New World 6

196 20 2
                                    

SSG officers

Selene Caz

"So... Selene, may plano ka na ba para makalabas tayo nang ligtas sa gate?" Tanong ni Nicole sakin.

May hawak syang papel para isulat yung mga plano namin.

Huminga ako ng malalim tsaka ko binuklat yung notebook na pinagsulatan ko sa mapang ginawa ko.

"Uhmm... Paglabas natin dito sa room, may tatlo pa tayong rooms na madadaanan. Yung ABM, GAS at PA." Sagot ko naman.

"Kaylangan nating lagpasan yon?" Tanong naman ni Loreine.

"Naisip ko na ring takbuhin na natin yung hagdan mula dito pero siguro mas okay na rin kung paunahin natin yung mga kasama natin sa direksyon ng hagdan tas yung isa satin sasamahan sila tas yung anim naman iche-check yung kada room kung may natitira pang studyante sa tatlong rooms." Mahabang paliwanag ko.

Agad namang nagtaas ng kamay si Jade.

"I volunteer myself nai- lead ang mga kaklase mo papunta sa hagdan." Sabi ni Jade.

"Ahh, Selene." Pagtawag sakin ni Chester.

Agad naman kaming napalingon sa kanya.

"Hmm?"

"Di ba parang mas hassle kung mag-aantayan tayo sa hagdan? Ano kaya kung dumiretso na lang sila sa canteen, tutal hindi naman masyadong delikado yon kasi yun ang unang bubungad pagkababa ng hagdan tsaka kahit naka-lock yung canteen may duplicate key naman kayo ng SSG President."

"Mas okay nga yon, tas si Jade ang magli-lead sa kanila tas tayo naman mag hahati-hati sa tatlo tas kanya-kanya na tayong room para mas mabilis." Sabi naman ni Aldrin.

"Okay... Si Jade ang bahala sa mga kaklase natin tas sa ABM kami na lang ni Loreine, tas sa GAS kayo na lang Nicole at Chester tas sa PA kayo na lang Jazer at Aldrin." Agad namang nilista ni Nicole lahat ng sinabi ko.

"Pwede bang sakin na lang si Loreine?" Tanong naman ni Aldrin.

"Siraulo ka! Wala ka bang tiwala sakin? Anong tingin mo? Ipapahamak ko yang si Reine?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Hindi naman sa ganon, concern lang ako sa inyong dalawa. Pareho kayong babae, mas okay sana kung sa lahat ng oras may kasama kayong lalake, kasi hindi natin alam kung anong oras dadating yung kapahamakan." Mahabang paliwanag nya.

Aba! Anlalim non ah!

"Okay lang, sabay naman kaming mamamatay ih." Walang ganang sabi ni Loreine.

Abat loko to, nandamay pa.

"Mauna ka." Taas kilay kong sabi sa kanya.

"Selene." Seryosong tawag sakin ni Jazer.

"Oh?"

"Ako na lang ang sasama sayo sa ABM tas si Aldrin at Loreine na lang sa PA." Sabi ulit nya.

"Oo na." Tamad kong sagot.

"Nalista ko na lahat, so pag-alis natin sa canteen anong next na plano?" Tanong naman ni Nicole.

"Sa canteen na natin pag-usapan yung next na plano." Seryoso namang sabi ni Chester.

"So aalis na tayo?" Tanong naman ni Jade.

Tatayo na dapat ako ng biglang mag-salita si Jazer.

"Saglit. Tingin ko kaylangan nyo ring balutan ng tela yung braso nyo pati na rin yung kamay nyo. Once na makagat kayo sa upper part ng body nyo. Malaking problema." Seryosong sabi nya.

"Shocks! Muntik ko na yon makalimutan ha." Sabi naman ni Loreine.

"So, tara na sabihan na natin sila." Agad naman kaming nag-sipag tayo at nagsipag kilos.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon