Kasalukuyan akong busy sa pagkalikot ng computer ko habang nagf-facebook. Like lang ako ng like ng status na nasa newsfeed ko. Lutang parin kasi ako ngayon.Ewan ko ba. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwalang crush ako ni Nerd. Parang... Parang ang imposible. Magkakacrush pa siya. Sa isang tulad ko pa? Parang ang imposible talaga.
Hindi naman sa sinasabi kong pangit ako. Cute ako no! Kaya lang kasi... Parang ang layo ko naman sa tipo niyang babae. Feeling ko rin kasi sobrang ganda ng ex niya kumpara saakin kahit na di ko pa naman nakikita. Yun din ang dahilan kung bakit curious akong makita yung mukha ng ex niya.
Ano kaya yung tipo niyang babae? Sexy? Mahaba ang buhok? Kulot ba o straight ang buhok? Maganda? Matangkad? Maputi? Mahinhin?
Wala sa sariling napatayo ako at tiningnan sa salamin ang repleksiyon ko.
Sexy?
Big no. -__-
Mahaba ang buhok?
Oo kapag hindi nakapony-tail. Pero hindi ako komportable kapag nakalugay yung buhok ko e. Kaya sabihin nalang na hindi.
At kung straight ang buhok. Ayos na ako doon. Straight ang buhok ko e.
Maganda?
Absolutely not. Kasi cute ako.
Matangkad?
Hindi naman ako katangkaran tulad ni Abby e. Ako nga pinakamaliit saaming tatlo.
Maputi?
Napangiti ako. Okay.. maputi ako.
Mahinhin?
Over my dead body -___-
Inis na sumalampak ulit ako sa swivel chair ko at tumutok sa computer na kaharap ko. Di ko rin naman sigurado kung yun ba talaga ang mga katangiang gusto ni Nerd e.
"Ay tupang mais con yelo!" Napahawak ako sa likod ng ulo ko nang may maghagis saakin ng unan.
"Hoy Sabrina! Ano kami dito? Hangin?!"
Napalingon ako kila Abby at Kim na nasa ibabaw ng kama ko. Nawala sa isip ko na nandito pala sila sa kwarto ko.
"Grabe lang Sabrina. Salita kami ng salita dito di mo man lang kami pinapansin diyan."
I sighed. Inikot ko sarili ko sa inuupuan kong swivel chair paharap sakanila. "Sorry naman ne?!" Irap ko kay Abby. Pero binelatan niya lang ako.
Napabaling yung tingin ko kay Kim na nakangiting tinitingnan ang scrapbook ko. "Hoy! Hoy! Kimberlot wag mong pakielaman yan!" Tumayo ako at nagtungo palapit sakaniya pero inilayo niya ito saakin.
"Akala ko puro picture lang natin nila Abby ang nandito. Hihi. May iba pa pala." Naka-peace sign niyang sabi. I hissed.
"Talaga?" Tanong ni Abby. Umusod ito sa tabi ni Kim. Tiningnan din nito yung laman ng scrapbook ko. I just rolled my eyes exasperatedly.
Abby gasped exaggeratedly. "Wow. Kayo na ba ni Keith Sabrina?!" Tanong niya saakin. "Bakit may picture kayo together?"
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hinablot ko na ng tuluyan yung scrapbook ko mula sakanila. "Close na kami e. Ba't ba?!"
"Aysuuus." Sinundot ako sa tagiliran ni Abby gamit ang ballpen na hawak niya. Kaya napaigtad ako. "Hindi kayo?"
"Gaga. Hindi. Siraulo 'to." Nangingiti kong sabi. How I wish. Nakow. Lumalandot na talaga si Sabrina. Pft.
BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
HumorIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...