New World 31

73 6 0
                                    

Three Words

"What's your plan?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Loreign at nag-dire-diretso lang ako sa pag-asinta ng target ko.

"None of your business. Mag-practice ka na lang jan." Tinatamad kong sabi. 

Agad na namutawi ang ingay ng sunod-sunod na pagbabarilin ni Loreign ang target nya. 

As in sunod-sunod at walang pagbwelo.

Mapatapos ng ilan pang putok ay ibinaba na nya ang baril nya staka nya tinaggal lahat ng gears na suot nya tsaka sya muling humarap sakin. 

"Harapin mo nga ako." Seryosong sabi nya sakin. 

Huminga ako ng malalim habang sinusukat ang bunganga ng baril ko sa traget ko. 

"I'm busy." Mahinahong sabi ko. 

"Look! Selene lets talk!" Pasigaw na nyang sabi at bakas na ang galit sa mukha nya.

Hindi ko sya pinansin at ibinalik ko na lang ang buong atensyon ko sa target ko.

"Ey! Guys, may problema ba jan sa inyo?" Tanong ni Lyka na kadadating lang. 

Kaylangan naming tatlo na mag-practice para sa laban mamaya, at wala kaming oras para sa pahinga ngayon. 

"Seriously?! Selene! I'm talking to you!" 

"And I don't care." Walang emosyon kong sabi.

Napa-irap ako ng itulak nya ko ng malakas. 

Padabog kong tinanggal ang gear ko pero hindi ko pa rin ibinababa ang baril ko.

"What's wrong with you?" Bakas na rin ang inis sa boses ko.

"No! What's wrong with you?!" Mangiyak-iyak nyang sigaw sakin. 

Napa-iwas ako ng tingin ng makita ko syang parang naiiyak. 

I love my bestfriend. I don't want to see her in this kind of situation. 

Eto na ata ang pinaka-malalang pag-sigaw nya sakin. 

And I get her point. 

I deserve this. 

"Just follow me. And please trust me." Kalmadong sabi ko. 

"How can I trust you kung yung simpleng pagpapaliwanag lang sakin ng mga nangyayare ay di mo magawa? Selene, I'm not just your member, your assitant, your secretary or your team mate. Selene, I am also your bestfriend... In case you forgot." Naiiyak na sabi nya. 

Napa-lunok ako atsaka napa-yuko. 

"This is part of my plan Loreign, I hope you understand." 

"P-Part of your plan? Na ano? Na paglaruan kaming mga kaibigan mo? Na paglaruan kami ni Aldrin! Ikaw na ang nagsabi! He's my boyfriend for God sake!" Napahilamos sya sa mukha nya.

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. 

"Loreign---"

"Selene, he's my boyfriend for years yet... You want us to fight each other?! What's the point? Sasaya ka ba?! Para san ba to? Para sa lahat?! O... O baka naman para sa sarili mo?! Galit ka kay Jazer kaya pati kaming dalawa ni Aldrin dinadamay mo---" 

"Unbelievable! Loreign! Hindi ko ginusto at hindi ko gugustuhing magkasiraan kayo ni Aldrin! He will never hurt you kaya anong ikinagagalit mo jan?!" Pasigaw na rin na sabi ko sa kanya. 

"Yun na nga eh. He will never hurt me. Tingin mo masasaktan ko din sya?" Nag-situluan na ang mga luha sa mga mata ni Loreign dahilan para manghina ako. 

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon