New World 2

481 31 2
                                    

Selene Caz

The Plan (Part 1)

"Selene, kaylangan na nating humingi ng tulong." Rinig kong sambit ng isang kaklase kong lalake. Rinig na rinig sa kanyang boses ang panginginig.

Kahit naman ako. Piling ko, kapag nagsalita ako... walang lalabas.

"Selene, kontakin mo na kaya yung mga head pati sila Ma'am." Sambit naman nung isa.

"Selene, please naman. Kaylangan ka na namin." Sambit naman nung isa.

Napatingin naman ako sa kanya. Namumula ang kanyang mata, bakas na kakagaling lang sa pag-iyak.

Tinignan ko silang lahat. Bakas ang mga takot sa kanilang mata at kitang kita ang kawalan ng pag-asa neto.

Napasabunot ako sa buhok ko. 

Hanggang ngayon ayaw pa ring i-absorb ng utak ko yung mga nakita at narinig ko. Nangininginig pa rin ako sa takot. Lalo na dun sa babae.

Tinawag nya ko! Humingi sya ng tulong sakin!

P-Pero... Pero wala akong nagawa!

Tumayo ako at tinitigan sila.

Hindi ko sila kaya. Hindi ko sila kayang buhatin. Bakit ba ako ng hinihingan nila ng tulong? Nakita ba nila yung ginawa ko kanina? Hindi ko natulungan yung babae. Wala akong nagawa.

A-Atsaka... Hindi lang naman sila ang natatakot, hindi lang naman sila ang kinakabahan, hindi lang naman sila ang nawawalan ng pag-asa. Ako din.

Takot na takot ako. Pati ba naman sa ganitong sitwasyon, kaylangan salo ko sila?

"Bakit ako? Bakit ako na naman?" Huminga ako ng malalim at pumikit. Damang-dama ko ang mainit na pagbagsakan na naman ng mga luha ko. "Bakit kaylangan nyong iasa yung mga buhay nyo sakin?! Bakit ako?! Tao din ako! Natatakot din ako!" Agad ko namang kinuha ang bag ko. Hinalungkot ko ito hanggang sa mahanap ko ang pouch ko, kinuha ko don yung phone ko staka ko yon nilapag sa mesa ng teacher. "Oh ayan! Kayo ang tumawag sa mga teachers na yan! Kung gusto nila tayong tulungan, edi sana una pa lang wala na tayo dito. Sana una pa lang kumilos na sila."

Ni hindi ko nga alam kung ano nang mga paganap at nangyayare sa faculty, hindi ko alam kung may mga plano ba ang mga teachers namin o kung handa ba nila kaming tulungan.

Eto ba ang rason kung bakit kakaiba ang kinikilos nila? May alam ba sila? Kung hindi nila kami kayang tulungan lahat, bakit hindi na lang nila pinaalam sa amin para kahit papaano, aware kami at nakaalis na agad kami dito. O natulungan naming hindi kumalat ang lahat ng 'to. Kasalanan nila 'to, kung bakit kumalat at lumala ang mga 'to. Kung bakit may mga inosenteng studyante ang namamatay isa-isa sa labas.

Napa-upo ako sa isa sa mga upuan na malapit sakin. Nanghihina ako. A-Ano bang kaylangan kong gawin?

Agad naman akong yinakap ni Chara.

"Selene... Shhh." Pagtatahan nya sakin.

Ramdam na ramdam ko ang pagtahimik ng paligid. Hindi ko ginustong magtunog nanunumbat, pero ang hirap kasi eh. Hindi ko kayang kimkimin at saluhihn 'to ng ako lang. Hindi ganitong resposibilidad ang dapat napapatong sakin. 

Punyeta, ni hindi naman academic related 'to!

Kusa na lang nagsipatakan ang mga luha ko.

"Y-Yung babae Cha... Yung babae, hindi ko sya natulungan..." Nakokonsensya talaga ako at para akong walang ginawa at pinanood lang ang nakakabaliw na pagkamatay ng studyanteng yon. 

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon