New World 22

86 6 0
                                    

Gray Stone

Selene Caz

"Ready?" Tanong ko kay Loreine na nag-aayos na rin ng gamit.

Umaga na at ngayon ang tinakdang oras ng pag-alis namin pa-puntang Tarlac.

Kaming mga babae lang ang pupunta sa Tarlac dahil sila Jayvee ay sa ibang lugar na na-assigned.

"Yep. By the way, are you sure walang something sa inyo ni Jayvee?" Seryosong tanong nya kaya agad kong itinaas ang kamao ko.

"Gusto mong tumama sayo to?! Tss. Sabi nang wala." Tsaka ko ibinaba ang kamay ko at bumalik ulit sa pagi-impake. "Wala akong plano. Eh ikaw nga mas nagiging close kayo ni Darylle eh! Kala mo di ko alam ha!"

"Utot mo Selene! Alam mong wala akong planong palitan si Aldrin! Magkikita pa kami at mababatukan ako non pag nalaman nya yang kabaliwan mo."

Napangiti ako sa sinabi nya.

Pareho kami ni Loreine, umaasa at naniniwala kaming magkikita pa kami ng mga kaibigan namin. Maybe hindi pa sa ngayon pero balang araw.

"Fine sabi mo eh. Tara na." Aya ko sa kanya sabay lagay ng bag ko sa likod.

Paglabas namin ng tent ay nasa labas na ang ibang lalake habang naka pila naman na ang mga babae per team.

Agad kong iniabot ang bag ko kay Louie na kinuha nya naman para ilagay sa bus na sasakyan naming mga babae.

Agad na nag-salute si Loreine kay Jayvee ng huminto sya sa harap namin tsaka umalis si Loreine para pumila sa team nya.

Agad naman akong nag salute ako kay Jayvee na ginawa nya rin naman.

Napa-kunot noo ako nang may i-abot sya saking envelope.

Agad ko namang tinanggap yon tsaka sya tinaasan ng kilay.

"What the hell is this? Goodbye letter? Come on Jayvee, namamaalam ka na ba?" Sabay ngisi ko sa kanya.

Pero nananatili pa rin syang seryoso.

"Tss, i-check mo na lang kaya?" Naiiritang sabi nya dahilan para kumunot ang noo ko.

Ano bang problema neto?

Huminga ako ng malalim bago binuksan ang envelope. Nilabas ko ang mga laman nitong papel.

Napakunot noo ako ng may makita akong logo.

Agila na may pa cross na dalawang espada sa gitna nito.

"Gray stone..." Pagbabasa ko sa pangalan ng grupo sa baba.

Agad kong ibinalik ang tingin kay Jayvee.

"Ano to?" Takang tanong ko sa kanya.

Pero seryoso nya lang ulit akong tinitigan.

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko tsaka nilipat sa kasunod na papel.

Napakunot noo ako sa nakita ko.

Yung mga grupong may hawak na baril at tingin kong eto yung Gray Stone... B-Bumabaril sila ng mga tao.

A-At obvious naman sa pictures na normal na tao sila at hindi infected. Para silang mga nakaluhod at nagmamakaawa sa grupong to.

"Wala pang matibay na evidence but as you can see... Sa pictures palang, pumapatay sila... Hindi ng mga zombies, kundi mga inosenteng tao."

Napatakip ako sa bibig ko.

"H-Habang tayo... Si-sinusubukan nating magligtas ng mga survivors sila... Sila naman paulit-ulit na pumapatay ng mga inosenteng tao. W-What kind of... Of human are they?" Naluluhang sabi ko.

H-Halimaw sila.

"Selene... Look at me." Hindi ko ginawa ang sinabi nya kaya napahinga sya ng malalim atsaka nya iniangat ang baba ko.

Napalunok ako.

"What?" Naiiyak na sabi ko.

What if... W-What if isa sa mga inosenteng na patay nila ay yung... Yung mga kaibigan ko?

S-Si Jazer?

No!

Hindi... Imposible talaga! T-Tama.

"Sabi sa mga sources na pupunta sila ngayon sa destination na naka assigned sa inyo. At malaki ang chance na magkita kayo ng grupo ng Gray Stone don. Delikado, what if magpalit tayo ng destination---"

"No..." Agad na pagpigil ko sa kanya. "Gusto kong ang grupo ko mismo ang huhuli sa kanila. Malaki ang kasalanan nila at gusto kong pagbayaran nila yon, sa kamay ng grupo ko. Pinapangako kong ako mismo ang papatay sa pinuno nila... Wala syang karapatang mabuhay." Seryosong sabi ko.

"Okay... Just please, be careful. Contact us every hour. Okay?" Tumango-tango naman ako.

Agad syang nag-salute sakin kaya umayos na din ako ng tayo at nag-salute sa kanya.

"Goodluck." Maikling sabi ko sa kanya.

Ngumiti muna sya.

"Goodluck." Sagot nya naman.

Tsaka sya lumapit sakin at hinalikan ang noo ko na nakasanayan ko na.

***•••***


"Reine, nadala ba yung mga vaccine?" Tumango-tango naman sya.

Nag-dala kami ng mga armas na gagamitin, sapat na pagkain at tubig, mga gamit na makakatulong samin, mga extra clothes at higit sa lahat ay ang vaccine.

Nagdala kami ng vaccine hindi lang para sa mga survivors, para na rin if ever na makagat kami sa lower part ng body ay may pang contradict agad sa virus.

Nasa loob kami ng bus.

Medyo malayo na rin ang narating namin kaya napag desisyunan ko nang sabihin sa kanila ang mga nalalaman ko.

Agad akong tumayo sa gitna ng bus.

"Attention." Agad silang nag sipag ayos ng upo tsaka nag salute. "Meron akong importanteng kaylangang sabihin sa inyo." Huminga ako ng malalim staka muling ipinalibot ang paningin sa kanila. Kinuha ko ang nakatuping papel sa bulsa ko atsaka ko ibinigay sa unang row na ipapaikot hanggang sa makita ng lahat at makabalik sakin. "Gray stone, as you can see... Pumapatay sila ng mga inosenteng tao." Napasinghap sila sa sinabi ko. "Pupunta sila sa destination ng mission natin ngayon. Are you all guys ready?" Determinado naman silang tumango. "Alright, once na makita nyo ang logo na yan sa mga kasuotan nila... Don't hesitate to shoot and kill them all. That's my order."

Wala silang karapatang mabuhay. How come na hindi sila inuusig ng konsensya nila?!

Sa dami ng zombies na nakapalibot, inosenteng tao pa ang naiisip nilang patayin?!

They're heartless.

Then... Let them taste how heartless I am.

I am born to fight.

And they're born to die.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon