New World 9

150 18 2
                                    

Great Leader

Selene Caz

Kikilos na dapat ako nang bigla akong hawakan sa siko ni Clyde.

"Selene please..." Tila pagod na sabi ni Clyde.

Napapikit ako. Huminga ako nang malalim sabay bawi ko sa braso ko mula sa kanya.

"Anong gusto mong gawin ko?" Naiinis na tanong ko sa kanya, itinuro ko naman agad ang mga kaklase ko. "Nakikita mo sila? Clyde... Please naman. Kaylangan na nating kumilos." Napayuko ako sabay kagat ko sa pang ibabang labi ko.

"Selene naiintindihan kita, nag-aalala ka sa kanila pero isipin mo muna yung sarili---"

"Clyde!" Sigaw ko sa kanya. Ramdam ko na ang namumuong luha na naman sa mga mata ko. "Kakaisip ko sa sarili ko, pwedeng ikamatay ng isa kong kaklase! Nakikita mo sya?!" Sabay turo ko kay Lyka. "Clyde, ikamamatay nya kung magpapahinga pa ko! Ikamamatay nya kung mag-aantay pa tayo ng oras! Clyde... S-Si L-Lyka..." Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko na agad ko namang pinunasan. "Hindi... Shit! Bat ba ko umiiyak?" Pinaikot ko ang paningin ko sa kanilang lahat.

"Selene..." Nag-aalalang tawag sakin ni Loreine.

Napapikit ako.

Nang dumilat na ko ay huminga ako ng malalim.

"O-Oh sige ganito nalang... D-Dito na lang muna kayo, tas-tas mauuna na ko don sa... Sa computer room... I-I ta-try ko kung magagawan ko ng paraan yung sa... Sa Red Island." Agad akong naglakad ng mabilis papunta sa direksyon ng pinto pero agad may humarang don.

Si Chester.

Bakit ba hindi nila ako maintindihan?!

Napapikit ako sabay lapit kay Chester pero agad ding may humawak sa palapulsuhan ko.

Inis akong lumingon don. Si Jazer na seryoso na ring nakatingin sakin.

Binawi ko sa kanya ang kamay ko tsaka ako napasabunot sa sarili kong buhok.

Ano ba talagang dapat kong gawin?!

"Utang na loob! Hayaan nyo namang gawin ko yung gusto kong gawin! Hindi ako tatayo lang dito habang unti-unting nahihirapan yung isa kong kaklase! Nakikita nyo ba yung itsura nya---" Napahinto ako ng may sumigaw na studyante.

Pinalibot ko ang paningin ko sa paligid.

S-Sino---

"Ahh! P-Pres! Pres m-may zombie sa loob!" Sigaw ng pawis na pawis na studyante.

Parang naurong lahat ng luha ko sa sinabi nya.

Sa pagkakatanda ko isa sya sa PA student.

Galing ata sya sa kitchen. Tingin ko?

Agad namang lumapit sa kanya yung President nila. Si Fin.

Hinawakan sya ni Fin sa magkabilang braso para pakalmahin.

"Hey, look at me... Take it slow, okay anong nangyare?" Seryosong tanong nya dun sa babae.

"K-Kasi... T-Titingin dapat ako sa kusina kung may pwede pang dalhin... K-Kaso... H-Huli na nang makita kong bukas ang pintuan don... B-Buti malayo ako sa pintuan at... At nakatakbo ako kaagad ng makita kong may zombie na pumapasok. P-Pres... H-Hindi lang sya isa... M-Marami. P-Papunta na dito!" Mahabang paliwanag nya.

Parang kumalabog ang puso ko sa sinabi nya. Just what the hell?!

Hindi ito ang ine-expect ko!

"Fuck!" Rinig kong mura ni Clyde at sunod-sunod na mura at iyak na ang narinig ko.

"Ready your things, aalis na tayo. Yung mga pagkain wag nyong kalimutan. Magdala kayo ng kahit anong kahoy o ano mang pwedeng ipang self defense. Sure ako na makikipaglaban tayo. Wag nyong hahayaang makagat kayo. And please set aside your fear right now. At ang pinaka mahalaga, puntiryahin nyo yung ulo, yung utak. Wala munang pandidiri ngayon para mabuhay. Magkita-kita tayo sa sports room. Guys please be safe. Stay safe." Paalala samin ni Clyde tsaka sya tumingin sakin. "Selene, halika na." Hahawakan nya na dapat ako nang biglang magsalita si Chester.

"Mauna kana. You should lead the students. Ako nang bahala kay Selene." Kalmado ngunit seryosong sabi nya.

Tumingin muna sya kay Chester tsaka nya ibinalik ang tingin sakin.

"Please stay safe." Seryosong sabi ni Clyde. "Fin, lead the other students, ako na sa mga matitira." Tumango naman si Fin sabay lingon sakin.

"Stay safe." Seryosong sabi nya. Nginitian ko sya sabay tango ko.

"Kayo din... ikaw din." Sabi ko naman sa kanya.

Nauna na silang lumabas at alam kong sinusubukan na nilang makipaglaban sa mga halimaw sa labas.

Tuwing iniisip ko yon, kinikilabutan ako at hindi ko maiwasang hindi kabahan.

Huminga ako nang malalim.

Okay Selene, that's life. May mga bagay na hindi mo aasahang mangyayare sa buhay mo. Gigising ka na lang, binago na pala ng tadhana ang lahat. Gaya netong virus na kumakalat.

Nilingon ko naman ang ibang ICT na natira.

"Vince, Lewis at Martin. Palibutan nyo si Lyka." Tumango sila sakin. "Please protect her as long as you can. Stay safe."

"Kami nang bahala kay Lyka. Mag-iingat ka din." Lewis said sabay yakap sakin.

Nang humiwalay sya sakin ay lumapit naman agad sakin si Vince.

"I'm sorry sa nagawa ko kanina."  Tsaka nya ko niyakap. "You're a great leader. You deserve to be our leader." Pagkahiwalay nya ay nginitian ko sya.

Sunod na lumapit naman ay si Martin.

"We're blessed to have you as our leader." Tsaka sya humiwalay sakin at bumalik sa pag alalay kay Lyka.

"Thank you Pres. See you later. Please be safe." Sabi naman ni Lyka.

"Kayo nang bahala sa President namin." Sabi ulit ni Martin.

Ngumiti ako sa kanila sabay kaway ko.

Napayuko ako at tahimik na nagdasal.

Kayo na pong bahala samin.

Sa mga kaibigan ko.

Alam kong malabo pero umaasa pa rin akong makakarating kaming lahat sa sports room ng ligtas. Medyo malayo pa naman dito ang sports room.

Dalawang kwarto ang kaylangan naming lagpasan para lang makapunta don.

Tinitigan ko ang mga natira sa canteen.

Ako, Loreine, Aldrin, Jade, Jazer, Chester, Nicole, James, Jack, at si Jeremy.

Sampu na lang kaming natira dito at nauna na yung iba.

"Nicole." Tawag ko kay Nicole na nag-aayos pa ng gamit. Agad naman syang lumapit sakin. "Sumunod ka na don, habulin mo si Clyde tas sabihin mo mangolekta kayo ng mga baseball bat at iba pang pwedeng panglaban sa zombies. I-lock nyo muna yung pinto ng sports room pagpunta nyo lahat don. Tas pag ready na kayo, sumunod kayo don sa computer room. Okay?"

"Pero Selene..." Nag-aalangan nyang sabi.

"James, Jack at Jeremy samahan nyo si Nicole."

"Selene..."

Hindi ko na sya inantay at agad kaming lumabas.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon