Synopsis

106 5 0
                                    

Selene Caz. Normal na studyanteng namumuno bilang Vice President ng Supreme Student Government ng kanilang paaralan. Simula nang matungtong sya ng senior high school ay lumipat na sya ng paaralan at doon ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral at naging isang Vice President ng school.

Ang naiwan nyang paaralan ay kalapit lamang ng nilipatan nyang paaralan. May mga naiwan syang kaibigan doon gaya nila Loreign, Jade, Aldrin at si Jazer na una nyang naging ex-boyfriend.

Sa kanyang kasalukuyang pinapasukang paaralan ay nakilala nya ang huling ex-boyfriend nya na si Chester na ngayon ay Vice President ng kanilang section.

Patuloy namang naging maayos ang kanyang buhay maliban nalang sa katotohanang napakaraming nakapatong sa kanyang responsibilidad bilang isang Supreme Student Government Vice President ng kanilang school at President ng kanilang section... Ang Information and Communication Technologies.

Ngunit isang araw ay parang naging kakaiba ang lahat. Hindi naging normal ang bungad ng kanyang umaga.

Pansin ang kakaiba.

Doon nagsimula ang lahat.

May kumakalat na virus kung saan ay nawawala sa sarili ang isang tao, tinitira ng virus ang utak ng indibidwal hanggang sa mawala ito sa sarili at nanaisin na lamang ang makapanakit o makapatay ng kapwa... Kumain ng kapwa.

Zombie.

Isa salita na magpapalinaw ng lahat.

Nakulong si Selene kasama ang mga kaklase nya sa silid aralan habang nagaganap ang kaguluhan sa labas.

Maraming naganap. Sa una ay sumuko at hindi kinaya ni Selene ang lahat ng responsibilidad ngunit kinausap sya ni Chester at pinatatag ang kanyang loob.

Sa kanilang pananatili sa kanilang silid-aralan ay natagpuan sila ng mga kaibigan ni Selene.

Matalino si Jazer at malaki ang kanyang naging ambag para matulungan ang buong section.

Binanggit nya na ang tagong Red Island lang ang solusyon para maligtas sila. Red Island ang pinaka ligtas na lugar sa bansa dahil tago ito at puno ng mga armadong grupo na pumoprotekta sa bansa. 

Ngunit suntok sa buwan ang kanilang gusto dahil mahirap pasukin ang account ng Red Island at mahirap silang ma-contact ngunit dahil sa talino ni Jazer at ng mga kaibigan ni Selene pagdating sa computer pati na rin ng kanilang Programming teacher kaya kahit mahirap ay na crack nila yung code at nakahingi sila ng tulong sa Red Island.

Maraming namatay ngunit kaylangan nilang magpatuloy.

Habang naglalakbay patungo sa tagpuan nila ng Red Island ay may natulungan pa silang isang lalake at dalawang bata.

Ang lalake na kanilang natulungan ay si Jayvee, head ng army ng Red Island. Kinaylangang balikan ni Jayvee ang dalawang nakababatang kapatid nya kaya nakulong sila sa kanilang condo epekto ng pagkalat ng mga zombies sa labas.

Sa kanilang pagtulong kay Jayvee at sa dalawang kapatid nito ay naging kapalit ang pagkawala nila Jazer at Chester. 

Matapos ay marami pa silang napagdaan.

Ang mga mahihina at takot noon ay natutong lumaban. Nailigtas sila ng red Island at pare-pareho silang  nagpahinga at muling lumaban.

Nakasama ang mga kaklase ni Selene na lalake sa mga lalakeng army ng Red Island at bumuo naman ng babaeng army ang Red Island kung saan si Selene ang namuno.

Nangako si Selene na muli nyang hahanapin si Jazer at ang mga kaibigan nya.

Ngunit maraming hindi magandang nangyare. Hindi nagkaintindhian ang ating mga bida na naging dahilan para magkaroon sila ng galit sa isat-isa.

Marami pa silang kinaylangang lagpasan at habang nilalabanan ang bawat pangyayare sa pang araw-araw ay may mga bagong  balita ang kanilang ikabi-bigla.

May mga inakalang namatay na ngunit buhay pala.

Gaya ni Jazer at Chester at ng iba pa.

Naging magulo ang lahat ngunit sa huli ay kinaylangan nilang magtulungan nang lumabas na ang totoong kalaban.

Nagtulungan ang lahat upang mapataob sila.

Ang mga magkakaibigan, magkakaklase at magkakagrupo ay nagtulungan para malabanan ang totoong kalaban.

Tanging immune lang na tao ang makakapagbalik ng normal na buhay para sa lahat.

At si Chester ang taong yon.

Nang malaman nila yon ay sinimulan nilang ibalik sa ayos ang lahat. Marami pang immune na tao ang nakilala at lumabas.

Nang bumalik na sa normal ang lahat ay kinaylangan na ring bumalik nila Selene sa lugar nila para ituloy ang mga buhay na naiwan nila. 

Hanggang sa dulo, sila ang magkakasama
Pare-pareho silang lumaban para sa inaasam nilang kapayapaan.

Oo at nagkaroon ng trahedya at hindi na nila iyon makakalimutan, tatatak sa mga utak nila ang kwentong iyon hanggang sa mapasa para sa mga susunod na henerasyon.

Ang kakaiba at nakakabiglang pangyayareng yon ang nagbigay sa kanila ng lakas at tapang para bumangon at patuloy na lumaban.

At kahit na nakabalik na sila sa kanilang pinagmulan ay mananatili pa rin silang fighters.

Fighters hindi para sa zombies.

Fighters para sa sarili.

Fighters para sa mga taong mahahalaga sa kanila, kaibigan at pamilya.

Patuloy silang lalaban...

'Cause they're born to live, and they're born to fight.'

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon