New World 1

1.1K 44 2
                                        

Ang Simula

Selene Caz


Isang normal na araw na naman--- Sana.

Please Lord, ayoko na pong mag aral. Tamad na tamad na talaga ang katawang lupa ko, kakasimula pa lang ng araw.

Nakakapagod kaya! Aminin. Pero dahil isang dakilang palamunin pa lamang ako sa bahay at umaasa sa magi-isponsor ng baon ko, pinipilit kong pumasok. 

Santiago Senior highschool ang paaralang pinapasukan ko. Hindi ganoon kalaki pero kilala ang school namin pagdating sa usaping art.

Kilala ako sa school bilang presidente ng section na ICT at bilang SSG Vice President. Isang responsibilidad na kailanman ay di ko gugustuhing gampanan. Sadyang no choice lang ako. At sa mga oras na to dapat nasa classroom na ko. Pero male-late ako ngayon sa first subject ko dahil nagka-emergency meeting kami ng mga SSG officers.

Tungkol lang naman sa nalalapit na pagdating ng mga bisita mula sa ibat-ibang paaralan ang naging topic namin. Makakadagdag kasi yon ng sponsor sa paaralan namin. At syempre, sino pa ba ang mag aasikaso neto? Walang iba kundi ang mga officers. Akala mo talaga napapasahudan kami dito. Kung sanang bayad ang kada puyat at pagiging early bird namin dito, idagdag pa ng kada piga ng utak namin para lang may maiambag sa meeting. Eh wala!

Anyways, kilala ako bilang isang responsable at mabait na studyante sa school namin. Pero hindi naman talaga ako mabait, maganda lang. Chos. Bakit ba? Magbuhat din kayo ng sarili nyong bangko, wag nyo kong pakeelaman. Tsk.

So yun na nga, siguro kaya lang ako natawag na mabait ay dahil sa responsable ako. Yes naman, responsable

Bilang isang officer ng room at ng SSG ay tinuring ko ng responsibilidad ang lahat ng studyante sa paaralan namin. Noong una ayoko ng role ko sa school na 'to, bukod kasi sa matutulog akong puyat ay gigising pa akong bangag. Pero simula nang maging officer ako at nakilala ng maraming studyante ay nakaramdam ako ng saya. At dahil sa responsibilidad na yon, tingin ko na sa lahat ng studyante dito ay importante.

Tingin ko naging responsibilidad ko na rin sila.

Is it a good thing?

"Selene, nakita mo ba si Chara?" Tamad akong napatingin sa biglaang sumulpot sa harap ko. Aga-aga, sinusubok na agad ako. "Hindi ko pa sya nakikita ngayong araw ih." Dugtong nya pa.

Agad akong napa-irap. Oh please. Help me to search for his brain please. Kakasimula pa lang ng araw, napaka oa neto.

Inis ko syang tinignan. "Mukha ba kong hanapan ng nawawalang studyante? Mukha ba kong guard? Ha? Chester? Tsk!" Mataray na sambit ko sa kanya.

Meet Chester Zapiro. My dear ex-boyfriend.

Sya ang Vice President ng klase namin. Ang ICT

Pero simula nag maghiwalay kami, hindi na nya inisip yung tungkulin at responsibilidad nya sa klase namin. Kaya heto, ako ang taga-bitbit ng lahat ng tungkulin nya. Hindi namin sya tinatanggal bilang vice president kasi matalino at magaling talaga syang mamuno sa klase, sadyang matigas lang talaga ang ulo nya. Kaya nyang i-handle ang mga kaklase ko, lalo na yung mga lalakeng akala mo nakawala sa kulungan. Kaya please, stay as my vice.

Ako ang nakipaghiwalay sa kanya. 

Actually, sinunod ko lang naman yung isang qoute na...

'Kapag hindi mo na mahal ang isang tao, pakawalan mo na lang nang hindi na sya masaktan pa.'

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon