SABRINA's POV
Kinaumagahan ay pinagpasyahan kong di na muna pumasok. Di ko alam kung paano haharapin o kausapin man lang si Keith. Alam ko papasok siya ngayon dahil iyon ang text niya saakin kaninang umaga. Sinabi pa nga niya na pumasok daw ako pero sinabi kong masakit ang ulo ko at magrereview nalang ako para sa magiging exam bukas. Hindi pa naman na siya nagreply. kaya hinayaan ko na.
*phone beeps*
Tamad kong chineck ang phone ko. Speaking of which. He replied. Naexcite parin ako kahit papano. Haaay. Baliw na ata ako.
From: Babe Nerd ♡
Pagaling ka okay? Dadaanan kita diyan mamaya. May gusto ka bang pagkain? Para madalhan kitaNaiiyak ako. Ang sweet talaga ng nerd ko. Haaaay. Di ko talaga matanggap yung mga nakita kong picture. Hindi naman siya iyon diba?
Pakshit Sabrina.
Hinagis ko sa kama ang phone ko at sumalampak ng higa. Napatitig ako sa ceiling. Ano ba tong nararamdaman ko.
"SABRINA MAE!"
Napatigil ako at sumulyap sa pintuan. Boses ni ate ang tumawag saakin mula sa labas. Hays ano nanaman kayang kailangan ng babaeng ito.
"Sabrinaaa! Kavideo call ko si kuya Sandrex. He wants to see you. Open this freaking door."
Fuck. Fuck. Fuck. Nagpanic ako bigla. Agad akong tumayo at pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin.
Shit. Shit talagaaaaa! Ang itim ng ilalim ng mga mata ko. Hindi kaaya aya ang hitsura ko. Paano ba naman kasi. Hindi ako pinatulog kakaisip ng lecheng mga litratong yon!
"Bahala na nga!" Inis kong bulong. Ano naman kung makita nila akong ganito? Sanay naman na sila sa ganitong hitsura ko so anong ikakaconscious ko?
Naglakad ako patungong pintuan at binuksan iyon. Bumungad saakin si ate na naka spaghetti pink top at maiksing jogger short. Hawak nito ang iphone 7 niyang phone at mula roon ay kita ko ang napakagwapo kong kuya Sandrex.
"Ano ba yang hitsura mo Sabrina!"
Hindi ko pinansin si ate. Nakasulyap lang ako sa screen ng kaniyang phone kung saan nakikita ko si kuya Sandrex.
I waved jolly. "Hi kuya Sandrex!"
Ang gwapo ng kuya ko sa white button down polo niyang suot. Kita ko rin ang mamahalin niyang rolex sa kaliwang kamay na siyang nagpacool sa dating niya.
"Oh, kamusta ang baby girl namin?"
"Okay naman kuya. Ito nag aaral na akong mabuti. Gumaganda na nga grades ko e." I said proudly.
"That's good! Mukhang magandang influence sayo ngayon yang boyfriend mo ha? Konti nalang boto na ko diyan." He chuckled boyishly.
Pilit ang naging pagtawa ko sa sinabi niya. I don't know what to react. I'm supposed to be happy right?
"Hmmm. Ikaw kuya? Kamusta ka diyan?" Changed topic ko.
"Ito. Malapit na sa wakas maging architect. One more year nalang."

BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
HumorIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...