New World 10

152 18 2
                                    

Computer Room

Selene Caz

"Selene!" Sigaw sakin ni Aldrin sabay bato nya sa sakin ng isang baseball na dala nila na agad ko namang na salo.

Ako, si Loreine, Jade, Aldrin, Jazer at Chester na lang ang natira dito. May kanya-kanya kaming hawak na panlaban at may kanya kanya din kaming bag na dala.

"Kaya mong lumaban?" Nag-aalalang tanong ko kay Loreine.

Ngumiti naman agad sya sakin.

"Natatalo man ako sa mga pangbubugbog mo sakin, sisiguraduhin ko naman na hindi ako papatalo sa mga halimaw na yon no! Tsaka naka punta nga kami dito sa school nyo nang hindi ako nasusugatan ih." Masayang sabi nya. Agad ko namang hinawakan ang maliit na gasgas nya sa mukha tsaka ko diniinan yon. "A-Aray! Geez! Lenlen ang sakit!"

Sinamaan ko sya nang tingin.

"Ano yan?! Tsk! Subukan mong dagdagan yang sugat mo sa mukha at babatukan talaga kita!"

"Come on. We're running out of time." Seryosong sabi ni Jazer.

"Are you sure naging ex mo to?" Bulong sakin ni Chester sabay turo kay Jazer.

Agad ko naman syang kinurot sa tagiliran.

"Sshh... Shut up!"

Nasa harapan naka pwesto si Jazer at Chester habang nasa likod naman sila Aldrin at Jade at nasa gitna naman kami ni Loreine.

"Ulo ang puntiryahin nyo." Bulong samin ni Jazer.

Nagsimula na kaming lumabas at mismong paglabas namin ay syang sabay-sabay na paglingon samin ng mga zombies.

Nagsimula na silang sumugod samin at kanya-kanya namang hampas nila Jazer sa ulo ng mga zombies.

Tumulong na rin sila Jade.

"Selene! Sa likod mo!" Sigaw sakin ni Loreine.

Pero nang hihina ako!

Panong hindi?!

K-Karamihan sa kanila... Kasama lang namin kanina... Nasa loob lang ng canteen at nakikipagkwentuhan.

Ngayon mga zombies na.

Napatakip ako sa bibig ng makilala ko ang iba.

Si Tasya!

Si Clara!

Napaluha ako nang makita ko ang lahat ng studyanteng naligtas namin sa ibang section.

Lahat sila... Zombies na.

Si Thea at ang apat pang ABM.

Kasama ang tatlong PA.

Muntik na kong matumba nang makita ko kung sino ang pasugod na zombies sakin.

Ang... Ang mga kaklase kong lalake...

Si James... Dave... At

"M-Martin..."

Nagsibagsakan na ang mga luha ko.

"Fuck!" Sigaw ni Chester sabay hampas sa ulo ni James.

Ganon din ang ginawa nila Jade kila Dave at Martin.

Hindi nila tinigil ang panghahampas hanggang sa dumugo nang dumugo ang ulo ng mga to.

Napatingin ako kay Chester na tumutulo ang luha habang hinahampas ng paulit-ulit si James.

"D-Dude..." Mahinang bulong nya pero patuloy pa rin sya sa paghampas kay James.

Napaiyak ako pero agad akong lumapit kay Chester staka sya hinawakan sa braso pero tila para syang walang naririnig.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon