Sabrina's P.O.V
"Sabrina.."
"Hmm."
Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko at kinusot ang mga mata kong inaantok parin. Pinaliitan ko ang mga mata kong tiningnan ang mga salarin na gumising saakin.
Napasimangot ako nang makitang si Abby at Kim iyon.
"Ano ba yan! Kitang natutulog eh!" singhal ko sakanila. Nasabi ko na ba sa inyong pumapangalawa lang naman ang boses ko sa lakas ng boses ni Abby. So parang ako mic lang, siya megaphone.
"Hoy babaita! Recess na po." Sabi ni Abby.
Umupo siya sa desk ko samantalang si Kim ay nakaupo sa desk nung transferee. In speaking of transferee, wala na ito sa kaniyang upuan. Siguro lumabas na.
Nag-inat muna ako saka tumayo. Tumingin ako sa paligid gamit ang naaantok kong mata. Konti nalang ang nasa room kaya panigurado nasa canteen na yung iba.
"Sakto! I'm fvcking starving." Nakangiwi kong sabi nang makaramdam ako ng paghilab ng aking tiyan.
"Halika nga! May dapat kang iexplain samin. " sabi sakin ni Kim at hinila ako papuntang labas ng room kasama si Abby.
Nagtatakang napatingin ako sakanila. "Ano ba yun?"
"Basta may kasalanan ka."
Hila-hila parin nila ako hanggang makapunta kaming cafeteria. Ano bang pinagsasabi ng mga 'tong kasalanan ko?
"Ano ba kasi yun?" tanong ko ulit sakanila nang makahanap na kami ng bakanteng table at nakaupo na kami.
Di nila ako pinansin o sinagot man lang. Tumayo lang sila at dumiretsiyong counter para mag order ng pagkain, kaya naman naiwan lang akong mag isa rito. Pumalumbaba lang ako at hinintay sila. Ang weird nila, parang mga timang. Tsk. ano kayang problema ng mga yun? Bibilhan naman siguro nila ako. Alam naman nila yung gusto ko eh.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakita ko silang pabalik na rito sa table namin dala ang mga pagkaing inorder nila. Napaayos ako ng upo at ngumisi.
"Where's mine?" Kumunot ang noo ko nang makitang pulos order lang nila ang nilapag sa table namin. They didn't order for me!
"What the.. di niyo ko binilhan?!"
Abby hissed "Bumili ka ng sayo!" Binelatan pa niya ako at sinimulan ng lantakan ang kaniyang inorder. Pakshet! Ano bang problema ng mga 'to?
"Ano ba kasing kasalanan ko sa inyo?!" Frustrated na kinamot ko ang ulo ko. Kahit nagulo ang pagkakaponytail nito ay wala akong pakielam.
Nagkatinginan muna sila bago tumingin ulit sakin. Pinagtitripan ba ko ng mga 'to? Pero mukha naman silang seryosong dalawa. Tsss.
"Tss. Isipin mo!!" Irap saakin ni Abby.
Isipin huh? Eh nakatulog lang naman ako all the time. Hello?! Paanong magkakaroon ako ng kasalanan sa kanila.
"Ano ba kasi yun? Wala talaga akong maalala!"
"Edi bahala ka! Basta kami kakain dito."
"Ano ba kasi yun? Sabihin niyo na!"
"Isipin mo nga!!"
Nag igting ang panga ko. Tsk. Gutom na kooo. Punyemas 'tong mga 'to.
"Gutom na talaga akooo!!" Pagmamakaawa ko sakanila. Gustuhin ko mang mag order sa counter ay hindi ko magawa dahil sobrang daming nakapila.
Napatingin ako sa paligid at pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa cafeteria. Pagsamahin ba naman boses namin ni Abby eh.
"Mamatay ka sa gutom! Wala kaming pake."
Umirap silang dalawa saakin. At hindi ko napigilang magpapadyak sa inis. Badtrip naman talag tong mga to eh oh!
"Di ba kayo naaawa saken?" Ngumuso ako.
" Hindi."
"Tsss. Kaibigan ko ba talaga kayo?! Sabihin niyo na. Puhhleaaase. " kako sabay nag puppy eyes. Baka sakaling umepekto sakanila.
"Yuck. Seriously, Sab?" Ngumiwi si Abby. "Stop it, di mo bagay." Irap pa niya saakin. Grabe naman. Sama talaga ng babaeng ito kahit kailan!
Kain lang sila ng kain sa harap ko. Habang ako ay nakaismid na pinapanood sila habang kumakain. At talagang tinatakam pa nila ako dahil dahan dahan nilang inuubos ang pagkain nila sa harap ko.
Nakapwesto kasi silang dalawa sa harap ko habang ako naman ay mag isa rito sa inuupuan ko.
"Ano ba kasi yun?!!" Napapadyak-padyak na ako sa sobrang inis. Gutom na kasi talaga ako at wala talaga akong ideya sa sinasabi nilang kasalanan ko!
Nagkatinginan ulit sila bago bumaling ulit ng tingin saakin. Tss.
"Are you sure? You really don't know?" Sabi ni Kim. Seryoso siya pag ganyang nag-e-english!
Umiling ako.. "I really don't know."
Muntik pa akong natawa sa sinabi ko. Parang head n shoulder lang eh? Pero dahil sa seryoso nga siya. Di na ako nagtangka pang tumawa.
"No idea at all?" Aniya nanaman.
Kainis tong Kimberlot na to. Wala nga eh! Tsss.
"Wala nga! As in! Ano ba kasi yun?? "
She hissed. Umayos siya ng upo at seryosong tumingin sakin. Umayos din ako ng upo para pakinggan kung ano man ang kasalanan kuno ko sakanila. Na curious na ako eh!
"Kasi ganito yan. Sinabi mo kasi na ayaw mo ng katabi, kaya nga nasa harap kami ni Abby at di tumabi sayo tapos... nakita nalang namin pumayag kang dun umupo sa tabi mong upuan yung gwapong transferee!"
Kumunot ang noo ko sa mahabang sinabi niya. What the fvcking fvck?!
"Oo nga. Sabihin mo nga saamin Sab.. Aminin mo! May gusto ka dun no? Crush mo no? Kaya pinayagan mo." sabi naman ni Abby. Luh. ang lakas pa man din ng boses neto. Tss.
Mga walangyang ito! Ginutom pa ako. Why they making it a big deal? Diba pwedeng pumayag ako dahil wala akong nagawa? I'm too lazy to make argue with that.... freaking Nerd
I sighed. "Do I really have to explain it to you? Is not that... big deal." Kako at ngumiwi. Mas lalong nakakatamad kapag gutom. Buset.
Tumango silang dalawa habang nakahalukipkip. Seryoso parin ang mga mukha samantalang ako ay bagot na bagot dahil sa gutom.
"You have to explain! It's just sooo... unfair!" Kunot noong sabi ni Kimberlot.
Napabuntong hininga ako. Fine with them.
Tumingin ako kay Abby. "Firstly, Abby. Di ko siya crush, seriously? Kelan pa ako nagkacrush? Tsss." Umiling iling ako dahil di ako makapaniwalang nag eexplain ako sa mga to. "I admit. Gwapo nga naman talaga~ pero boring siya magmasdan." Nakangiwi pa ako ng sabihin ko yun.
"Secondly, I tried to tell him that I don't want anybody sitting next to me. And I'm so lazy to make argue with him so I just let him. Mukha namang harmless e." Kumibit balikat ako.
"At kami? Harmful ganon?!" Nanlalaking matang react ni Abby.
"Tangna naman eh! Akala ko ba ayaw niyo akong pinapagalitan ng teacher? Gusto niyo akong maguidance kapag inaway ko yung transferee na yun?" Di ko napigilang sabi. Naku! Wag nila akong binibeastmode ngayong gutom na gutom ako. Tss.
Nagpeace sign si Abby. "Joke lang. Ge continue."
I just hissed. "Thirdly, As I have said, gusto ko siyang sigawan at awayin kanina dahil ayoko nga talagang tumabi siya saakin! But then, I realized, may kasalanan pa ako sa guidance at ayokong mapaalis agad dito dahil lang sa maliit na bagay na iyon, I know you don't even want that to happen, too right?" Kulang nalang mag bow ako sa napakaganda kong speech. Tsss.Tumango tango silang dalawa at natahimik sa mga sinabi ko.
Napabuntong hininga ako. "Now, order me food. Mga walangya kayo di ko kayo mapapatawad dahil ginutom niyo ako!" Irap ko sakanila.
"O'siya! Oo na! Binilhan ka naman talaga namin eh. Pinag explain ka lang namin." sabi ni Abby at humalakhak saka inabot saakin yung favorite kong burger w/ coleslaw.
Nakangisi kong inabot yun mula sakaniya. Mahal talaga nila ako. Akala ko di nila ako binilhan talaga eh. Hahaha!
"Pero di parin ako naniniwala na di mo siya crush." Aniya pa at kinindatan ako.
What the.. seriously? Tsss.
----
Pagkatapos naming kumain sa cafeteria ay napagpasyahan na naming bumalik ng room.
Nakakairita nga dahil etong si Abby kung ano-anong pinagsasabi. Nilalakad ba naman ako sa Nerd na yun. Tss. wala lang mapagtripan 'tong babaeng 'to kaya ako ngayon puntirya sa kalokohan niya.
Hindi ko nalang pinapansin ang mga pang aasar niya at dumiretsiyo na sa upuan ko.
Hindi ko napigilang mapasulyap sa katabi ko. Di ko na kailangan sabihin kung sino.. Tss. Di talaga ako sanay ng may katabi! Kung bakit pa kasi dito 'to umupo! Baka nga eto pa may gusto saakin eh. Tss. Joke lang.
Napasulyap din ako sa gawi nila Kim at Abby. Ngumiwi ako nang makitang tinatawanan nanaman nila ako. Tss. Siraulo talaga yung mga yun! Nag make face lang ako sakanila. Itutulog ko nalang yung mga pang aasar nila.
Tumulungko ulit ako sa mesa ko at pumikit na para umambang matutulog. Papunta na nga ang tulog ko kung hindi lang may narinig akong mga boses. Di ko tuloy napigilang pakinggan ang pinag uusapan.
"umm.. Hi. Keith right? I'm Sandy.. "
Si Sandy, kaklase namin.. kinakausap niya yung transferee. Pero wala akong narinig na salita mula rito. Snobber.
"Ang tahimik mo naman. Hihi. by the way. this is my number, you can text me anytime."
Wala ulit akong narinig na sagot mula sakaniya. Ano ba yan? Samantalang ang galing sumagot nung kinausap ko siya kanina!
"Why?" Narinig kong sabi ni Sandy. "Wag ka ng mahiya--"
"I'm not interested." Sa wakas ay narinig kong sagot niya.
Wow. He rejected Sandy? Seriously? Si Sandy na campus Queen Bee ng Heart East High? Si Sandy na pinapangarap ng mga lalaki. Irereject lang niya? That's... new.
"What?" sabi ni Sandy na halatang gulat base sa boses nito.
"I said I'm not interested about your number. I have my own." Nakuha pang magpilosopo.
Di ko na napigilang mapasilip ng konti sa kanila, tinitingnan ko kung anu-ano mga reaction nila. Nagsusulat lang si Nerd samantalang si Sandy di parin makapaniwala ang mukha. Grabe kahit ako, wala ako masabi.
"You're just kidding, right?" sabi Sandy na di parin sumusuko.
"Yeah. But I'm really not interested. Sorry."
Pinipigilan ko talagang matawa sa pagkakataong ito kaya isinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko para di nila mahalatang pinapakinggan ko ang usapan nila.
"You're so-- uurgh!" patabog na tumayo si Sandy at bumalik na sa upuan niya.
Napailing nalang ako dahil sa hindi parin makapaniwala. Gusto ko siyang palakpakan.
"Nice one Nerd. "
Napatingin siya sakin. What the.. Don't tell me nasabi ko yung nasa isip ko lang sana.
"He-he. ✌" nagpeace sign ako sakanya. at tumingin sa bandang kanan ko. Nasa left side ko kasi siya kaya umiwas ako ng tingin. Tss. di niya sana narinig yung tinawag ko sakanya. Sheteng malagket.
-----Sandy on the side. ---->
BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
HumorIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...