chap. 37 "Roof top"

53 3 0
                                    

SABRINA's POV

"Set A set B ang magiging set up ng inyong mga test papers. So you better be not try cheating...." anunsyo ni Mrs. Tiangco habang inaayos ang dalawang magkakapatong na test paper.

Bumuntong hininga lang ako at sinulyapan ang upuan ni Keith. Wala pa ito hanggang ngayon. Akala ko ba papasok siya?

"Sorry I'm late ma'am."

Right on cue. Bigla akong napasulyap sa kakarating na si Keith at humihingi ng pasensya kay ma'am. Nag-usap muna ang mga ito ng konti bago tuluyang dumiretsyo sa sariling upuan si Keith. Sinulyapan niya ako pagkaupo niya.

"Hi babe." Ngiti niya. Ngumiti rin ako pabalik.

"Bakit ka late?"

"Nagkaroon lang ng problema." He heaved a sigh.

Problema? "Gusto mo bang pag usapan----"

"No worries. Okay na." Ngumiti siya ng matamis at humarap na sa blackboard.

Napabuntong hininga ako. Haaaay. Ito nanaman ako sa haaay ko.

Hindi ko alam kung anong sumapi saakin at nasabi ko ang mga iyon kahapon kay Keith. Kaya ba ganito ka awkward? Dahil sa mga sinabi ko kahapon?

Haaaaay.

"Everyone, one seat apart!"

Lahat ng mga kaklase ko ay nagsitayuan kasama si Keith na kasalukuyang binubuhat ang kaniyang upuan palayo saakin. Hindi ko na ginalaw ang upuan ko dahil hindi ko na kailangang lumayo.

"Okay class. We're about to start. Bags must be on the floor behind your chair. There must no other things on your desk aside your ballpens okay?"

Napairap nalang ako. Heart East High has a lot of rules that's why I love to break it. Sumulyap ako sa lalaking katabi ko. But this guy changed everything.

I heaved another sigh.

****

Wala pang kalahating oras nang matapos ko ang bawat test. Nagulat pa si Mrs. Tiangco dahil panay ako ang nauunang nakakatapos. Hindi niya alam na wala na akong pake sa mga sinagot ko roon.

Hindi na ako naghahangad pa ng mataas na scores. Pero sigurado naman akong pasado parin ang mga iyon dahil nireview ako ng advance ni Keith...

Pagkatapos kong maipasa ang huling test paper ko ay nag ayos na ako ng gamit ko. Sinulyapan ako ni Keith dahil roon.

"Where are you up to?"

Tipid akong ngumiti at kinuha ang bag ko. "Rooftop."

Naglakad na ako palabas ng classroom nang tinawag ako ni Mrs. Tiangco.

"Ms. Ferrer, wala pa akong sinabing pwede nang lumabas----"

Hindi ko siya pinansin at dirediretsyo lang ako sa paglalakad palabas.

Pagkalabas ng classroom ay nakahinga ako ng maluwag... malapit na ang graduation namin. Ni hindi ko alam kung maaabutan ko pa iyon dahil sa nangyayari saakin ngayon.

Wala akong mapagsabihan, kahit na sina Abby at Kim ay hindi ko mapagsabihan ng tungkol kay Keith...

Keith is being cold, sumabay pang ipinakita ni Katrina ang mga pictures na yun. Ano pa bang dapat isipin? It's a proof that he's cheating on me...

Sakin nga ba siya nagchecheat? O sa babaeng iyon? I don't know anymore!

Nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad patungong rooftop. Lahat ng room na nadadaanan ko ay on going parin sa exam.

My Lovely DelinquentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon