New World 27

78 5 0
                                    

Deal

Selene Caz

"Selene, I think we're here." Rinig kong sabi ni Lyka ng pare-parehong huminto ang bus na sinasakyan namin at sinasakyan ng Gray Stone.

Agad akong tumayo at kinuha ang bag ko.

Ganon din naman ang ginawa ng iba.

Seryoso lang ako sa pag-aayos ng gamit pati ng mga gamit ni Loreign at ni isa ay walang nangahas na pakeelaman ako.

May iilan-ilang tumitingin sakin pero hanggang dun lang at napapatahimik na lang.

"Selene ako na jan." pagvo-volunteer ni Sophie pero ni pagsulyap sa kanya ay di ko magawa.

I don't want to speak or do anything.

Gusto kong mapag-isa.

Pero mga kagrupo ko sila. I need to adjust kaysa maging selfish.

Basta ang kaya ko lang gawin ngayon ay kumilos. Ayoko lang talaga magsalita, dahil baka imbes na makatulong ako ay baka makapag-salita pa ko ng mga bagay na pagsisisihan ko lang sa huli.

This is me.

I choose to be silent than to speak with my rude word.

Alam kong di ako okay ngayon kaya mananahimik na lang ako kaysa ma-apektuhan pa ang iba sa masasabi ko.

Pagka-ayos ko ng gamit ni Loreign ay agad ko na itong binitbit.

Bale suot ko sa likod yung bag ko tas hawak ko naman sa dalawang kamay ko yung bag ni Loreign.

"Selene, need help? Ako na jan." Tinanguan ko lang si Jona sa alok nya tsaka ako nag dire-diretso sa pagbaba.

Agad din namang sumunod ang mga kasamahan ko sakin.

Pagka-baba ay nag-aantay samin ang Gray Stone.

Agad na lumapit sakin si Jazer para sana tulungan ako pero nilagpasan ko lang sya at di na pinansin.

Kaysa naman ibuka ko ang bibig ko at kung ano-anong mga masasakit na salita ang masabi ko sa kanya.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad kung san ko nakitang dinala ni Aldrin si Loreign, ni hindi ko na nga maikot ang paningin ko sa paligid ih.

At halos kumabog ang dibdib ko sa gulat at kaba ng maramdaman ko ang pag-akbay sakin, at amoy pa lang alam ko na.

His presence as always.

I'm always attracted by anything about him.

Especially on his presence.

At dahil sa gulat ay agad kong natabig ang kamay nyang naka-akbay sakin tsaka ko sya natulak ng pagkalakas-lakas.

Agad na nakapukaw ng pansin ang ginawa ko kay Jazer dahil lahat sila ay nakatingin na samin.

"Tss." Nasabi ko lang tsaka sana tatalikod nang magsalita ulit sya.

"I just wanna help you. That bag is really heavy. I'm just helping---"

"Sinabi ko ba? I can handle myself without any help from you. So don't waste your time to me." Tatalikod na ulit sana ako pero agad kong ibinalik ang seryosong tingin ko sa kanya. "And please, distance."  I said.

Napa-irap ako atsaka dire-diretso ulit sa paglalakad.

Nadaanan ko pa si Jade na kakaway sana sakin.

"Selene---" Pero agad ko rin syang nilagpasan.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon