Chapter 30 "Worry"

57 3 0
                                    


"Why the long face, babe?"

Sinulyapan ko si Keith na kababalik lang at may bitbit na isang large na popcorn at dalawang drinks sa dalawang kamay. Napanguso ako lalo.

"Pwede magmura?" I asked permission.

He pursed his lips and shook his head firmly. "No."

"Kahit isa lang?"

"No."

I groaned. I badly want to let my frustration out! Fuck it! Nabubwisit ako sa mga talandot na iyon!

"Bakit ka ba nakanguso? Anong problema mo?" tiningnan niya ang buhok kong nakalaglag sa mukha ko. Hinawi niya ito at inilagay sa likod ng tenga ko. Ganoong gesture palang ay nag-iinit na ang pisngi ko. Grabe naman talaga.

"Naiinis kasi ako!"

"Bakit nga?"

Nilingon ko iyong mga babaeng nagbubulong-bulungan parin sa likuran ko. Tinaasan nila ako ng kilay. Matalim ko lang silang inirapan habang naka-igting ang panga ko.

"Basta! Halika na nga, manood na tayo. Baka makagawa pa ako ng eksena rito at makalbo ko iyong mga iyon." kinuha ko ang braso niya at tinulak para makapaglakad na kami patungong movie pass.

"Sino?" kunot noo niyang tanong.

Hindi ko siya sinagot hanggang sa makapasok na kami sa loob ng movie house. Bumungad sa amin ang pinapalabas na patalastas sa malaking screen. Mabuti naman at hindi pa nagsisimula.

Ang title ng movie ng papanoorin namin ngayon ay Inside out. I'm not really familiar with the movie but the poster attracts me kaya ito ang napili kong panoorin.

Hinila ako ni Nerd sa pinakamataas na bahagi ng movie house at pumwesto sa pinakagilid na seats, kung saan walang masyadong taong nanonood. Napansin ko din yung tatlong babaeng pumwesto naman sa harapang baba namin. Napataas ako ng dalawang kilay. Akala ko ba ayaw ng mga ito ang movie na ganito? Sa pagkakaalala ko, gusto nila ng R-18? Aba!

"What the fu-" bago ko pa masabi ang salitang iyon ay pinalsakan na ni Nerd ng popcorn ang bibig ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon.

"Cursing is not allowed."

Inirapan ko siya at napilitang nguyain ang popcorn sa bibig ko. Nakakainis naman talaga!

"Bakit nandito yang mga yan?" mariin pero pabulong kong sabi habang nakatingin sa mga babaeng nakaupo sa harapan namin.

Tiningnan naman ni Nerd ang tinutukoy ko. "Are they the reason why you're that annoyed?"

Napanguso ako at tumango.

"Why? What did they do?" mahinang tanong niya.

"Eh kasi naman..." humalukipkip ako habang nakatingin sa tatlong likod ng mga ulo nila. "They said I'm plain! I'm not beautiful enough for having you as my boyfriend. Parang ang gaganda naman nila kung makapagsalita." dahil sa inis ko ay nilakasan ko na iyon.

Napalingon yung isa sa kanila-the one that has a mole. Nakairap ito saakin. Pagkatapos ay binulungan ang dalawang babaeng katabi niya. Can you even see how abnormal they are?! Hindi ko alam kung anong pwedeng itawag sa mga low class na ito! Nabubuwisit ako! Ang sarap magmura!

"Let's just transfer to another seat, if you want." he suggested.

Napailing lang ako. Ang ganda na ng pwesto ko tapos lilipat pa kami dahil sa mga abnormal na ito? Tss. No way, high way!

Hanggang sa nagsimula na ang movie ay nakanguso parin ako. Alam kong napapansin iyon ni Keith dahil panay parin siya sa paglingon saakin. Napahawi ako sa buhok ko at itinupi ang isang paa ko sa inuupuan ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag-iling at pagtawa niya.

My Lovely DelinquentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon