New World 16

161 16 1
                                    

Decision

Selene Caz

Napasabunot ako sa buhok ko.

"What the hell?! I told you! Buhay pa si Jazer! Bakit natin sya iiwan?!" Sigaw ko kila Jayvee.

Habang si Loreine naman ay umiiyak dahil sa nangyare sa kaibigan naming si Jazer, habang tulala naman si Jade at inaalo naman ni Aldrin si Loreine na umiiyak at bakas din ang lungkot sa mukha ni Aldrin.

Napahilamos ako sa mukha ko nang walang pumapansin sa sinabi ko!

Si C-Chester wala... Wala na...

Habang si Jazer ay iniwan namin don!

N-No!

"S-Selene... D-Delikado na. Nagkumpulan na ang mga zombies don at... A-At malabo nang mabuhay pa si... Si Jazer---" Nanginginig na sabi ni Jona. Secretary ng SSG.

"Shut up!" Malungkot akong napatingin kay Loreine ng sumigaw sya. "Wala kang alam dahil wala ka namang pake! Para sabihin ko sayo..." Ipinalibot nya ang paningin nya sa mga kasama namin dito sa bus tsaka sya napaiyak. "Hindi sa nanunumbat ako ha. Pero kasi come to think of it, hindi tayo maliligtas at mabubuhay kung wala sya satin at hindi natin sya nakasama! Ni minsan hindi sya naging makasarili para sating lahat! Tas ngayon magdedesisyon kayong iwan sya?! Ano to---" Agad kong kinuha ang kamay ni Loreine na hawak ni Aldrin.

Binitawan ni Aldrin ang kamay ni Loreine tsaka ko hinigit ang kamay nya tas tyaka ko sya yinakap ng mahigpit.

Ang sakit para sakin na namatay na lang bigla si Chester dahil sa pagligtas samin. Sakin.

Ang sakit din para sakin na iniwan namin si Jazer na walang ibang ginawa kundi iligtas at maging concern samin. Sakin.

Pero higit akong nasasaktan sa nakikita kong pati ang pinaka matalik kong kaibigan ay nasasaktan dahil sa katotohanang wala kaming magagawa.

Si Jade na laging nakikipagbiruan kay Jazer pero seen lang sya.

Si Aldrin na minsan ay seryoso pero kayang makipag sabayan sa kalokohan ni Jade.

At ang pinakamatalik kong kaibigan na sobrang babaw ng emosyon pagdating saming magkakaibigan.

At ngayon pare-pareho kaming nasasaktan.

Nasasaktan ako. Umabot ng ilang taon na naka rely ako kay Jazer at sa tatlong to.

Pero ngayon, ano na?

Isa akong kaibigan pero isa rin akong leader.

Gusto kong maging selfish, pero hindi pwede. Dahil kung papapiliin ako... Balikan ang isang napaka importanteng tao sakin ngunit ang kapalit non ay ang kapahamakan ng buhay namin na nasa loob ng bus na to.

Ang schoolmates ko.

Si Sir James.

Si Mang Robert.

A-Ako.

Ang mga... Mga kaibigan ko.

Si Jayvee at... At ang mga bata.

Isang matalinong desisyon ang dapat na gawin.

At dapat alam ko na ang sagot don.

Agad kong iniangat ang ulo ni Loreine na nakasandal sa dibdib ko at humahagulgol.

Parang nadudurog ang puso ko sa bawat pagpatak ng luha nya, agad ko iyong pinunasan staka ko pilit na ngumiti.

Okay lang... Okay lang yan...

Lumunok ako para kahit papano matanggal ang pagkakagaralgal ng boses ko.

"Sshhh... Reine. Listen to me Loreine. I'm in pain too, mahalaga satin si Jazer ih. P-Pero... Pero kaylangan ih." Huminga ako ng malalim at pumikit, pagdilat ko ay sunod-sunod na nagbagsakan ang mga luha ko.

"Loreine sana... S-Sana maintindihan mo. We can't just go back without any power to fight against the zombies. We will come as soon as we can do. B-But for now... We really need to think about the safety of the others. P-Pano kung ako naman ang mapahamak? Sila?" Sabay turo ko sa mga kasama namin. "O sila?" Sabay turo ko sa mga bata. "O-O baka k-kayo? Loreine hindi ko na kakayanin yon. So please, calm yourself and I promise, babalik tayo dito para kay Jazer. Malakas sya di ba? We should trust him. Can you do that?" Umiiyak naman syang tumango-tango.

Nginitian ko sya sabay yakap ko ulit. Hindi ko na napigilan at napaiyak na rin ako.

Ang sakit...

Ni minsan hindi ko naisip na pwede pala silang mawala sa tabi ko nang isang pitik lang.

***•••***

"You alright?" Tanong sakin ni Jayvee nang tumabi sya sakin.

Nakahiga sa likod si Loreine at nakatulog na sa tingin ko, binantayan sya nila Aldrin at Jade.

Napangiti ako ng mapait.

Pagod na ko.

Emotionally.

Physically.

At Mentally.

Pagod na pagod ako.

Parang piniga ako at wala ng natira sakin.

"Kamusta yung kambal?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ayon, tulog na rin." Sambit nya.

Di ko na yon pinansin at isinandal ko na lang ang ulo ko sa bintana.

Sobrang bigat ng pakiramdaman ko.

"You sure, you're okay?" Ulit nya sa tanong nya na tinanguan ko lang. "Uhmm by the way nakausap ko sa phone na nalaglag ko kanina sa labas, yung Red Island. Patuloy pa rin silang nag-aantay don at may natandaan ako sa sinabi nila. Nag-ikot ikot sila sa paligid ng Lander Field at may na rescued silang family. As far as I remember lima na pamilya daw yon. Nung in-interview nila for background." Napaupo ako ng maayos dahil sa sinasabi nya. "Family Austin, family Helton, family Mendoza... And ow nakalimutan ko na yung dalawa---"

"Caz and Vergara?" Kumabog ang dibdib ko sa tanong ko.

Tama ba ang narinig ko?

"Ow! Yah parang yun nga yon." Sabi naman nya dahilan para magulat ako.

"O-Our families..." Naluluhang sabi ko.

"What?"

Umiling-iling ako tsaka ko sya hinarap.

"So? Asan na sila? L-Ligtas sila di ba?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Yup, ang last update ko ay dinadala na sila sa Red Island."

Napatakip ako sa bibig ko.

Ligtas sila... Ligtas...

Nagsipatakan ang mga luha ko staka ako napatakip sa mukha ko.

Anong sasabihin namin sa pamilya ni Jazer?

Anong sasabihin ko?

Napa-ayos kami ng upo nang huminto na ang bus.

Napalunok ako. Andito na ba kami?

"May harang na sa dadaanan kaya hindi tayo pwedeng magdire-diretso gamit tong bus, malapit na naman dito ang sentro ng Lander Field. Maglalakad tayo. Pero kaylangan pa rin ng pag-iingat dahil sa pagkakaalam ko, nasa paligid ng mga building na'to yung ibang zombies." Paliwanag samin ni Jayvee.

Napalunok ako.

Last na to.

Agad akong tumayo atsaka ko pinuntahan sa dulo si Loreine at hinawakan sya sa kamay.

"Tara?"  Tumango-tango naman sya.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon