Sabrina's POV
"Ano kamo?!"
"Paulit-ulit ka delinquent?" bagot na sabi netong si Nerd saakin.
Di ako makapaniwala sa sinabi niya saakin. Sa kalagitnaan kanina ng lesson namin inexcuse kami ni Nerd ni Mrs. Tiangco. Akala ko pa naman makakalusot nanaman ako sa boring na subject na yun namin kanina pero yun pala ang sabi niya i-tu-tutor niya daw ako. Dahil yun ang sabi ni Mrs. Tiangco sakaniya. Langya. Di ko na kailangan nun.
"Nababaliw ka ba? Wag na! Di ka na sana pumayag."
He exasperatedly sigh. "Sana nga hindi na." bulong niya na rinig ko naman.
"Oo nga sana nga hindi na! Balik na tayo dun." tumayo na ko pero hinawakan niya yung wrist ko at pinaupo. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano?"
"Andito na lang rin tayo. Itututor nalang kita."
Inis na napakamot ako sa ulo ko. Ang kulit naman ng lahi neto! "Ayoko nga! Mas lalo lang akong ma-boboring diyan!"
Di niya ako pinansin. Nagbuklat nalang siya ng libro. "Umpisahan natin sa English."
Urrrgh! Napa-face palm ako. Bwisit ayoko nga kasi kakulit naman talaga. "Bakit ba kailangan mong gawin 'to?"
Napatigil siya at napatingin saakin. "Dahil kailangan mo?"
I tsked. "Di ko na kailangan yan!"
"Really?" Nagulat pa ako nang humarap siya saakin. "Paano kung sabihin ko sa mommy mo yung tungkol dito? Hmm. I'm sure she will be agree to the idea na itu-tutor kita."
Napakunot-noo ako. Kilala niya si Mommy? "Hoy Nerd ano bang pinag-sasabi mo diyan? Close ba kayo ni Mommy?!"
He show me his lopsided smile. "No actually, Magpartner ang mommy ko at si Tita Sandra sa company. Pinakilala na ako ng mommy ko sakaniya dati."
"Weh?" nasabi ko nalang. Di naman kapanipaniwala. Pero bakit nga ba hindi? Di naman ako mahilig magpunta sa office ni mommy eh. Isang beses lang ata. At yun ay noong 8 years old pa ako. Pfft xD
"Ayaw mong maniwala?" iniligpit na niya yung libro at notebook niya sa loob ng bag niya. "Bakit di tayo magpunta ngayon sa mansyon niyo para malaman mo?" tumayo na siya at naglakad palabas. Wag niya sabihing uuwi kami?
"Nerd!" pigil ko sakaniya. "Pupunta tayo ng bahay?"
He just nodded.
"Talaga?"
"Oo nga." sabi niya saka nagpatuloy na sa paglalakad. Sumunod lang ako sakaniya.
"P-papayagan tayo ni Ma'am?"
"We are excuse remember?"
Napa-'okay' nalang ako. >__
------------------------
Tahimik lang kami habang nakasakay sa kotse niya. Nakakahanga nga kanina dahil di man lang kami sinita ni manong guard nung papalabas kami. Odi si Nerd na. Si Nerd na talaga. Tss. Nakita ko pa yung mga bodyguards ko kanina na nakabantay pero yumukod lang ako para hindi nila ako makita. Ang saya naman neto. ^__^
Nang makaalis na kami sa campus ay napangiti ako.
"Tss. Hindi tayo umalis dun para sa gusto mo. Makangiti ka naman diyan."
Napatingin ako kay Nerd na kasalukuyang nag-d-drive. "Oo na. Alam ko naman yun."mahinang sabi ko.
Napalibot ako ng tingin sa loob ng sasakyan niya. Ang linis ah? Tapos yung aircon ang sarap sa pang-amoy. Itinapat ko pa nga yung aircon sa mukha ko eh. ^__^
BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
HumorIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...