A year ago.Sabrina's P.O.V.
*Splaaaaassh!*
Ah shit!
"Anu ba?! Bastusaaaan?!" inis kong sigaw. May nagbuhos ba naman ng malamig na tubig sa cute kong mukha habang natutulog. Just. Great!! Panira ng tulog peste!
"Eh ayaw mo magising eh. May pasok ka diba?"
Tumingin ako sa salarin at inirapan. Sinu ang salarin? Edi tong magaling kong ate. Tss.
Wait.. oo nga pala pasukan namin ngayon. Pero di ako nakapasa ah. Turning 4th year high school na ko. Pero sa pagkaalala ko di ako nakapasa. So anu to? uulit ako. Yoko nga!
Ngumiwi ako at nagkamot ng ulo. "Eh diba hindi naman ako nakapasa? Uulit ako? Yoko nga nakakahiya!"
Hinila ko ang kumot ko mula sakaniya pero hinila niya iyon pabalik. Peste naman oh!
"You're already enrolled!"
I hissed and rolled my eyes. "Kainis naman! Bakit niyo pa ako inenroll?! Ayoko na mag-aral! Ang pagkakaalam ko hindi ako nakapasa at ayoko umulit kaya----aray! problema mo ba?!" Batukan ba naman ako. Naku naku!! Sarap kalbuhin!
"Kailan ka ba naman pumasa huh Sabrina? Nagawan na ulit yun ng paraan ni dad. Nagdonate siya ng pera para sa pagpapagawa ng gym sa school niyo para ipasa ka ulit at ipunta sa section 1. Tss such a spoiled delinquent."
Tss. Sinasabi ko na nga ba eh. Oo. Tama kayo ng basa. Kaya lang naman ako nakakapasa ay dahil kay Daddy. Ewan ko ba kung ilan na na -donate namin sa school para lang ipasa ako. Haaay. Dami nga naman nagagawa ng pera eh nu? Well kung tatanungin niyo ko kung ano estado namin sa buhay. Di sa pagmamayabang pero.. unfortunately sobrang yaman namin. 'Unfortunately '
Maraming business/companies si daddy dito sa pilipinas kahit sa iba't ibang bansa. Yeah. Isa siya sa pinaka mayaman dito sa pilipinas. Si mommy naman ay kilala din dahil sa kaniyang apilyedo na isa rin sa pinakamayamang apilyedo dito.
Anyway I'm Sabrina Mae Fuentabella Ferrer. Just call me Sab. 16 years old. Fourth year high school na ngayon. May dalawang kapatid. Ang ate ko Sabine Anne, 18 years old, siya lang kasama ko sa bahay at ang mommy ko. At ang kuya ko Sandrex Jan. 21 na siya. Kaso lang nasa Paris siya para sa kanyang studies, kasama niya naman dun ang Daddy ko. Miss ko na nga sila eh. Sila lang kasi kakampi ko.
Hmmm. ano pa nga bang pwedeng sabihin?
Aa yes. Ako ang blacksheep saamin.. halata naman diba? Sige na nga yan nalang muna sa ngayon ang masasabi ko..
Pagkatapos akong lubayan ni ate ay nagtungo na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ng ilang minutong paliligo ay nagbihis na ako ng aking nakahandang uniporme at bumaba na para kumain..
Nadatnan ko kaagad sa aming mahabang table ang nag-aalmusal na si Mommy at ang paepal kong ate. Tss. Kapal ng mukhang buhusan ako ng tubig kanina.
"Hoy! Kumain ka na." maka-hoy naman.
Inirapan ko lang siya at umupo na sa upuang kaharap niya. Nagningning ang mga mata ko nang may masilayan sa ibabaw ng lamesa bukod sa mga almusal na nakahanda doon. Lots of chocolates!
"Huwag mong gagalawin yan ah! That's all mine!" aniya na ang tinutukoy ay yung chocolates na nasa lamesa. Langya sayang! Gusto ko pa man din sana magdala.. Ferrero pa man din.. favorite ko yun eh.
"Edi sayo lamunin mo ng buo! Madamot ka pa sa madamot!" Irap ko sakaniya.
"Tss.. mag-aaway nanaman kayo! Sabrina ate mo yan.. konting respeto. Hayaan mo na, bigay yan ng manliligaw niya kaya ganyan." sabi ni Mommy.
"Aba akalain mo nagkamanliligaw pa siya."
"Atleast meron.. Ayy hindi pala.. marami! Eh ikaw? Haha.." aniya at humalaklak ng nakakaloko.
Nag-make face lang ako sakaniya. Edi siya na maraming manliligaw. Tss.
"Isa pa! malilintikan kayo saakin. Just do eat your breakfast infront of you not to quarrel infront of it." --Mommy.
Tumahimik nalang ako at kumain. Nakita ko pa siyang dinilatan ako. Bwisit talaga.
-----
.
BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
HumorIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...