Chapter 28 "We're Official?"

62 5 0
                                    

Kinusot ko ang mga mata ko nang magising ako mula sa pagkakatulog. Anong oras na nga ba ako nakatulog kagabi? 12 am! At ngayon I must say hindi ako kuntento sa tulog ko. Lecheng Nerd na yan kasi! Hindi ako pinatulog! Eh paano ba naman kasi kapag pinipikit ko mata ko mukha niya rumerehistro sa utak ko! Langya. Kakorning pag-ibig! Leche. Ganito ba talaga kapag in love? Hayst. Hindi ko kasi talaga akalaing kami na.

Bumangon ako at sinulyapan ang alarm clock na nasa side table.Nanlaki ang mga mata ko at napamura. 6:30 am?! Male-late na ako! Lagot nanaman ako neto kay Nerd! Langya. Hindi ko pala naset yang pesteng alarm clock ko!

Agad akong pumasok sa banyo para maligo. Ni pinagsabay ko na ang pagsabon at pagshampoo sa sobrang pagmamadali ko. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako kaagad ng nakahandang uniporme at hindi na ako nag abala pang suklayin o ayusin ang buhok ko.

"Ma'am, andiyan na po yung sundo niyo, naghihintay sa baba. Bilisan niyo daw sabi ng mommy niyo." narinig kong sabi ng isa sa mga maids namin sa labas ng kwarto.

Kumunot ang noo ko habang inaayos naman ngayon ang ID ko para isuot. Sumusundo saakin? Wala ba yung driver ko? Bago nanaman ba? O baka may bodyguard nanaman ako? Tsss.

Kinuha ko na ang bag ko at nagmadali sa paglabas ng kwarto. Hindi ko na tiningnan pa ang mukha ko sa salamin diretsiyo lang ako pababa sa hagdan namin nang makalabas ako. Late na ako! Wala ng time! I'd rather be look like a mess than being scold by Nerd.

"Sabrina!" tawag saakin ni mommy nang akmang lalabas na ako sa double doors namin.

"Mom I need to leave! I am freaking late!"

Hinawakan ko na ang double doors nang magsalita siya ulit.

"Ano ka ba, kanina ka pa hinihintay ni Keith."

Ngumisi siya habang ako naman ay nanlalaking matang napatigil sa pag-alis sana. Lalo na nang lumitaw sa likod niya ang nakapamulsang si Nerd habang nakanguso at nagpipigil ng ngiti.

Napaawang ang bibig ko habang nakatingin lang sakaniya. He's fucking here. Why is he here?

Lumapit saakin si mommy at inayos ang buhok ko habang nakangiwi. "Your hair is a messed, nagsuklay ka man lang sanang bata ka."

Hindi ako nakareact sa sinabi ni mommy. Gulat lang akong nakatingin kay Nerd na ngayon ay napatingin sa kaniyang relo, pagkatapos ay lumapit saakin at hinawakan ang likod ng aking bewang.

"We need to go, tita." baling niya kay mommy habang nakangisi.

Tumango si mommy. "I trust you, hijo. You take care of my daughter, alright?" Is it me, or I really notice the double meaning of what she said? May alam na ba si mommy?

"Yes and I will tita." ngumiti si Nerd at iginaya na ako sa labas ng bahay. Ni hindi na nga ako nakapagpaalam pa kay mommy eh.

I can't believe he's here! Parang kanina lang ay iniisip ko na baka pagalitan niya ako dahil malelate nanaman ako tapos ngayon susunduin pala niya ako? Anak ng tokwa, paano nalang pala kung tulog parin ako hanggang ngayon? Malelate din siya? Tss. Malamang mas lalo niya akong pagagalitan pag nangyari yun!

Wala akong imik hanggang sa makarating na kami sa sasakyan niya. Nakaka-stun at nakakakaba. Nakakastun dahil bigla bigla niya akong susunduin ng walang pasabi at nakakakaba dahil baka may alam na talaga si mommy yung tungkol saamin. Nahihiya ako dahil malalaman niyang lumalandot na ako. Nasabi na kaya ni Nerd? Hay nakoo.

"You're not talking."

Napasulyap ako kay Nerd nang sabihin niya iyon na nakakunot noo. Bubuksan na sana niya ang car door para saakin pero napatigil siya para sabihin iyon.

My Lovely DelinquentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon