New World 7

179 19 1
                                    

Canteen

Selene Caz

"So pano? Hiwalay na tayo dito. Nicole at Chester dun na kayo sa GAS. Kayo naman Aldrin at Loreine dun kayo sa PA. Pagkakita nyo sa mga studyante sa room, pagbalutin nyo ng tela yung mga braso nila. Tas antayan tayo sa hagdanan tas sabay-sabay tayong bababa. Okay?" Tumango-tango naman sila. "Una na kami!"

Agad kong hinawakan ang kamay ni Jazer tsaka ko sya inatak sa ABM.

Ganon din ang ginawa nila Chester.

Agad kong kinatok yung pintuan ng ABM.

Pero walang sumasagot. Naka-lock.

"S-Sino yan?!" Rinig kong sigaw sa loob.

Aha! Si Thea yun ah!

"ABM! Si Selene to!" Sigaw ko naman.

Wala pang limang segundo nang biglang bumukas yung pinto.

Pagpasok namin ay agad ding ni-lock ni Jazer yung pinto.

Pinalibot ko ang paningin ko.

Lima lang sila?

Ibinaling ko ang atensyon ko kay Thea. Naging ka-close ko sya dahil madalas syang sumali sa mga poster making contest dito sa school namin.

"Bakit kayo lang ang nandito? Asan yung iba?" Tanong ko sa kanya.

Tatlong lalake tas dalawa silang babae dito.

"K-Kasi wala kaming teacher nung first period kanina kaya nag-sipag labasan sila. Tas kaming lima lang ang natira dito. Nalaman na lang namin na infected na silang lahat." Paliwanag ni Thea.

"Yung President nyo?" Tanong ko ulit sa kanya.

Napayuko naman sya.

"A-Actually... Sya yung pasimuno nang paglabas ng mga kaklase ko." Mahinang sabi nya, sapat na para marinig ko.

Parang nanikip ang dibdib ko sa narinig ko

Andaming studyanteng namatay, dahil sa iresponsableng President nila.

Napayuko ako, hindi ko pwedeng ipa-iral ang emosyon ko ngayon.

Kahit gustong-gusto ko nang magwala. Hindi ko magawa.

Huminga ako nang malalim.

"Mag-ready kayong lima. Balutan nyo ng tela yung balat nyong na exposed sa upper part ng body nyo, gaya ng braso. Dalian nyo. Aalis na tayo." Agad naman silang nagsipag kilos.

Napahilamos naman ako sa mukha ko.

Pano ko ba kakayanin to? Nasasaktan ako tuwing nalalaman kong may studyanteng napapahamak. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa.

"Okay lang yan, magiging maayos din ang lahat." Bulong sakin ni Jazer.

Napangiti na lang ako.

Pag-sinabi nyang magiging maayos. Alam kong mangyayare. Hindi nya pa ko nabibigo.

Nginitian ko sya sabay yakap ko sa bewang nya na ikinagulat nya.

"Thank you at dumating kayo dito. Salamat sa concern nyo sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala kayo dito." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam kung kakayanin kong ma-relax habang hindi ko nakikitang ligtas ka." Baling nya naman sakin sabay tap nya sa ulo ko.

Napangiti ako sabay hiwalay ko sa kanya.

Nang masiguro kong ayos na yung lima naming kasama ay sinenyasan ko na silang lalabas na kami.

Agad naman silang pumwesto sa likod namin.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon