World 18

137 17 2
                                    

Ready?

Selene Caz

"Ready?" Tanong sakin ni Jayvee.

Nginitian ko sya sabay tango ko tsaka ko muling ibinalik ang tingin ko kay Loreine.

Nginitian nya ko kaya pinilit ko na lang ding ngumiti.

Nilingon ko naman ang mga kasamahan ko.

"Vince, gaya ng dati. Paki bantayan si Lyka." Tinanguan nya naman ako.

"Are you guys ready? Last na to, at pag naka survive tayo dito, wala na... Tapos na." Sabi ko ulit sa kanila.

Tumango sila sakin kahit na may halong kaba pa rin ang mga mata nila.

I'm scared too.

"Jayvee and Sir James, can you please lead us? Kami nang bahala ni Loreine sa kambal at Jade and Aldrin paki cover kami. And everyone, protect yourself okay?" Tumango-tango naman sila.

Agad kong hinawakan si Alexandria at hinawakan naman ni Loreine si Alexander.

Agad ding lumapit si Jayvee samin sabay halik nya sa noo ng kambal.

Tsaka sya umayos ng tayo at tinitigan kami ni Loreine hanggang sa mahinto ang tingin nya sakin.

"I'll protect them, don't worry. Gagawin namin ni Loreine ang lahat para maprotektahan sila. Atsaka malalakas yang sila Jade, kaya okay lang sila." Binigyan ko sya nang malapad na ngiti para kahit papano ay kumalma sya.

Tumango sya sakin tsaka nya kami nginitian ni Loreine.

Nag-si-ayos na kami atsaka ko mahigpit na hinawakan si Xandria.

Nasa unahan sila Sir James tas si Mang Robert at Jayvee.

Tas nakasunod na sila Lyka at Vince at iba pa naming kaklase tas si Loreine at Xander tas ako at Xandria tas nasa dulo na sila Jade at Aldrin.

Nang dumaan sa harap ko si Jack ay agad ko syang hinawakan sa kamay.

"Magiging okay din ang lahat." Sabay ngiti ko sa kanya.

Si Jack na walang ibang ginawa kundi pasayahin at pasiglahin ang section namin pero simula nang nangyare to, parang bigla syang naglaho kasama ang sigla nang section namin.

Bigla syang naging tahimik at matamlay na parang malalim ang iniisip.

Ang dating masayahing Jack, biglang nawala na parang bula.

Ni hindi ko na nga sya naalala at ang kakulitan nya.

"S-Salamat... Nag... Nag-aalala lang talaga ako sa pamilya ko." Malungkot na sabi nya.

"Jack, pinapangako ko... Hindi to ang last na punta ko dito. Babalik ako para sa mga naiwan natin. Sa pamilya nyo, at sa taong naiwan ko dito. Trust me. After this, ako pa rin ang President nyo, ang SSG Vice President, walang magbabago don." Paliwanag ko sa kanya kaya napahigpit ang kapit nya sa kamay ko.

"Thank you Selene, magiging matapang ako para sa pamilya ko at para na rin sa inyo." Nginitian ko sya sabay tango ko.

Nang makalagpas sya sa harap ko ay sumunod naman ang iba.

Hanggang sa dumaan sa harapan namin ang SSG Officers.

Nginitian ko sila na ginantihan naman nila pero napakunot noo ako nang huminto sa mismong harapan ko si Jona.

"S-Selene... I'm s-sorry. K-Kasalanan ko kung bat... Kung bat namatay si President Clyde. Ang lampa ko kaya---" Napaiyak na sya kaya agad kong tinapik ang balikat nya.

"Shh... Wala kang kasalanan. Bakit? Ginusto mo bang mamatay si Clyde? Inutusan mo ba syang iharang ang sarili nya sayo at magpakagat sa zombies?" Umiling iling naman agad sya.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon