New World 21

86 7 0
                                    

Someone?

Selene Caz

"Kuya! Kuya! Si Xander sinapak si Leo! Kuya! Huhuhu." Biglang sulpot ni Xandria kaya napangiti ako.

Agad namang binuhat ni Jayvee si Xandria at iniupo sa binti nya.

Agad akong dumikit sa kanila sabay punas ko sa mga luha ni Xandria.

Bigla namang dumating si Xander kaya agad ko syang sinamaan ng tingin.

"What? Ate Selene, you'll understand me." Sagot nya sakin.

"Okay how? Explain." Naiinis na sabi ko sa kanya.

Wala naman kasing ibang ginawa si Xander at Jayvee kundi inisin at paiyakin si Xandria ih.

"Kaya nga. Bahala ka, ikaw sumuyo jan kay Selene ha... Ang hirap pa namang suyuin nyan." Bulong naman nitong katabi ko na si Jayvee kaya agad ko syang binatukan.

"Anong sabi mo?! Tsaka bat ako yung susuyuin?! Yang si Xandria ang suyuin at patahanin nyo oh!" Naiinis na sabi ko sa kanilang dalawa.

"Eh kasi namin Ate Selene, hinalikan ni Leo bakulaw sa pisngi si Xandria kaya ko sya sinuntok... Mali ba yon?" Nakayukong sabi nya.

"Aba! Tama lang ang ginawa mo sa lalakeng yon! Loko yon ha! Bat nya hinalikan ang princess natin?! Dapat tinawag mo ko para nasuntok ko din--- P*tang*na ang sakit!" Naiinis kong binatukan si Jayvee.

"Bibig mo! Kitang may mga bata eh! Tsaka tumigil ka nga! Imbis na itama mo, sinusulsulan mo pa! Napaka konsintidor mo talaga eh no?! Bwiset to tss..." Agad ko namang hinarap si Xander. "At ikaw naman Xander, hindi maling protektahan at bantayan mo ang kakambal mo. Ang mali ay yung manuntok ka ng kapwa mo. Hayssst! Ang sakit nyo sa ulo!" Sabay kuha ko kay Xandria.

"Sorry po..." Nakayukong sabi ni Xander.

Habang nakatayo at nakabusangot naman ang mukha namin ni Xandria.

"Bat sakin ka nag so-sorry? Kay Xandria at Leo ka mag sorry." Sambit ko naman sa kanya.

"Oyy! Bat mo pinapagalitan ang anak ko?" Sabay tayo ni Jayvee.

Ayan na naman sya sa pagiging isip bata. Pag-ganitong pinagsasabihan ko si Xander at kinakampihan ko si Xandria ay bigla syang papasok sa eksena para kampihan daw ang 'Anak nya.'

Putspa, kapatid naging anak? Anlayo talaga ng nararating ng imahinasyon neto eh no?

"Ano na naman bang trip mo ha?! Kita mong seryoso ako dito tas magpapaka---" Mataray na sabi ko sa kanya pero agad nya namang pinutol yon.

"Shut up! Both of you." Sabay turo nya sakin at kay Xandria na hindi naman nagsasalita. Tsaka sya humarap kay Xander. "Prince Kitten, our Queen and Princess are so sad. And I think they're mad... What do you think? Sa atin kaya?"

Napakunot noo si Xander pero napangiti din pagkatapos.

"Uhmm... I think so, King."

Agad na ibinalik ni Jayvee ang tingin nya saming dalawa ni Xandria.

"Tingin mo? Oww, so... Anong dapat nating gawin?" Bakas ang pagbabanta sa tanong ni Jayvee kaya agad kong hinawakan sa kamay si Xandria.

"Don't you dare--- Waaah!" Sabay takbo ko nang magtangka silang kilitiin kami.

Someone's pov

"Nasan na ang iba?" Tanong ko tsaka dumiretso sa kwarto ko.

Nakasunod naman sakin si Greg, Leader ng Team E.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon