New World 15

146 17 2
                                    

Run

"K-Kuya! Kuya!" Sigaw ng batang lalake.

Maingat namang inilapag ng binata ang babae nya pang kapatid sa kama na inuupuan nya.

Tsaka nya madaliang nilapitan ang nakababata nya pang kapatid na lalake.

"Bakit? Wag kang masyadong maingay, baka marinig tayo ng mga zombies sa labas." Maingat na sambit nya sa nakababatang kapatid nyang lalake.

"Eh kasi kuya tignan mo yon oh." Pabulong na sabi ng bata tsaka nya tinuro yung bus.

Jayvee Gray

Agad ko namang tinitigan ang tinuturo ni Alexander gamit ang kanyang laser.

Bus.

Huminga ako nang malalim tsaka ko ulit nilingon si Alexander.

"Xander, isang ordinaryong bus lang yan---" Napahinto ako sa pagsasalita ng mahagip ng mata ko ang ilaw na nag mumula sa bus.

Masyadong madilim dahil gabi na kaya makikita mo talaga ang ilaw na nagmumula sa bus.

Tinitigan ko pa yun ng maigi para makasigurado.

Gumalaw galaw yung ilaw at sigurado akong dahil yon sa tao!

May tao!

Buhay!

Wait. S-Signal!

Agad kong kinuha kay Xander yung laser tsaka itinutok ng maigi don sa ilaw na nagmumula.

Idinikit ko ang ulo ko sa bintana at tinitigan ng maigi ang bus.

Isang babae!

Nasisinagan sya ng ilaw na nagmumula sa phone na tingin ko ay hawak nya.

Basta sigurado akong babae sya!

Nang tingin ko'y napansin nyang nakikita ko na sya ay agad syang ngumiti ng sobrang lapad sakin sabay kaway nya.

Napangiti ako.

Sobrang saya ko.

Bigla akong nagkaroon ng pag-asa dahil sa kanya!

Agad din naman akong kumaway sa kanya kahit di ko alam kung nakikita nya ba ako.

Napakunot noo sya.

Nag isip ako ng mabuti para magkaintindihan kami.

Ah!

Pinatay bukas ko yung laser bilang signal na nakikita ko sya.

Tumango-tango sya tsaka nya tinuro yung labas.

"Sh*t! Lalabas sya? Delikado." Bulong ko sa sarili ko.

"Kuya, ang ganda nya." Bulong naman ni Xander.

"Shh... Wag ka sabing maingay." Sambit ko naman kay Xander.

I know, nakikita ko naman. At sobrang ganda nya talaga.

Para ngang wala akong nakikitang takot sa mga mata nya eh.

Mukha syang matapang at walang kinatatakutan.

Selene Caz

Matapos kong ituro ang labas ay nag okay sign ako sa kanya staka ako muling ngumiti.

Tumayo agad ako nang maayos.

Napabuga ako sa hangin sabay hawak ko ng maigi sa baseball bat.

"Let's go." Seyosong sabi ko na tinanguan naman ni Loreine.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon