New World 36

86 6 0
                                    

Safe

Napahinto kaming dalawa sa pag uusap nang bigla kaming makarinig ng pagsabog.

Boom!

Blag!

"Waaah! Sh*t!"

"F*ck!"

Daing namin tsaka kami sabay na napa-upo.

Hindi lang basta pagsabog kundi malakas na pagsabog na nagmula sa malapit na gusali mula sa kinatatayuan namin.

Ramdam namin ang vibration ng lupa kaya agad kaming napahawak sa mga ulo namin.

"Sh*t Selene! We need to hurry! Sinabihan ako nila Aldrin na sila na yung bahala sa entrance tas tayo na daw bahala sa mga survivors papuntang exit. Nakapag usap na si Jazer at Jayvee. Papunta na sila Jayvee o baka nandun na yon!" Tsaka nya ulit ako hinatak paakyat ng hagdan.

"What?! Anong gagawin nila Jazer sa entrance?! Haharapin yung zombies at yung Real Gray Stone?! F*ck sh*t! Eh nasan na yung grupo nila Chester?!" Sigaw ko din sa kanya.

Nang makapunta na kami sa second floor netong building ay don ko lang na realize na eto pala ang building ng mga survivors.

Hindi ko na muna inantay ang sagot ni Loreign at agad akong tumakbo pa punta sa kabilang dulo ng second floor.

"Selene!" Tawag sakin ni Loreign.

Agad ko naman syang nilingon.

"Palabasin mo na yung survivors na nandyan tas mag-antay ka sa baba at i-guide mo sila habang ako naman ang magpapalabas sa kanila! Dalian mo at bumaba na kayo! Hintayin mo ko at ang iba pang survivors!" Sigaw ko sa kanya sabay katok ko sa pintong nasa pinaka dulo.

Walang sumasagot kaya napalunok ako.

Wala ng oras para pakiusapan ko silang pagbuksan ako ng pinto kaya dali-dali akong nag-isip ng paraan.

Napatingin ako kay Loreign na pababa na kasama ng ibang survivors.

Marami pa sa taas at hindi ko sila pwedeng isa-isahin at baka maabutan kami ng Gray Stone.

Delikado na nga kami sa zombies, mapapahamak pa kami dahil sa mga taong sakim at selfish.

Napailing-iling na lang ako kasabay non ang pag-agaw ng atensyon ko sa tingin kong malaki ang maitutulong sa problema ko ngayon.

Fire alarm.

Patakbo akong lumapit don atsaka ako huminga ng malalim

Kaylangan pagkapindot ko nito ay maging mabilis ang kilos namin dahil maaaring magpunta dito ang mga zombies dahil sa lakas ng tunog nito para sa buong building.

Kaylangan kalkulado namin ang oras at bilis.

Kaylangan mabilis.

Kaylangan.

Abot langit ang kaba ko tsaka pikit mata ko itong pinindot.

Nang magsimula na itong tumunog mula sa mga speakers nitong building ay nakarinig ako ng mga yapak.

Umabot ang limang segundo bago nagsi bukasan ng pinto ang mga nasa harap ko.

Natataranta sila at di alam ang gagawin kaya agad ko silang nilapitan.

"Dumiretso po kayo sa baba at mag-antay don. Relax lang po, baba na po kayo." Kung sino-sino pa ang nilapitan ko at pinagmadali kong bumaba.

"Baba na po kayo." Sambit ko ulit.

"Teka sino ka ba?" Tanong ng isang babaeng medyo kasing edad ko lang.

Agad ko naman syang nilingon.

"Mula ako sa Red Island. Leader ako ng fighters at nandito kami para tulungan kayo. May mga nakapasok na armadong grupo dito at may dala silang hindi mabilang na zombies. At kung gusto nyo pang mabuhay, tumakbo na kayo pababa dahil ramdam ko na ang mga yapak ng zombies papunta sa building na to!" Sigaw na sabi ko.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon