New World 14

133 17 2
                                    

Laser

Selene Caz

"Water." Sabay abot sakin ni Jazer ng tubig.

Nasa tabi ko pa rin si Loreine at mahimbing na ang tulog habang nasa harap ng kinauupuan namin naka-pwesto sila Jazer at Chester, sa likod naman namin ni Loreine naka-pwesto sila Jade at Aldrin.

Yung iba rin naming kasamahan ay tulog na at nagpapahinga, at yung iba naman ay kumakain.

"Thanks." Sagot ko staka ko nilingon sila Jade sa likod ko na mahimbing na natutulog.

Huminga ako ng malalim staka ko ibinalik ang tingin ko kay Jazer na naka-dungaw pa din sakin.

"Si Chester?" Tanong ko sa kanya.

"Tulog." Maikling sagot nya.

Tumango-tango naman ako.

"Gano pa ba tayo kalayo?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Medyo malayo pa." Sagot naman nya habang seryoso pa ring nakatingin sakin.

"B-Bakit?" Naiilang na tanong ko sa kanya.

Agad nyang hinawakan ang kaliwang kamay ko atsaka nya minasa-masahe ang braso ko don.

"Nasaktan kita sa paghawak ko dito kanina. I'm sorry. Masakit pa ba?" Bakas pa din ang pag-aalala sa boses nya kaya napa-ngiti naman ako.

"Oo, pero hindi naman dahil sa paghawak mo. Nangalay lang siguro dahil sa kakahampas don sa mga zombies." Sagot ko naman sa kanya.

Shemsss... Nakaka-relax yung pagmamasahe nya.

"Ang tapang mo na. Parang kanina lang ni hindi mo kayang masaktan yung mga schoolmates mo na naging zombies na, pero ngayon parang bihasang bihasa ka na at mukhang mas matapang ka pa sakin." Sabay gulo nya ng buhok ko. "Proud ako sayo."

Napangiti ako sa sinabi nya sabay tingin ko sa bintana na katabi ko na tinatakpan ng kurtina.

"Kaylangan ih." Maikling sagot ko.

Binitawan na nya ang kamay ko pero nanatili pa rin ang pagtitig nya sakin ng seryoso. Hindi ko na lang yon inintindi at pinagtuunan ko na lang ng pansin yung bintana sa tabi ko. Huminga ako ng malalim bago ko sinilip ang labas.

Umuulan...

Malungkot kong pinagmasdan ang labas.

Sobrang gulo ng paligid. Para bang nagkaroon ng gyera dito.

May mga nasusunog at bagsak na building. Yung iba naman malaki na ang sira. Sobrang dilim ng paligid dumagdag pa na sobrang makulimlim ng langit dahil malakas ang ulan.

Napakunot noo ako ng may mapansin.

Wala akong nakikita kahit isang zombie na nakakalat sa paligid.

Hanggang sa may maalala ko.

Takot nga pala sila sa tubig.

"Selene..." Bulong na tawag sakin ni Nicole na nasa kabilang bahagi ng inuupuan namin ni Loreine.

Agad naman naming nilingon ni Jazer si Nicole.

"Hmm?"

"H-Hindi ba muna natin pupuntahan yung pamilya namin?" Nag-aalangang bulong nya sakin.

Huminga ako ng malalim staka sya maingat na tinignan.

"Ipapaalam natin yan sa team ng Red Island. Mamaya kasi pagpumunta pa tayo sa mga kanya-kanya nating bahay ay baka imbis na makatulong tayo ay lalo pang lumala. Pero wag kang mag-alala. Mapagkakatiwalaan ang Red Island. Babalikan natin sila." Mahabang paliwanag ko sa kanya na ikinangiti naman nya. "Sige na, matulog kana ulit."

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon