New World 28

84 6 0
                                    

Hug

"What?! Nababaliw ka na ba Selene?! Makikipag-laban tayo sa kanila?! Laro lang ba to para sayo?!" Sigaw ni Lita dahilan para titigan ko sya ng seryoso.

Yah! I get her point. But still, nababastusan pa rin ako sa pag-trato nya sakin.

Huminga ako ng malalim staka ko ibinalik ang tingin ko kay Loreign na naka-upo ngayon sa kamang puti.

Maayos na sya at tama nga si Jazer, hindi naman malalim ang natamo nyang sugat. Konting pahinga na lang at babalik na ang dati nyang sigla.

"Don't worry, hindi naman tayong lahat ang makikipag-laban. Pipili lang ko ng tatlong lalaban." Seryosong sabi ko habang nakikipag-titigan kay Loreign.

Nakatingin din sya sakin na parang alam nya na ang magiging desisyon ko.

"Para san?! At sino-sino ang handa mong ibuwis ang buhay para lang dyan sa kalokohan mo?!" Sigaw ni Lita dahilan para titigan ko sya ng masama.

"You know what? I can easily kick you out of this team. Hindi mo ba talaga kayang rumespeto?! Mamili ka, tatahimik ka jan o sisiguraduhin kong eto na ang magiging huling misyon mo?!" Galit na tanong ko sa kanya.

Huminga sya ng malalim staka napa-taas ang dalawang kamay nya.

"Fine." Pagsuko nya sabay upo sa isang upuan na katabi lang ng kama ni Loreign.

"So, sino ang napili mo Pres?" Tanong naman sakin ni Nicole.

Huminga ako ng malalim.

"Lyka... Loreign at ako." I said.

The Top 3.

Mas malaki ang tyansa na manalo pag-kaming tatlo ang makikipag-laban.

May tiwala ako sa kakayahan ng bawat myembro ng team ko pero alam ko at ramdam ko na kaming tatlo talaga ang dapat isalang sa laban.

"I get your point Selene, kayong tatlo ang Top 3 at mataas ang tyansa na manalo kayo but in this case? Injured si Loreign, hindi kaya maging lugi tayo nyan?" Nag-aalalang tanong ni Clarisse.

"I have my ways." Seryosong sabi ko sabay tap ko sa balikat ni Loreign staka ako lumabas.

***

Masarap sanang ngumiti at tumawa ngayon kung maayos at kontrolado ko lang ang mga bagay-bagay.

But I know and I'm very aware sa mga nangyayare sa paligid ko. This is not normal. We're not in a normal situation. At hindi ako handa. Hindi ko to napag-handaan, dahil ni minsan...

Ni minsan, hindi sumagi sa isipan kong isa sya sa magiging kalaban ko.

Lumaban ako para sa kanila, para sa kanya... But now... I think sya na ang kakalabanin ko.

NO.

I mean, I can't... Pano ba?

Hindi ko sya kayang kalabanin.

Maybe he has a reason? I don't know.

But for now?

I will try my best to understand this situation.

Ang gulo kong tao... Pero mas magulo ang pangyayare ngayon. Mas magulo sya, pano nya nagagawang tumahimik matapos naming magkita-kita lahat?

Hindi ko mabasa-basa yung mga tumatakbo sa utak nya.

Dapat ba kong magtiwala sa desisyon nya ngayon? Sa mga plano nya ngayon?

Pero nung huling nag-tiwala ako sa desisyon nya ay naging dahilan para malayo sya sakin... And it's not just a days or a months! It's f*cking year and half!

At hindi ko na alam kung maka-kaya ko pang mawala ulit sila, sya...

I think, year and half ay sobra-sobra na.

Huminga ako ng ng malalim sabay tingin ko sa mga lalakeng nag te-training.

Para san ang strength nila? Para san ang training nila? 

For those innocent people na pinipiling labanan ang mga zombies?

Para sa mga taong walang ibang ginusto kung di mabuhay ng malaya at payapa?

"Kaylangan mo nang mag-pahinga." Rinig ko ang maotoridad na boses ni Jazer sa likod ko.

Huminga ulit ako ng malalim bago ko sya napag-desisyunan na lingunin.

Mula sa kampante nyang mukha ay napalitan naman ito ng seryoso.

Kung di ko sya kilala, siguradong iisipin kong napaka seryoso nya at walang pake sa mga nakapaligid sa kanya.

Wait. Kilala ko pa nga ba talaga sya?

Hayssst... I don't know.

"Who's your candidate?" Seryosong tanong ko rin sa kanya.

I have a plan, kung wala syang balak i-explain sakin ang nangyayare... Ako na lang ang hahanap ng sagot sa mga tanong ko.

Aalis ako dito.

Kasama ang mga fighters... Ang survivors...

At ang Gray Stone.

Yah!

Galit ako sa kanya, pero hinding-hindi ako aalis dito hanggat hindi sila kasama... Hanggat hindi sya kasama.

Dahil malaki ang paniniwala ko na eto na ang huling chance naming dalawa.

I will grab this opportunity no matter what it takes.

Tumaas ang kilay nya sa tanong ko.

"Jade, Aldrin." Tinitigan nya ko ng maigi, seryoso. "At ako." He said with his serious tone.

Nagkibit balikat naman ako.

"Like what I expected. Hmm... So, tommorow?" kampanteng tanong ko sa kanya.

Lumapit naman sya agad sa gilid ko.

"Who's your fighters?" Seryosong tanong nya.

"None of your business." Iritang sabi ko sa kanya.

Napanguso naman sya dahilan para mapa-tawa ako ng bahagya.

What's with him?

"Pero sinabi ko naman sayo yung sakin ha?" Parang nagtatampong sabi nya dahilan para mapa-talikod ako.

Ano ba tong inaakto nya?

Seryoso lang sya kanina and now? What the heck?!

"N-Nagtanong ako at sinagot mo, nag-tanong ka a-at... At wala akong balak sagutin yon. Abangan mo na lang b-bukas." Akmang aalis na ko anng bigla nya kong hawakan sa braso sabay hila sakin.

Agad nanlaki ang mga mata ko.

Naramdaman ko na lang ang pag-pulupot ng mga braso nya sa bewang ko.

Napa-subsob ako sa dibdib nya.

"I missed you..." Bulong nya.

"W-What the hell Jazer?" Kinakabahang sabi ko.

Wala akong ibang naririnig kundi ang bilis ng tibok ng puso ko.

Halo-halong emosyon na di ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kaba ba? Excite? I don't know.

But I like this...

I love this.




New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon