Sabrina's P.O.V.
Kinusot ko ang mata ko at tinanggap na gising na ang diwa ko mula sa pagkakatulog. Nagising ako kanina nang may maramdamang magaan na bagay na tumama sa ilong ko. Hindi ko iyon pinansin kanina at sinubukang ipikit lang ang mata ko, pero hindi ko na talaga ulit nakuha pa yung tulog ko.
“Is Ms. Ferrer here?”
Iminulat ko ang mata ko nang marinig ang pangalan ko sa harapan. Sumilip ako mula sa malaking katawang nasa harap ko at nakitang... ang principal iyon.
Bumuntong hininga ako at tamad na itinaas ang kanang kamay ko. “I'm here.”
Umigting ang kaniyang panga pagkakita saakin. Matatakot sana ako sa ekspresyon ng mukha niya kaya lang ay sanay na akong nakikita iyon palagi.
“Proceed to my office, immediately.” aniya at tumalikod saka naglakad palabas ng room.
Tumayo ako. Lahat ng atensiyon ng mga kaklase ko ay nasa saakin. Nakita ko pa silang nagbubulungan at alam kong tungkol iyon saakin. I just shrugged off, I am used to attention like this.
“Ma'am, excuse me.”
Kunot noong sinundan ko ng tingin si Nerd nang mag excuse siya sa teacher at dumiretsiyo palabas ng classroom. Naiihi siguro. Pero akala ko ba tutulungan niya ako? Tss. Sabi ko na nga ba.
Walang paalam na naglakad na rin ako palabas ng classroom. Hindi na ako sinita dahil sanay naman silang hindi talaga ako nagpapaalam kapag umaalis ng room kaya tuloy tuloy lang ako.
Pero laking gulat ko nang makita si Nerd na nakahalukipkip at nakasandal sa pader na parang may hinihintay. Nang makita niya ako ay umayos siya ng tayo. Akala ko ba naiihi ang isang 'to?
“Let's go?” aniya.
Kumunot ang noo ko. “Huh?”
“I said I'll try to help you. So where's the principal's office.” hinila niya ang kamay ko at nagsimulang maglakad.
“Wait nga lang...” tumigil ako kaya napalingon siya saakin. “Seryoso ka? Akala ko ba nagpaalam ka papuntang CR?”
Tinaas niya ang dalawang kilay. “I just excused myself. Hindi ko naman sinabing sa CR ang punta ko. At oo seryoso ako, so may I know now where the principal office is?”
Hindi parin ako makapaniwala pero thank god nagawa ko paring magsalita ng normal.
“Diretsiyo lang tapos kaliwa, diretsiyo ulit. Makikita mo kaagad yung office.”
Nagpatuloy na kami sa paglalakad sa direksiyong tinuro ko. Di niya talaga alam? Paano siya naka-enroll kung hindi pa pala siya nakakapunta sa Principal's Office?
“Hoy Nerd..” sambit ko. At dahil sa nacucurious ako kailangan ko siyang tanungin. “Pa—”
“Sa registrar's office.”
Nanlaki ng bahagya ang mata ko. Itatanong ko palang kung paano siya naka enroll pero naunahan na niya ako ng sagot.
“Oy! Wala pa naman akong tinatanong ah”
“Alam kong tatanungin mo ko kung paano ako nakaenroll, ineexpect ko na yun. Obvious naman eh.”
Natahimik ako at nanatiling nakatingin lang sakaniya. Weh? Obvious? O baka naman mind reader lang siya?
“I'm not a mind reader if that's what you are thinking.” Hala mind reader talaga eh!
“Luh! Mind reader ka talaga nu?!”
He hissed. “Kasasabi lang eh.”
"Na ano? Mind reader ka? "
"Na hindi nga."
"Mind reader ka kaya!" Napalakas ang boses ko at napangiwi siya dahil doon.
“Lower your voice. Ikaw lang maingay dito oh. Di nga ko mind reader.”
“Oo kaya! Paano mo nalalaman nasa isip ko?”
“Hindi ko nalalaman, I just expected that you will ask me about it.”
“Ano?” kumunot ang noo ko. Di ko nagets.
“Wala.”
Umismid ako. “Mind reader ka eh. Alam ko.” Humarap ako sakaniya. “Sige nga basahin mo nga nasa isip ko ngayon?”
Ngumisi ako at nag isip ng kung ano anong bagay.
Bagot siyang humarap din saakin. “You're thinking nonsense things.”
My eyes rounded as my mouth form an 'o'. I'm really amazed. “Alam mo? Wow.”
“Tss.. Retard.”
Ngumuso ako at inismiran siya.
“Instead of thinking nonsense things.. Problemahin mo muna yung tungkol sa issue mo.”
Ngumiwi ako, wala rin naman akong mapapala kung alalahanin ko yun, kaya kumibit balikat lang ako. “Andiyan ka naman.”
Napailing siya kaya napahalakhak ako.
“Delinquent na nga retard pa. Ano ka pa huh?” Seryoso niyang sabi saakin.
“Uh.. Cute?”
“Tss..”
Nanahimik nalang ako. Sobrang seryoso naman ng taong 'to. Ni hindi ko pa nakitang ngumiti o tumawa. Ang boring talaga.
“So.. ito na yun?” aniya, pagkatapos binasa ang placard na may nakalagay na 'Principal's Office '
“Oo.” ngumisi ako dahil excited na akong gamitin ang grand entrance ko. “Halika na, pasok na tayo.” I was about to open the door nang pigilan niya ang braso ko.
Kunot noong napatingin ako sakaniya. “Bakit nana--” hindi natuloy ang sasabihin ko dahil tinakpan niya agad ang bibig ko. Problema nito?
“Mag-iingay ka nanaman.” iritado pero mahina niyang sabi. “Ako na magbubukas.”
“Aba! Magbubukas lang eh. Gusto mo ikaw pa! Ignorante ka sigu--”
“Shut up, will you?” tinakpan nanaman niya bibig ko. Nyemas lang eh! “Remember nung pumasok ka sa room? I will never let you do that again.” sabi niya pa.
I hissed. Actually yun naman talaga sana gagawin ko ngayon. Mind reader nga ata talaga 'tong Nerd na 'to.
Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob pabukas hanggang sa maging half open nalang yun. Napasulyap ako sakaniya at sumenyas lang siya saakin na pumasok na. Dahan-dahan kong isinilip ang ulo ko mula sa pinto at--
“MS. FERRER!!” bungad na sigaw saakin ni Ma'am Principal. Napatalon at napapikit pa ako sa gulat. Grabe makasigaw uh?
Nilingunan ko si Nerd na kasalukuyang nasa likod ko. Umatras ako pero tinulak-tulak niya lang ako papasok, kaya tuluyan na nga akong nakapasok sa loob. Walang hiyang nerd na 'to!
Bumungad sa paningin ko ang Principal at ang nakaupong demonyita pagkapasok ko. Tsk. Makita ko lang siya nabubwisit na agad ako.
“Have a seat, Ms. Ferrer.” iminuwestra saakin ni Ma'am principal ang upuang katapat si Katrina.
Ngumiwi ako at hindi gumalaw sa kinatatayuan ko. Tangna ayoko ngang kaharap yan baka di ako makapagtimpi masapak ko yan eh.
“Ms. Ferrer, sit!”
“Di naman ako aso Ma'am. Tsaka ayokong kaharap yan nakakagago lang--” may tumakip sa bibig ko at alam kong si Nerd nanaman yun dahil naamoy ko kaagad ang pabango niya.
Napangiwi si Ma'am Principal. Magmura ba naman ako sa harap niya eh. Nakakabwisit lang kasi talaga.
“Uupo na daw siya Ma'am.” Napatingin ako sa nagtakip ng bibig ko at inirapan.
“Mr. Villanueva right? What are you doing here? Si Ms. Ferrer lang pinapunta ko.”
“Uh, Mrs. Tiangco our adviser, said that I must accompany Ms. Ferrer here, Ma'am. Baka kasi tumakas nanaman daw po.”
Kumunot ang noo kong napatingin sakaniya. What the hell is he saying?
“Umupo ka na.” Di niya pinansin ang nagtatakang tingin ko, hinila lang niya ako para paupuin sa harapan ni Katrina. Akala ko ba tutulungan niya ko? Ano 'to?
“Okay, then.” bumaling ang principal sa kay Katrina. “Anyway, Ms. Sanchez.. Now, ikuwento mo na kung anong ginawa sayo ni Ms. Ferrer nang nasa cafeteria kayo.”
Napatingin ako sa kaharap ko, napabuga ako ng hangin ng maabutan siyang nakayuko na parang takot na takot. Galing umarte.
“I want to befriend to her that time Ma'am. Tinanong ko siya kung pwede ba kaming maging magkaibigan pero inaway niya ako at bigla nalang na sinabunutan.”
Humalukipkip ako at pinaningkitan siya ng mata. Sanay na dapat ako sa ganitong arte niya pero naiinis parin ako.
“...tapos, tapos, sinabi ko pa pong tumigil na siya pero patuloy lang siya sa pagsabunot s-sakin. Di nalang po ako lumalaban kasi natatakot ako." sabi niya pa at dinagdagan pa iyon nang pagpapaawa effect. Tss.
Napailing-iling si Principal at napabaling saakin. “See what you've done Ms. Ferrer! Kailan ka ba magtatanda?!"
Di na ko sumagot.. Wala rin namang kwenta eh, baka masagot ko lang. Tapos yung nagsabing tutulungan ako. Eto lang at nakatayo sa likod ko. Bwisit! Sumama sama pa wala din naman palang gagawin. Makikiusisa lang ata to eh.
“Well.. you have to say sorry to Ms. Sanchez, Ms. Ferrer. Maling-mali ang ginawa mo. It's bullying! At isa pa, diba sinabi kong once na maulit ang pag-aaway niyo, wala na kaming magagawa kung hindi ang i-drop ka.”
Suminghap ako dahil sa inis at napasulyap kay Katrina. Nakayuko siya pero halata kong nakangiti siya. Nakuha na niya gusto niya eh.
“Hindi ako mag-sosorry. Tsaka drop na ko pagkatapos nito diba? Kahit yun man lang di ko magawa pagkaalis ko dito.” Tumayo ako at bumaling kay Katrina. “Masaya kana?” sabi ko kay Katrina na nakayuko parin.
Tinalikuran ko sila at naglakad na palabas ng office. Pero napatigil ako pagkahawak ko ng doorknob nang biglang magsalita si Nerd.
“Maybe it's my time now to speak.”
Napalingon ako sakaniya. Maski ang principal at si Katrina ay napatingin din. Kumunot ang noo ko. What now, nerd?
“What do you mean Mr. Villanueva?”
“I saw what happened that time Ma'am, I saw Ms. Sanchez was the one who pulled Ms. Ferrer's hair first.”
Humarap ulit ako sakaniya at humalukipkip. He's trying to help now? Ngayong tanggap ko nang papaalisin na ako dito?
“What are you talking about Mister?!” inis na sabat ni Katrina.. “I didn't do that!”
“Then, why are you look so defensive about that Ms. Sanchez?” sabi ni Nerd sakaniya.
Namula si Katrina at napatahimik. Napangisi ako, alam kong hindi niya inaasahang may magsasalita tungkol sa nangyari.
“Alam mo ba yang sinasabi mo Mr. Villanueva?” anang Principal.
He nodded.. “I wouldn't be here to tell it, Ma'am if I don't.”
Litong nagpalipat tingin saamin ni Katrina ang Principal. Pagkatapos ay bumaling ulit kay Nerd. “Hindi kaya pinagtatanggol mo lang 'tong si Ms. Ferrer?”
“Ipinagtatanggol ko po siya dahil sa nakita ko kahapon, wala naman po talaga siyang kasalanan. I have no reason to lie. Sadyang mali lang po talaga yung sinabi ni Ms. Sanchez, kaya nagsalita ako ngayon.”
Napabuntong hininga ang principal na parang ayaw talagang maniwalang si Katrina ang nagsimula ng away.
“Eh kung totoo talaga yung sinasabi nitong si Mr. Villanueva? Bakit di mo dinepensahan kanina ang sarili mo Ms. Ferrer?” baling niya saakin.
“Useless din naman kung mag-eexplain ako. Siya pa din naman paniniwalaan niyo eh.”
“Even though! And please galangin mo ako! Principal ang kausap mo Ms. Ferrer.”
Di ko siya pinansin at bumaling lang kay Katrina. “What now, Katrina? Anything to say?”
Napaangat siya ng tingin at matalim na tinitigan ako. “I said I didn't do it!” sigaw niya at bumaling sa Principal “I didn't do it, Ma'am I-I swear!”
“Wow deny pa more Katrina! Keep it up..”
“Shut up!!”
“Di mo lang kasi matanggap--”
“Shut up!!”
“--na tama lahat ng sinabi--”
“I said shut up, bitch! Bwisit na bwisit na ko sayo eh! Putang ina masisisi mo ba ako kung desperada na akong mapaalis ka dito?! Hindi mo deserve kung nasaan ka ngayon! Akin dapat yan!” sinabunutan niya ako. At himbis na mapangiwi ako ay napangisi pa ako. Wrong move ka ngayon.
Nanlaki ang mga mata ko nang iharang ni Nerd ang katawan niya sa harap ko dahilan para mapasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa likod ko para suporta kaya para na rin siya nakaakap saakin. Hindi ko tuloy maiwasang maamoy ang pabango niya. Shet ang bango niya. Pero alam kong hindi ngayon ang time para pansinin iyon.
“Stop it Ms. Sanchez!!!”
Napatigil naman agad si Katrina at parang nabigla sa ginawa niya. Napabitaw na rin saakin si Nerd.
“M-ma'am I'm s-sorry. Di ko sinasadya--”
“Sapat nang narinig ko ang mga dapat na marinig. Mali ang pagkakakilala ko sayo.”
“But M-ma'am--”
“You are expelled Ms. Sanchez, 2 weeks. Pasalamat ka at expelled lang. Makakalabas na kayo sa office ko.”
Di makapaniwalang napanganga si Katrina sa sinabi ng Principal. Ewan pero di ko napigilan mapangisi, lalo na nang bumaling siya saakin at tiningnan ako ng masama.
“This is all your fault! Di pa tayo tapos Sabrina!” aniya at tinalikuran kami saka mabilis na naglakad palabas.
Kumibit balikat lang ako. Game on, di ko naman siya uurungan. Di ko lang talaga ineexpect na tatagal parin ako sa school na ito. Wow.
BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
HumorIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...