End of Book 1

153 17 1
                                    

Pagligtas

Selene Caz

Nahihilo ako.

Pumikit ako at kinalma muna ang sarili ko tsaka sumunod sa likod nila Loreine at Xander.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko kay Xandria.

Nilingon ko sya sabay ngiti ko.

Ang amo ng mukha nya, na miss ko tuloy bigla si Jian.

Okay lang, nararamdaman ko namang magkikita na rin kami... Malapit na...

"Wag kang lalayo at bibitaw sakin ha."

Pag papaalala ko sa kanya.

"Pero ate, natatakot po ako."

Nginitian ko sya ng matamis sabay gulo ko sa buhok nya.

"Po-protektahan naman kita ih, tsaka wag kang mag alala... hindi tayo papabayaan ng kuya mo. Kaya behave ka lang ha?" Tumango-tango naman agad sya.

Agad ko syang hinatak para sumunod kila Loreine sa pagbaba.

Tahimik kaming naglalakad habang nasa unahan pa din sila Jayvee at Sir tas nasa likod naman nagko-cover yung ibang lalake kasama na don sila Jade.

Napakatahimik ng buong paligid pero nagkalat ang mga bato, bakal at mga basag na bubog sa paligid. Sira na ang mga building at yung iba ay nagbagsakan na. May ilan-ilan pang medyo umuusok dahil sa sunog.

Sobrang gulo pero sobrang tahimk.

Sa sobrang tahimik, parang may mali na.

Paranoid na ba ako kung iisipin kong nagtatago lang sila sa paligid at inaantay na mag-ingay kami?

Dahan-dahan ang paglalakad namin para hindi makagawa nang kahit na anong ingay.

Sa sobrang bagal at hina naming maglakad, tanging mga paghinga na lang namin ang maririnig.

Minsan maririnig din ang mga maliliit na bato na naaapakan namin pero sobrang hina lang talaga.

Napatingin ako kay Xandria nang higitin nya ang laylayan ng damit ko.

"Ate nauuhaw po ako---" Agad-agad ko namang tinakpan ang bibig nya gamit ang kamay ko. Tsaka ko itinapat ang hintuturo ng isang kamay ko sa bibig ko bilang senyas na huwag syang mag-iingay.

Lahat kami ay napahinto sa pagkilos at naging alerto.

Pinakiramdaman namin ang paligid. Luminga-linga pa ko at iniikot ang paningin ko sa palibot. Nang mapansin kong wala namang kaluskos o kahit na anong ingay ng zombies ay nakahinga ako ng maluwag.

Kinuha ko ang bag na dala ko sa likod staka ko yon maingat na binuksan.

Dinahan-dahan ko lang dahil maingay talaga ang zipper ng bag.

Nang mabuksan ko na ng kaunti ay ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng bag tsaka hinalughog ko ang loob. Nang makapa ko ang bote ng tubig ay agad ko iyong inilabas sabay abot ko kay Xandria.

Tsaka ko muling maingat na isinara yung bag at ibinalik sa likod ko.

Hinintay namin syang matapos sa pag inom kahit napaka-onti lang naman ng ininom nya.

Tsaka nya iniabot sakin yung bote na wala pa sa kalahati ang bawas.

"Sayo muna..." Sobrang hinang bulong ko sa kanya na tinanguan naman nya.

Maglalakad na sana kami nang biglang...

"Ahhh! Waaah!" Biglang may tumalon sa paanan ni Sophie na daga na nagmula sa kung saan kaya napasigaw sya.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon