The Virus

95 6 1
                                    

"Selene, listen to me. Stay with Loreign. Delikado na sa labas. Don't worry papunta na rin sila Lyka dito." Pagpapaalala sakin ni Jazer.

"S-san ka pupunta?" Naluluhang tanong ko sa kanya and swear to God, abot langit na ang kaba ko.

Agad nyang hinawakan ang mga kamay ko.

"Gagawa lang ako ng paraan para magkaroon tayo ng communication sa Red Island. Just stay here at saglit lang kami nila Aldrin." Hinalikan nya ko sa labi sabay luhod nya tsaka nya hinalikan ang tyan ko nang paulit-ulit.

Yinakap nya ko habang nakaluhod sya tsaka sya tumayo at hinalikan ako sa noo.

"L-love." Naluluha kong tawag sa kanya.

"Stay here. Wag na wag kayong lalabas and please. Take care of yourself. Mag ingat kayo ni baby." Sambit nya sabay halik ulit sa noo ko tsaka sya tuluyang nawala sa paningin ko.

Napahawak ako sa tyan kong may laman na pero hindi pa halata dahil wala pang umbok. My baby. Our baby.

Isa isang nagpatakan ang mga luha ko.

Akala ko tapos na.

Akala ng lahat ligtas na.

Akala ng lahat tahimik na.

Mga masasayang araw, mga normal na pamumuhay.

Mga ngiti at tawa. Mga kulitan at takbuhan. Napalitan na naman ba?

Iyak.

Sigaw.

Takbo.

Takot.

Hanggang sa namutawi ang katahimikan.

Ni isa ayaw ng lumabas, sila ay nababalot ng takot.

Ano nga ba ang mas mahirap?

Kalabanin ang mga nagkalat na zombies? O ang isang sakit na siguradong magpapahirap sayo ng unti-unti hanggang sa malagutan ka ng hininga oras na tamaan ka?

Tapos na ang trahedyang bumalot sa buong mundo.

Ngunit isang virus naman ang kumalat.

Isang sakit na nagmula sa hindi malamang lugar, isang sakit na hindi alam kung kanino nagsimula.

Isang sakit na pwedeng ikamatay ng milyon-milyong tao sa mundo.

Isang sakit na naging dahilan ng panibagong gulo sa buong mundo.

Kakayanin pa kaya?

Kung ang virus na to, ay kumalat na?

New World 3 (The Virus) by: TrimmaJin

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon