New World 33

73 6 0
                                    

Enough

Abot langit ang kaba ko na sana hindi sila umabot sa puntong maagusan ng dugo.

Sobrang tagaktak ang pawis na namumuo sa noo ko dahil sa kaba ko.

I'm f*cking concern para sa kanilang dalawa!

Ayoko at di ko kayang makitang magkakasakitan silang dalawa ng pisikalan.

They're my bestfriend, at magkasintahan sila for God sake!

Huminga ako ng malalim at ilang beses kong nilunok ang sarili kong laway.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

At halos mapapikit ako ng agad silang pumwestong dalawa at humanda para sa paglaban.

H-Hindi ko kaya...

Hahakbang na sana ako para ihinto ang laban nila ng biglang magsalita si Aldrin.

"I surrender." He said sabay pabagsak nyang baba ng knife staka sya malalaking humakbang papunta kay Loreign tsaka nya ito hinatak papunta sa kung saan.

Napahinga ko ng malalim.

Gaya ng isa sa mga inaasahan kong mangyayare.

"What the hell bro?" Inis na tanong ng announcer nila pero nagkibit balikat na lang ito ng mawala sa paningin namin sila Aldrin.

"That's enough. He surrendered." Jazer said habang hindi nya iniaalis ang seryoso at malamig nyang tingin sakin.

"Fine. For round 2, Fighters of Red Island ang nanalo. So tag 1 point na. At para malaman ang panalo ay aasa tayo pare-pareho sa magiging laban ng final round. So position please." Sambit ng announcer kaya walang alinlangan akong pumunta sa gitna.

Bumuga muna ako ng malakas sa hangin bago ko hinarap si Jazer.

Matiim nya kong tinitigan.

Napataas ang kikay ko.

Don't tell me susuko din sya?

What the fudge?

Magsisimula na sana akong umatake ng biglang tumunog ang alarm kung saan.

Agad nag-sipag alerto ang paligid ko, mula sa team ko hanggang sa Soldiers ng Gray Stone.

Anong nangyayare?

Napatingin ako kay Jazer na nakakunot na rin ang noo habang nagbibigay ng kung ano-anong instruction sa mga ka-grupo nya.

Agad din namang nag-silapitan ang mga ka team ko sakin.

"Anong nangyayare?" Bakas ang kaba sa tanong ni Clarisse.

Nagkibit balikat naman ako cause even me, hindi ko rin alam.

"Baka may riot?" Napa-ikot na lang ang mata ko sa narinig kong sabi ni Chay.

"Kung ayaw mong masaktan, isarado mo na lang yang napaka-talino mong bibig." Pagbabanta sa kanya ni Ella.

"Hay na ko. Akala ko peaceful na tong lugar. May gulo din pala dito?" Nanghihinayang na sambit ng kung sino sa ka-grupo ko.

I dont know, hindi na ko makapag-isip ng maayos.

Agad kong nilapitan si Clarrisse.

"Gather all our team at hanapin nyo si Lyka, pag-nakita nyo wag kayong hihiwalay sa kanya. May daplis pa sya." Utos ko sa kanya.

"Copy." She said. Aalis na sana ako nang hawakan nya ulit ako sa braso. "Eh ikaw? San ka pupunta?" Tanong nya sakin.

Agad ko namang tinuro ang pintuan na pinuntahan nila Aldrin. Sa labas na siguro?

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon