Sabrina's POV
It's exactly 11:50 when the concert ended. Napakabilis ng oras pero talagang masasabi kong....
"Nag enjoy ako!" I giggled.
Nagsialisan na ang karamihan sa tao habang ang ilan naman ay nasa stage para makipag picture sa banda.
Hindi maialis ang ngiti ko. Actually before Nerd and I decided to leave. Nakipag picture din muna kami sa banda. Since kami ang nasa pinakaharapan, kami ang agad na nakapagpapicture. This is one of the fun and first time memories I've done so hindi pwedeng wala kaming remembrance ni Keith dito.
"I'm tired." He commented.
I rolled my eyes. "Wag ako Nerd. Wala kang ginawang nakakapagod kanina kaya wag ako."
He chuckled.
Kabanas eh. Nanonood lang naman siya. Inaantay ko siyang sumabay sa kanta nung bokalista dahil nga daw alam niya mga kanta. Ni hindi ko man lang narinig boses niya. Ako itong sigaw ng sigaw. Tapos kapag pinapatayo mga tao. Nakaupo lang siya. Galaw galaw din dapat.
Diniin niya ang pagkakahawak sa balikat ko nang mapansin niyang tumahimik ako.
"Babe, I was just kidding."
"Kidding mong mukha mo."
He laughed. "But I'm happy that you enjoyed it."
Dumeretsiyo kami sa sasakyan niya pero nang bubuksan na niya ang passenger seat ng sasakyan kung saan ako uupo ay umupo ako sa hood ng kotse niya.
"Delinquent. Pasok ka na. Lagot ako kay tita Sandra kapag umaga ka na makauwi."
Hindi ko siya pinansin. Humalukipkip lang ako at tiningala ang kalangitan. Ang ganda ng mga stars. Kitang kita.
Ever since I was a kid. Hobby ko na ang pag i-stargazing. Talagang pupuslit pa ako sa bintana ng kwarto ko para makaupo sa roof ng bahay namin para tingnan ang mga bituin. Napaka relaxing kasi. Tapos feeling ko napaka malaya ko. Yung tipong nasa universe ako.
Maya maya pa'y naramdaman ko ang pagtabi niya saakin kaya sakaniya nabaling ang tingin ko. Nakasandal din siya sa hood ng kaniyang kotse at nakatingala sa kalangitan kagaya ko.
Isinandal ko ang ulo ko sa kaniyang balikat at inabrisete ang aking kamay sa braso niya. I've never been this clingy before.
"Can we stay here for a while nerd?"
Tumingin siya saakin. His eyes is smiling kahit na pokerface ang kaniyang mukha.
"Why? Ayaw mo pang umuwi?"
Umiling iling ako. "Ayoko sa bahay. For me. Kulungan ang bahay."
"I know you would say that."
Tumingin ako sakaniya. Napatingin din siya saakin at napangisi. Tumawa ako.
He sees me as a girl who loves freedom. And he's very right. Yun din siguro ang dahilan kung bakit hindi niya ako pinagbabawalan. I will break his rules anyway.
But on the other side. I doubt to break his rules if ever he made one. Di ko kasi kayang labagin ang mga gusto niya. Once na siya na ang nagsalita. Matik na susundin ko na yun. I'm such a puppy when it comes to him.
Huminga ako ng malalim at tumingala ulit sa kalangitan. Konti nalang ang mga tao na napapansin ko sa paligid at wala pa akong balak umuwi talaga. Gusto ko pang makasama si Nerd.
Nag indian sit ako sa hood ng kanyang kotse. "Nerd, kantahan mo ko."
Napatingin siya saakin. "What?"
BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
HumorIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...