New World 32

68 4 0
                                    

First Round

"For the first round. Lyka from the fighters, and Jade from the Gray Stone." Malakas na sambit ng isang lalake mula sa Gray Stone. 

Nandito kami ngayon sa open field kung san gaganapin ang laban. 

At halos malula ako nang mapagmasdan ko ang dami ng soldiers ng Gray Stone. 

Umiling-iling ako. 

Focus Selene. Focus. 

"For the second round. Loreign from fighters and Aldrin from Gray Stone." 

Napatingin ako sa katabi ko sa kaliwang bahagi. 

Seryoso lang sya at walang ipinapakitang kahit anong emosyon. 

Galit pa rin kaya sya sakin? 

Kinalma ko ang sarili ko. 

Haysst... 

Nilingon ko naman ang katabi ko sa kanang bahagi. Si Lyka. 

Seryoso din sya pero bakas ang kaba sa kanyang mukha. 

 Nasa likod naman namin naka-pwesto ang buong team ko. 

"For the final round. Selene, the leader of Fighters of Red Island. Jazer, the leader of Gray Stone Soldiers." Napahinga ako ng malalim ng marinig ko iyon. 

Napatingin ako sa lalakeng nasa harapan ko. 

Seryoso ang mga tingin nya na nag-bigay sakin ng kakaibang pakiramdam. 

At halos mag-init ang mukha ko nang maalala ko ang nangyare kanina. 

Umamin ba sya sakin? 

I don't know! 

Umiling-iling ako staka iniiwas ang paningin ko sa kanya. 

Napa-tingin naman ako sa katabi nya sa kanan. Si Aldrin na katapat ni Loreign. Sa kaliwa naman ay si Jade na katapat ni Lyka. Sa likod nya ay nakahilera ang sobrang daming soldiers ng Gray Stone. 

Huminga ako ng malalim. 

I need to win this game. 

"Para sa unang makaka 2 points ay syang mananalo at mabibigyan ng pagkakataong humiling mula sa kabilang grupo ng kahit anong nanaisin nito." Sabi ulit ng nag-a-anounce. "So Let start, for round 1. Position please." 

Agad na nag-lakad papuntang gitna sila Lyka at Jade.  Walang emosyon ang ipinapakita ko pero abot langit ang kaba ko para sa kanilang dalawa. 

"Kung sino ang unang susuko at mag-tataas ng kamay ay syang talo." 

Pumwesto na sila agad. 

Kutsilyo lang ang pwedeng armas na gamitin. 

Syempre, wala naman kaming balak na umabot sa patayan. 

"Let this fight begin." 

Matapos yon sabihin ay nag-simula na silang kumilos. 

Masyadong mabilis ang mga kilos nila at naabutan ko na lang ang pagbagsak ni Jade sa sahig dahil sa solidong suntok sa kanya ni Lyka. 

Agad na nag-sipalakpakan ang mga kasamahan ko sa likod. 

Napawi ang ingay ng biglang tumakbo si Lyka papunta sa nakahigang Jade para isaksak ang kutsilyo nya. 

Napapikit ako sa kaba. 

Part of me says na sana... Sana sumuko na si Jade para hindi na sya masaktan pa pero malaki din ang part sakin na gustong tumayo si Jade don at tapusin ang laban. 

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon