New World 13

135 15 2
                                    

Killed

Selene Caz

"Selene! Faster!" Sigaw ni Chester kaya agad akong tumakbo sa pintuan ng sports room.

Natawagan na namin sila kanina at pinag-ready dahil susunduin namin sila.

At ngayon kino-cover kami nila Jazer, Chester, Jade, Aldrin, Sir James at Mang Robert at kasama ko naman ngayon si Loreine.

Nakailang katok pa bago may mag-bukas ng pinto.

Agad na bumungad sakin si Clyde.

Wala na kaming panahon para mag-dramahan kaya agad kong niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

"Ready na kayo?" Tanong ko kay Clyde.

Agad naman syang tumango sakin.

Kaya nag-si-pwesto na sila at nag-si-handa na sa paglabas.

"Guys, ready yourself. Diretso tayo sa bus." Paalala ni Clyde.

Pinauna nya yung mga schoolmates namin habang sila Jazer naman ang nagli-lead sa kanila.

"Lyka..." Tawag ko kay Lyka nang dumaan sya sa harapan ko.

"P-Pres." Naiiyak na sabi nya.

Dali-dali kong hinawakan ang pisngi nya.

"Maliligtas ka." Paninigurado ko sa kanya.

"Halika na." Sabi naman ni Clyde.

Nagsilabasan na kami.

Agad kaming nag takbuhan pero napapahinto rin kami tuwing may kakalabaning zombies.

Nangunguna sila Jazer papuntang bus habang todo protekta naman sila Vince at Lewis kay Lyka, tumutulong na rin sa kanila sila Jack, Jade at Aldrin.

Nakakasabay ko sa pagtakbo sila Sophie, Nicole at Loreine habang nasa likod naman ay humahabol ang mga kapwa ko SSG officers.

"Shit!" Rinig kong sigaw ni Clyde kaya napahinto ako sa pagtakbo at napalingon sa kanya.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong sobrang daming zombies ang humahabol samin. At malapit nang maabutan sila Clyde.

"Ahh!" Sigaw ni Jona nang bigla syang madapa, yung SSG secretary namin.

"Jona!" Sigaw ni Clyde.

"Selene halika na dali!" Sabay hatak naman sakin ni Loreine.

"S-Saglit lang! Teka! Mauna na kayo don!" Sigaw ko tsaka patakbong lumapit kila Clyde.

Malayo-layo na ang pwesto nila samin.

"Selene!" Sigaw nila Loreine sakin.

"Just run!" Sigaw ko sa kanila staka ibinalik ulit ang atensyon ko kila Clyde.

Nanlaki ang mata ko nang maabutan na ng zombies si Jona pero agad na pinaghahampas ni Clyde ang mga ulo non.

"Jona tayo!" Sigaw ni Clyde habang patuloy sa pagprotekta kay Jona.

"Clyde..." Bulong ko sabay hampas ko sa mga madadaanan kong zombies.

Argh!

Buong lakas ko silang hinahampas at ramdam ko na ang pagdaloy ng pawis sa noo ko.

Meron patakbo mula sa left side ko kaya bumwelo muna ako at nang malapit na sya ay buong lakas kong inihampas sa ulo nya yung baseball bat.

Arghh!

Nagulat ako ng meron na sa likod ko kaya agad kong isinalag yung baseball bat sa ngipin nya.

Arghh! Anlakas mong demonyo ka!

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon