New World 8

170 18 3
                                    

Miserable

Selene Caz

"Selene, actually... Hindi ko alam ang dapat sabihin ngayong wala na si Chara." Seryosong sabi ni Clyde. "Uhmm... Kung gusto mo magpahinga ka muna, kami na munang bahala dito."

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko.

Gusto kong magpahinga, gustong-gusto ko.

Pero alam ko naman na hindi lang ako ang napapagod ngayon. Gusto ko mang magpahinga, alam kong mahalaga ang meeting namin ngayon.

Kasama ko ang buong SSG officers ngayon dito sa isa pang kwarto sa canteen.

Storage room.

Hindi masikip pero hindi rin ganon ka luwag, sakto lang para makapag-meeting kami.

Nasa labas kumakain at naghahanda ang ibang studyante kasama sila Jazer.

"No... Pagod ako. Oo. Pero di ba pagod din naman kayo?" Huminga ako ng malalim tsaka ko hinawakan ang mga kamay ni Clyde, nagulat sila sa ginawa ko lalo na si Clyde. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Clyde tsaka ko sya tinitigan sa mga mata nya. "C-Clyde... G-Gustong-gusto ko nang umuwi... P-Please tapusin na natin to. N-Natatakot na ko... P-Para sa pamilya ko..." Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.

Agad akong lumayo sa kanya staka pinunasan ang mga mumunting luha na kumawala sa gilid ng mga mata ko.

Huminga nang malalim si Clyde atsaka napahilot sa kanyang sentido.

"Anong gagawin ko? Selene kahit ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. W-Walang umiikot sa utak ko ni katiting na plano. Ni wala nga akong ideya kung anong meron doon sa halimaw na yon." Kalmado ngunit ramdam mo ang galit sa boses ni Clyde.

"I-I... I have some information tungkol ." Kinakabahang sabi ko.

Sinabi ko sa kanila lahat ng nalalaman ko, ikinwento ko rin ang mga nangyare simula sa pagpapatawag sakin ni Ms. France hanggang sa pagpaplano naming pumunta dito sa canteen.

"San mo nalaman ang mga yan Vice?" Kuryosong tanong ni Kyle. Treasurer namin.

Kung normal lang na araw mapapangiti ako sa tanong nya dahil naiisip ko kung gano ka talino ng ex ko pero sa oras na to? Hayss.

"Sa kaibigan ko, yung kasama namin kanina na iba yung uniform." Seryosong sabi ko sa kanila.

"Pano ka nakakasigurong tama yung source mo?" Napatingin naman ako kay Fin. Representative.

Lagi syang seryoso at parang walang pakeelam sa mundo. Kelan ko ba sya nakitang ngumiti? Tss.

Hindi lang yon. Nanalo sya sa pwestong Representative hindi dahil ginawa nya ang lahat. Yon ay dahil sa nakakalokang looks nya. President sya ng P.A. Ibig sabihin lang non, hindi lang looks ang panlaban nya. Nakakabilib din ang talent nya pagdating sa pagkanta. Although matalino din naman sya at may leadership skill.

Bat di ko kaya sya sinagot?

Well... U-Uhmm tama kayo. Niligawan nya ko. Noon.

Bakit di ko kaya sya sinagot? Almost perfect na sya ha? Ah! Naalala ko na. Pano ba naman kasi, sa sobrang seryoso nya, hindi mo talaga mafi-feel yung sweetness na sinasabi nya. Hindi ko nga alam kung seryoso sya nung sinabi nyang...

"Selene, I like you and  I want to court you."

Kinikilabutan ako tuwing maaalala ko yon. Napaka-seryoso nya at wala manlang emosyon. Kaya pagkasabing pagkasabi nya non...

"No. I-Im sorry... M-May balak na kasi akong sagutin si Chester."

Napailing na lang ako tuwing iniisip ko yon.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon