New World 5

203 24 2
                                    

Attendance

Selene Caz

Pagka-sabi ko non ay agad akong nag-ayos ng gamit ko.

Pero napahinto din ako sa pagkilos ng biglang dumaing sa sakit si Lyka.

"A-Ahh! M-Masakit! T-Tulong! Tulungan nyo ko!" Daing nya kaya agad akong napatingin sa kanya.

"L-Lyka? B-Bakit?" Nag-aalalang tanong ni Sophie.

Nagulat na lang kami ng bigla syang natumba pero agad naman syang nasalo ni Jack.

Patakbo akong pumunta sa direksyon nila.

Namumutla si Lyka at parang hirap makahinga, tas sobra pa yung tagaktak ng pawis nya sa noo.

Nagulat ako ng biglang tumabi sakin si Jazer at sinuri nya ang katawan ni Lyka.

"A-Anong nangyare sa kanya?" Kinakabahang tanong ko kay Jazer.

Nanlaki ang mata namin ng biglang itaas ni Jazer ang tuhod ni Lyka at sa ankle nya may bumungad na namamagang sugat. Ang laki at namamaga talaga. Parang isang... Isang kagat.

Napatakip ang mga kaklase ko sa bibig nila at para silang hindi makapaniwala.

K-Kahit naman ako...

"S-Sorry... D-Di ko na nasabing nakagat ako ni Chara kanina. S-Sorry talaga." Umiiyak na sabi ni Lyka at halatang nahihirapan na sya.

Agad naman syang yinakap ni Sophie.

Napayuko ako. Naaalala ko si Chara. Kung sanang nalaman ko lang ng mas maaga, edi sana baka hanggang ngayon nakakausap ko pa sya.

"Shhh..." Pagpapakalma sa kanya ni Sophie.

"H-Hindi... Hindi to pwede! M-Mamamatay tayo! Mamamatay tayo dahil kay Lyka!" Napatingin kami kay Clara ng bigla syang sumigaw at magwala.

Agad naman syang hinawakan ng mahigpit ni Vince sa braso at tinignan ng masama.

"Anong gusto mong sabihin? Iiwan natin sya dito?" Seryosong tanong nya.

"A-Ano ba Vince?! N-nasasaktan ako!" Sigaw naman ni Clara.

"Bro, tama na yan." Awat naman sa kanya ni Jeremy.

Pero tila walang pinapakinggan si Vince at bakas ang galit nya kay Clara.

"Masasaktan ka talaga!" Sigaw ni Vince kay Clara.

"Ano bang problema mo ha?! Nung namatay yung girlfriend mong si Janice, parang wala lang sayo! Tas ngayon magkakaganyan ka dahil kay Lyka?! O baka naman totoo yung sinabi ni Dalia na may relasyon kayo nyang si Lyka habang girlfriend mo pa si Janice---"

"Manahimik ka!" Sigaw ni Vince kay Clara.

Agad namang lumapit si Tasya kay Clara.

"Vince... B-Baka nga tama si Clara, h-hindi natin pwedeng isama si Lyka. M-Mamamatay tayo." Mahinang sabi ni Tasya.

Agad namang napalayo si Vince at napahawak sa ulo nya na parang nababaliw.

"H-Hindi... Hindi... Hindi pwede to..." Nagulat ako ng bigla akong sugudin ni Vince at hawakan ng mahigpit sa magkabilang balikat ko. "Selene please... Maawa ka kay Lyka. Hindi ko sya kayang iwan dito---" Napahinto sya sa pagsasalita ng bigla syang tumalsik dahil sa pagtulak ni Chester sa kanya na sinundan ng pagsuntok ni Jazer sa kanya.

Napatakip ako sa bibig ko.

Agad namang inalalayan ng mga kaklase kong lalake si Vince.

Nakaka init talaga ng ulo tong mga brutal na lalakeng to na nakapalibot sakin.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon