New World 3

268 27 2
                                    

Selene Caz

The Plan (Part 2)

Nagdadalawang isip pa ko kung bubuksan ko, kasi masyadong delekado kaso...

"Len! Lenlen!" Sigaw ng nasa labas.

Mabilis pa sa alaskwatro kong binuksan yung pinto.

At pagbukas na pagbukas ko mismo ay syang pagpasok ng mabilis ng apat na bulto.

Agad nanlaki ang mata ko ng makilala ko sila.

Napansin ko naman ang pagsara ni Chester sa pinto pero hindi ko inaalis ang atensyon ko sa apat.

"G-Guys..." Sunod-sunod na nagpatakan ang mga luha ko tsaka ko naramdaman ang pagyakap sakin ni Loreine.

Naramdaman ko rin ang pagbasa ng balikat ko dahil sa mga luha nya.

"Selene..." Bulong nya habang umiiyak at yakap ako. Di ko namalayan na niyayakap ko na rin pala sya.

Habang yakap ako ni Reine, yumakap na rin sakin sila Jade at Aldrin.

Lalo tuloy akong naiyak.

Piling ko pwede na kong matakot ngayon at pwede na kong huminto sa pagpapanggap na matapang kasi nandyan naman na sila.

Hindi ko maitatangging isa sila sa pinagkukuhanan ko ng lakas.

Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap naman ang mga kaklase ko nang biglang may humatak sakin at kinulong ako sa mga bisig nya.

That smell, the very familiar smell.

My favorite smell.

My first.

First boy bestfriend.

My first love.

My first boyfriend.

My first ex-boyfriend.

"Len..." Bulong nya sakin at lalo pang hinigpitan ang pagyakap sakin.

Hindi ko namalayan na niyayakap ko na rin pala sya ng sobrang higpit.

Isinubsob ko yung mukha ko sa leeg nya.

Ang higpit ng yakap namin sa isat-isa na para bang takot kaming mawala ang isat-isa samin.

Habang yakap nya ko, piling ko ligtas na ko.

"Shhh..." Pagpapatahan nya, pero nung narinig ko yung boses nya ay agad akong nahiya.

Lumayo agad ako sa kanya staka ko pinunasan yung mga luha ko.

Putspa! Nakakahiya ka Selene!

Gusto ko mang pagsabihan pa ang sarili ko sa katangahang pag yakap ko kay Jazer ay mas pinagtuunan ko na lang ng pansin sila Loreine. Lack of time na rin kasi kami.

Nilapitan ko naman agad si Loreine.

"B-Bakit kayo nandito? P-Pano kayo nakapunta dito, samantalang andaming zombies sa labas." Tanong ko sa kanya ng hindi lumilingon kahit saan.

Basta nahihiya pa din ako!

"Yan kasing si Reine at Jazer! Hindi mapakali hanggat di ka nakikitang ligtas, kaya pinili naming pumunta muna dito tutal malapit lang naman tong school nyo sa school namin." Sabi naman ni Jade.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at pinaghahampas ko sila Jade at Aldrin.

"A-Aray! Ano ba Len?! Galing na nga kami sa zombies tas mananakit ka pa?!" Reklamo naman ni Aldrin.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon