chap. 26 "Sudden Feelings"

87 8 0
                                    



Bangag na bangag ako dahil sa hindi ako nakatulog kagabi nang dahil sa lintek na kiss na yun. Ewan pero kamukha ko na siguro ngayon yung mga napapanood ko sa movie na mga zombie apocalypse. Aish. Nyemas lang e. Nyemas.

"Uy. Para kang sinaniban sa mukha mo ngayon." Natatawang puna saakin ni Abby. Andito kami ngayon sa canteen at kumakain.

Tinitigan ko lang siya dahil wala akong lakas makisabay sa pagbabara niya saakin.

"Hmmm." Ngumisi siya at napatingin kay Kim na nasa harap namin ngayon. "I think I know na."

"Yeah." Nakangiting sabi naman ni Kim.

Napakunot noo ako. Paano naman nila malalaman eh di ko pa naman nasasabi sakanila. At isa pa di rin naman ipinagkakalat ni Nerd yung tungkol dun uh. Ugh subukan niya lang ipagkalat at mapapatay ko siya.

Di kaya nakita nilang dalawa na hinalikan ko siya.

Napahampas ako sa lamesa. Kaya gulat silang napatingin saakin. "Huwag niyo sabihing alam niyo?"

Nagkatinginan silang dalawa at lumunok ng tuloy-tuloy. Ewan kung dahil iyon sa pagkaing nginunguya nila o talagang may alam nga sila. Shit!

"Hoy kayo! Sumagot nga kayo! May alam kayo o wala?!" Singhal ko sakanila nang hindi parin sila sumasagot. "You know me too well. I can't be frustrate Abby, Kim. You know that!" Banta ko. Kasi talagang mag-eeskandalo ako dito with no doubts.

"Oh c-come on Sab. It's not even that important if... you know?.. uhh we know?" Kim shrugged. "Mapapagkatiwalaan kami coz we're your best friend."

Napa-face palm ako. Did she mean they really know about it? Damn it! Damn it! Shit!

"So alam niyo nga?" I groaned.

Alanganing nagpeace sign si Kim at tumango. Si Abby naman ay nakanguso. Mas lalo kong isinubsob sa mukha ko ang sariling palad. Putangineks. Talaga!

"So.. Sab. What is it feels like? Malambot ba yung labi niya?" Nakakagat ang labi ni Abby na parang pinipigilang tumili o ngumiti. Tangna.

Langya. Nakita nga talaga nila!

"Nakita niyo talaga kami?" Nakasimangot kong sabi.

"We just saw it accidentally. Hinahanap ka kasi namin nung natapos ang klase kaya pumunta kaming principal's office. Then.. when we saw it. Di na kami nagpakita pa sayo." Kim said hesitately while observing on what would I react. Damn it. They really saw it.

"Are you the one who initiates the kiss-----"

Hinampas ko yung lamesa dahilan para mapatigil si Abby sa pagsasalita. "Hindi uh!" Singhal ko sakaniya.

Ngumuso siya. "Edi. Fine. Chill. Defensive much?"

Ngumiti si Kim. "You know what Sab? We observe the way he wrapped his hands around your waist and closed his eyes na parang feel na feel niya yung halik that time." She said dramatically and giggled after.

I gulped. Parang naramdaman ko nanaman tuloy yung kamay niya sa bewang ko. Hindi talaga maalis. Parang nasa bewang ko parin yung mga kamay niya. Damn. Bakit ganon?

"His lips was soft." I said absent-mindedly.

Tumili sila ng mahina na parang nagpipigil ng kilig. Kaya napangiwi ako.

"First kiss mo siya Sab! Grabeee." Sabi ni Kim. What the hell? I know! Kim I know!

"Wow. Lumalandot na si Sabrina. Hahahahaha." sabi ni Abby kaya sinapok ko siya.

My Lovely DelinquentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon