New World 4

227 20 8
                                    

Five Classmates

Selene Caz

"Hala ka! Ang sungit naman neto!" Sigaw ko sa kanya.

Naglalakad kami pauwi ng bahay, nasa likod naman kami nila Aldrin at Loreine. Si Jade naman male-late daw ng uwi.

"Tsk."

"Tignan mo to! Grabe ka sakin! Hindi ba tumatalab sayo yung beauty ko? Gosh!" Sabay flip ko ng hair ko.

"Maganda nga, madaldal naman." Rinig kong bulong nya.

Ako?! Madaldal?!

"Ah ganon?!" Agad akong pumunta sa harap nya kaya napahinto sya sa paglalakad.

Tinignan nya naman ako ng seryoso.

"Dahil isinawalang bahala mo lang tong beauty ko, wala akong magagawa kung di gawin to sayo." Agad ko namang hinawakan ang dalawa nyang pisngi.

"What the fuck Selene?!" Sigaw nya.

"You are now under my spell Mr. Helton. You have no choice but to love me. Not only this day but every day! Forever and forever! And forever!" Agad ko syang kiniss sa pisngi nya na ikinagulat nya. "Wala ka ng magagawa, nasa ilalim ka na ng spell ko ih. Kung gusto mong alisin ko yan, sabihin mo muna 'Sobrang ganda ni Selene!" Staka ako tumakbo at iniwan syang tulala at namumula.

That day, dun nagsimula ang lahat.

Hindi ko alam kung totoo bang tumalab ang kalokohan kong spell sa kanya.

Iniling ko ang ulo ko staka pinagmasdan ang mukha ni Jazer.

Ang himbing ng tulog nya.

Huminga ako ng malalim staka ko pinag masdan ang mga kaklase ko. Pati sila ang himbing na ng tulog.

And then, nahinto ang tingin ko kay Chester.

Napayuko ako.

Pano ko ba nagawang saktan tong dalawang taong to na walang ibang ginawa kung di mahalin ako?

Kinuha ko ang bag ko staka ko ito ipinalit na unan ni Jazer sa binti ko.

Nang maiayos ko na ang pwesto nya ay agad na kong tumayo.

Naglakad ako sa direksyon ng bintana na nasa kanan kung san kita mo ang baba.

Madilim pa, tas andami pang zombies. Kaya ba talaga naming maligtas? Mabuhay? Kung aalis kami dito na 23, 23 din ba kaming makakabalik sa mga pamilya namin?

Walang kasiguraduhan, pero kaylangang subukan.

Napatingin ako ng biglang makarinig ako ng dumadaing.

Nahinto ang tingin ko kay Chester na nilalamig.

Bakit kasi sya doon naka pwesto? Ang lamig kaya sa pwesto nya, tas nakaupo pa sya.

Agad akong lumapit sa kanya tsaka ko sya kinalabit.

Pero no response kaya naman ay lumuhod ako para yugyugin sya.

"Uhmm..."

"Chester, dun ka matulog sa tabi ni Jay, hindi malamig don tas maluwag pa. Dali na tumayo ka na dyan. Uy Chester." Napahinga ako ng malalim ng wala pa rin akong marinig na response sa kanya.

Pinagmasdan ko muna sya.

Mukha naman syang komportable ih.

Agad naman akong tumayo, at maglalakad na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko astaka ako hinatak kaya napa-upo ako.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon