New World 11

139 18 4
                                    

Code

Selene Caz

Si Aldrin na katapat ang isang computer habang nasa tabi nya at tumutulong si Loreine.

Si Jazer naman na mabilis na nagta-type sa harap ng computer habang katabi nya si Jade na tumutulong din sa kanya.

Si Sir James naman at Chester ay nagtutulungan sa isang computer.

Si Mang Robert naman ay katabi ko at hawak ang phone ni Sir James para patuloy na mag-contact ng pwedeng mahingan ng tulong.

At ako naman ay natataranta habang nakahawak sa phone ko at kino-contact sila Nicole.

Pero walang sumasagot.

Hanggang sa mapindot ko ang number ni Jian. Nakababata kong kapatid.

Napatayo ako nang marinig ko ang boses nya.

"A-Ate?"

"Oh my God! Jian! Yes! Ako to! Your ate Lenlen. Oh my God kamusta kayo jan?" Pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy na naman sa pisngi ko.

Agad na napalapit sakin si Loreine.

"Si Jian?" Tanong nya.

Tumango-tango naman ako.

"We're fine ate. We're here sa house nila kuya Jade. Ate kasama mo sila Ate Loreine? Andito kaming lahat sa bahay nila Kuya Jade. Pati family nila ate Loreine, kuya Aldrin and of course family din ni Kuya Jazer." Masayang sabi nya dahilan para mapaluha ako.

"Mama! Papa! Si ate Lenlen!" Rinig kong sigaw nya.

Rinig ko rin ang maraming yapak sa kabilang linya.

"Selene?! Oh God! Anak! Anak ko!" Umiiyak na sabi ni Mama.

Napatakip ako sa bibig ko nang magsimula akong humagulgol.

Naramdaman ko naman ang pagyakap sa tagiliran ko ni Loreine.

Oh my God... I miss them... I miss my family.

"Honey? Okay ka lang ba jan? Anak?"

Inayos ko ang boses ko para hindi mahalatang umiyak ako.

"M-Mama I'm fine. Okay lang po ako. K-Kasama ko nga po pala sila Loreine at sila Jade, Aldrin at Jazer. And we're fine. We will be fine. Mom listen. Pasabi po kila Tita na okay lang sila Loreine dito. Mom..." Nagsituluan ang mga luha ko pero pinilit kong magpakatatag. "Mom we're doing something na makakatulong satin. And I really need to communicate with Papa. I hope you understand Mama. Malo-low batt na po ako. Kaylangan ko pa po ng tulong ni Dad. I love you po. Pakipasa na po ng phone kay Dad. Promise ita-try kong makapagcharge later. We're running out of time Mom." Mahabang paliwanag ko.

"Okay anak. I love you, please take care of yourself... Hon si Selene."

"Selene anak..." Nagsipatakan na naman ang luha ko.

Papa ko...

"P-Pa..." Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Anak kamusta ka jan? Anak nag-aalala kami dito." Bakas ang pag-aalala sa boses ni Papa.

"Pa I'm fine. We're fine... Just please take care of them. I love you po." Pinunasan ko ang mga luha ko.

Pero patuloy pa rin ang pagkirot ng puso ko.

"I will anak... I love you."

"Pa... Actually Pa I need you. We need you."

Kaylangan namin si Papa ngayon. Malaki ang maitutulong nya sa pag hack sa Red Island.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon