Epilogue

138 6 0
                                    

Epilogue

"Selene! Kanina ka pa?" Inip akong napatingin kay Loreign na kasama si Lyka.

Tamad kong ibinaba yung shake ko.

"Obviously Reign, oks lang. Nakita ko naman sila Aldrin at nakipag chitchat muna ako sa kanila bago sila pumunta sa training nila sa basketball." Agad naman silang umupo sa harap ko.

"Wala silang klase?" Tanong naman ni Lyka.

"Meron pero exempted sila. You know, malapit na yung laban. Sayang di ko sya naabutan." May halong panghihinayang sa boses ni Loreign.

"That's fine, para namang di kayo magkikita mamaya." Sabay hawak ko sa straw ng shake ko.

Pinaglaruan ng mga daliri ko yung straw.

"Palibhasa ikaw, secured kana." Nagtataka naman si Lyka na napatingin sakin dahil sa sinabi ni Loreign.

Napangiti naman ako sabay taas ko ng kamay ko sa mesa netong inuupuan ko para ipakita ang enggagement ring ko.

Yah! Enggage na ko!

And I'm so happy!

Agad namang nanlaki ang mga mata ni Lyka sabay hawak sa kamay kong may suot na singsing.

"God! Kelan pa?! Bat di ko to alam? May na-missed ba kong scene ng buhay mo?!" Di makapaniwalang sabi nya.

Umiling-iling ako habang tumatawa.

Nahinto lang yon nang biglang may humalik sa pisngi ko.

Agad na nagsipag tahimikan ang mga iba pang studyante dito sa cafeteria.

"Hey, bakit parang sobrang saya ng fiance ko?" Halos mamutla ako sa sinabi ni Jazer.

Jusko! Halos ipangalandakan nya nang enggage na kami!

Inirapan ko sya para magkunwareng galit dahil di ko na kinakaya ang kahihiyan sa harap ng ibang studyante!

Nag-iinit na talaga yung pisngi ko!

"You're blushing, how cute." Bulong nya sa tenga ko kaya halos makiliti ako sa ginawa nya.

Inirapan ko ulit sya tsaka ako napatingin sa harap ko.

"Ikaw lalake ka! Bat di mo manlang sinabi sakin na enggage na pala tong dalawa ha! Pinipikon mo ba talaga ako?! Kahapon ka pa ha?!" Napangisi ako ng marinig ko ang sinabi ni Lyka kay Jade.

At halos mapa-ubo ako ng maramdaman ko ang pagpulupot ni Jazer ng kamay nya sa bewang ko.

Hindi ko nalang pinansin yon at tinignan ko na lang sila Jade.

"Babe naman, sorry na kasi kung di kita napuntahan sa dance club nyo kahapon. Alam mo namang may practice kami sa basketball ih." Paghingi ng tawad ni Jade kay Lyka sabay yakap nya mula sa likod nito.

"Tsk! Yak Jade! Di bagay sayo! Kadiri ka!" Sigaw sa kanya ni Reign na hindi naman pinansin ng dalawa.

"Tsk. Kung nagbanda ka na lang kasi sana gaya ni Jazer at Chester. Selene pag sabihan nyo nga tong kaibigan nyo!" Galit na sabi pa rin ni Lyka.

Agad namang may umubo sa likod nila.

Napatawa ako nang makita ko ang mukha ni Vince.

Tinaasan lang sya ng kilay ni Jade atsaka nagwalk out si Lyka na sinundan naman ni Jade.

"Yah! Sa tambayan mamaya!" Sigaw ko sa kanilang dalawa.

Tinaasan lang ako ng kamay ni Jade hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon