New World 29

78 7 0
                                    

Feeling

"Di ka makatulog?" Napa-tingin ako kay Loreign na katabi ko ngayon dito sa kama.

Napa-hinga ako nang malalim.

 Ano bang na isip ko at hinayaan ko syang yakapin ako?

 And what?!

He... He m-missed me?! 

Really? What the hell?!

 Napa-hawak ako sa dibdib ko.

 H-How come na ganito kabilis ang pagtibok ng puso ko?!

"Are you blushing? Oh my God Selene! Bat ka nag ba-blush?!" Napa-upo na si Loreign sa kama kaya dali-dali din akong napa-upo.

"Shh! Quiet! Marinig ka sa labas, mamaya kung ano pa isipin nila---" Naputol ang sinasabi ko nang mag-salita sa likod ko si Lyka.

"Anong iisipin namin?" Takang tanong ni Lyka sabay upo din sa kama. 

Tatlo kami ngayon dito sa isang kwarto para pag-usapan ang strategies na gagawin at bubuuin namin for the fight tomorrow. 

Napahinga ako nang malalim. 

"Nothing..." Kalmadong sabi ko. 

"Eh? Bat ka namumula?" Sinamaan ko naman ng tingin si Loreign.

Hindi ba sya titigil?!

"Ow! Yah! Is it because of that guy? Jazer ba yon?" Tanong naman ni Lyka dahilan para mapa-kagat ako sa pang-ibabang labi ko.

 Pangalan nya pa lang ang laking epekto na sakin.

 Hayssst...

"Si Jazer?" Tanong naman ni Loreign. "Nakapag-usap na kayo?" Tanong nya ulit.

"Yah... Ano about lang yon sa laban bukas." Kampante kong sabi sabay higa ko ulit sa kama. 

"Weh? Di manlang kayo nakapag-usap ng tungkol sa inyo? Di ba ex mo yon? Ow! Not mention na boyfriend mo ngayon si Jayvee---" 

"Ow shut up Lyka!" Sabay bato ko sa kanya ng isang unan.

"Hindi ko boyfriend si Jayvee at wala akong balak." Nai-iritang sagot ko.

"Talaga lang ha. Pano kaya pag-nalaman ni Jazer na may Jayvee na ang pinaka-mamahal nyang--- Aww! Shocks! I hate you Lenlen!" Reklamo ni Loreign ng hablutin ko ang buhok nya.

 Ayaw manahimik ihh. 

"Same to you!" Sigaw ko sa kanya.

"Aytss! Seryoso? Walang kayo ni Jayvee?" Nanghi-hinayang naman na tanong ni Lyka. 

"Wala. Wait up! Hindi to yung dapat topic natin ihh." Agad ko namang nilingon si Loreign na hanggang ngayon ay naka-simangot pa din. "Phone mo? Wala pa bang text galing kila Jayvee?" Tanong ko sa kanya. 

"Malay ko, boyfriend mo yon bat ako tina-tanong mo--- Aray! Namumuro ka na ha! Kitang kaka-galing ko lang sa disgrasya kanina ihh." Maktol na sabi ni Loreign.

"Kung sanang sumagot ka kasi ng maayos." Inis na sabi ko ulit sa kanya sabay upo ko. 

Agad ko syang nilapitan sabay gulo ko ng buhok nya. 

"Lumayo ka! Sisipain kita jan!" Naiinis na sabi nya.

"Sorry na, masakit pa ba?" Naka-ngiting sabi ko sa kanya. 

"B-Bat ka naka-ngiti?! Nang-aasar ka talaga no?! Dun ka nga!" Napa-tawa naman ako sa sinagot nya. 

That's our Loreign. 

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon