Keith's POV
"Sagutan mo yan."
Nanlalaking matang napatingin siya sa papel na binigay ko sakaniya. "Eto? Eto sasagutan ko?!"
Isinandal ko yung likod ko sa back rest ng upuan ko at napacrossed arms.. "Oo. May problema ba?" Bagot kong tanong.
"Ang dami naman~" she pouts.
Napakunot ako ng noo. "10 items lang yan. Retard. -__-"
"Lang? Madami na yun."
"Nagrereklamo ka?" Inilabas ko yung cellphone ko. At sinimulang idial yung number sa bahay nila. Napatingin muna ako sakaniya at tiningnan kung anong magiging reaction niya.
Lihim akong napangiti nang makitang nanlalaki ang matang napatingin siya sa cellphone ko pagkatapos ay saakin. "Hoy! Nerd anong gagawin mo huh?!"
"Magsusumbong sa inyo?" Patanong kong sagot.
She gripped my phone worrily. "Wag eto naman. Di naman ako nagrereklamo eh. Ayos nga lang eto eh. Dinamihan mo pa sana. Hehehe" she said sarcastically.
I show my lopsided smile. "Talaga? Sige dagdagan natin." I was about to take the paper from her when she took it away from me. So I didn't get any chance to grab it. -__-
"Ano ka ba?! Ayos na nga lang 'to eh. Hihi. Sasagutan ko na huh?" Sabi niya at nagsimula nang sagutan ang nasa papel.
"Show your solutions. Mamaya diyan mag-imbento ka nanaman ng sagot." I said.
"Putek! Oo na! Wag ka nang magulo!" Iritang sabi niya. Kaya tumahimik nalang ako.
Bored na nakatingin lang ako sakaniya habang nagsasagot siya sa papel. Lihim akong natatawa sa bawat pagkamot ng ulo niya pati ang pagbusangot ng mukha niya, pero kung nakinig siya saakin kanina malamang sa malamang masasagutan niya yang mga yan. -__-
Medyo napagtitiyagaan naman pala yung ugali ng delinquent na 'to eh. Di ako masiyadong nahihirapan sa pagtutor sakaniya. O dahil lang sa may pamblackmail ako sakaniya kaya nadadalian ako. Well that's good thing buti nalang pala at meron. -__-
Matalino naman siya eh. No kidding aside. Matalino siya napansin ko yun nitong nagdaang araw na tinuturuan ko siya. Madali siyang makaintindi ng mga lesson. Yun nga lang tamad. Tamad mag-aral. -__- Tapos mas inuuna ang kalokohan sa utak kesa sa pag-aaral. Kaya mas lalo akong nadetermine na turuan siya nang malaman kong may pagkamatalino itong delinquent na 'to. Konting tulak lang sakaniya na mag-aral okay na.
Anyway, nakakatulong din ito para sa pagmomove on ko kay Steffanie. Dito ko nalang kasi itinutuon yung pansin ko. Kung tatanungin niyo kung umiyak ako after our break up. Well hindi. Kahit naman umiyak ako may mababago ba? Wala naman diba? So why waste of time. -__-
"Hoy Nerd!"
Napakurap ako at natauhan nang iwinagayway niya yung kamay niya sa mukha ko. "Oh?"
"Pwede ba wag mo ko titigan?" She said annoyingly. Bakit naman kaya? Masama bang tumitig sakaniya? -__-
"Naiilang ka?"
Inirapan niya ako. "Di ako maka-concentrate okay?!"
I smirked. "So naiilang ka nga."
Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya lihim akong natawa mahirap pala asarin 'to kapag seryoso. "Oo na hindi na. Ikaw nga diyan makatitig ka saakin wagas. Nagrereklamo ba ako?" Bulong ko sapat na para marinig niya.
Napatingin siya saakin at napayuko. Pero di nakaligtas saakin yung pamumula ng mukha niya. Lihim akong napangiti dahil dun. Cute.
Maya-maya pa'y tapos na siya sa pagsasagot, pinasa na niya saakin yung papel. "Oh yan na po. SIR." parang bagot na sabi niya.
I examine her answers. Medyo maayos naman yung mga solution niya, mukha namang hindi siya nag-imbento. I start checking her answers.
Been there done that.. She got six out of ten. Whoa. Umiimprove. Okay na kesa sa usual score niyang zero. Binigay ko na sakaniya ulit yung papel para tingnan ang naging resulta. "Not bad." I said smiling.
She smiled widely upon seeing her score. "Totoo ba 'to? Six talaga? Baka ineechos mo naman ako."
"Hindi." -__-
"Kyaaaaah---ooooomp." She shouted so I quickly cover her mouth with my hand. Di talaga nag-iisip nasa library kami eh. -__-
"Retard as always." Naiiling na sabi ko.
She just smiled. And take a glance on her score once again. Di na nakaget-over sa score niya. -__- "I'm such a good student talaga." She said, more likely to herself.
"That is because, I'm a good tutor." Sabi ko naman.
"Sus. Hindi rin."
Napatingin ako sakaniya pagkasabi niya nun. "Six lang nakuha mo. Much better if you got perfect."
Pinagkunootan niya ako ng noo. "Agad-agad? Masyado ka namang perfectionist Nerd! Okay na yun."
I just sighed. Sabagay, ayos na rin yun. Ilang araw ko palang naman siya tinuturuan eh. Marami pang araw.
Napatingin ako sa relo ko. I tsked. We spent 3 hours just for one subject, and I feel tired. Looks like we are going to continue the remaining subject by tomorrow. Di ko na kaya eh.
"We're done for today." Bagot kong sabi habang inaayos ang mga gamit ko para ipasok sa bag ko.
"yey!" tuwang sabi niya pagkatapos ay tumayo na. "Pwede na ba akong umalis Nerd? Uwian na rin naman eh."
I just nodded.
"Yeheeeey! ^__^"
Nakatingin lang ako sakaniya habang naglalakad palayo nang may kung anong sumapi saakin at tinawag siya. "Delinquent."
Napalingon siya saakin. "Oh nerd. Whet?"
"Sabay ka na?"
Her eyes rounded. "Pinapasabay mo ako? Sayo?" Turo niya saakin.
Bagot na tiningnan ko lang siya. "Hindi. Sakaniya." Kako sabay turo dun sa estyudanteng nasa library counter. Nagtatakang napatingin pa ito saamin.
Napatingin din siya doon sa estyudanteng tinuro ko. Tapos tumingin ulit saakin. "Bakit naman ako sasabay sakaniya? Eh hindi ko naman siya kilala?"
Napahilot ako sa sentido ko. Ang tanga lang! Di ba niya magets na pinilosopo ko lang siya. Retard talaga. -___- "Wag na nga." Kako saka naunang lumabas na ng library.
Ang lakas ng boses niya eh. Tinitingnan na tuloy kami ng masama nung Librarian kanina kaya ayun lumabas nalang ako bago pa kami sitahin.
"Huy Nerd."
I automatically frowned upon hearing her voice again at my back. Nakasunod siya saakin.
"Huy. Na-gets ko na pala. Hehehe." Awkward niyang sabi. "Sabay nalang tayo umuwi? Sorry to say di pwede eh may... may pupuntahan pa kasi ako."
I stopped and looked at her. "Gagala ka?"
She shooked her head firmly. Then smiled. "Basta."
Napakunot lang ako ng noo. "Okay. Make sure to go home early. Tatanungin ka saakin ni Tita San---" she cut my words.
"Oo na! Oo na! Byeeee!" Hyper niyang paalam saakin bago tuluyang naglakad palayo.
Napailing nalang ako. Di talaga ako makapaniwala sa delinquent na yun.
"Mr. Villanueva?"
I turned back at Mrs. Tiangco. Nakangiting lumapit ito saakin.
"Kumusta ang pagtututor mo kay Ms. Ferrer."
I smile a bit. "So far so good Ma'am. She is improving."
She smiled widely. "Good. I knew it. Ikaw lang talaga ang paraan para magtino siya."
Ngumiti lang ako bilang sagot. Thanks sa pamblackmail ko sakaniya. -__-
"So Mr. Villanueva I have to go. Just keep it up okay?"
I nodded. "Yes ma'am."
And she left.
Okay what's next?
Yeah. Uuwi na ako. -___-
-----------------*--*-**-----
"Pinsan! Wait up!"
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang school parking lot nang tawagin ako nang abnormal kong pinsan.
"Ano? -__-" tanong ko pagkalapit niya.
Hingal na hingal pa siya kaya hindi agad nakapagsalita. "Yung tinuturuan mo nasaan?"
"Who? Delinquent?"
"Si Sabrina."
"Oo nga -__-"
"Oo siya. Sa tingin ko makikipag-away nanaman. Usapan kanina sa room yung tungkol doon eh."
Napakunot ako ng noo. "Makikipag-away?"
He nodded. "Ang dami ngang manonood na nasa audi ngayon eh. Doon kasi sila mag-aaway ni Katrina."
Lalong kumunot yung noo ko. Nakikipag-away nanaman yung delinquent na iyon. Talaga naman oo. -___- "Pasaway talaga kahit kelan." Mahinang bulong ko sa sarili ko. Bago dumiretsiyo sa kotse ko.
"Oh pinsan! Di mo ba siya pipigilan? Lagot tayo kay Tita Sandra niyan." Nag-aalalang sabi niya. Isa rin kasi siya sa pinagkatiwalaan ni Tita Sandra sa pagbabantay kay Delinquent.
"Pupuntahan ko siya."
"Wait sama ako."
Bagot na tiningnan ko lang siya. Makikiusisa lang naman 'to eh. "Oh sige na. Sakay na."
Tumalima naman siya at sumakay na rin sa kabilang front seat. Pinaandar ko na rin yun pagkatapos.
Gusto ko siyang tumino. Gusto ko siyang mag-seryoso. Gusto ko siyang magbago. Pero di ko alam kung papano. She's so d-mn hard-headed. -__-
At dahil malapit lang sa campus namin ang auditorium nakarating kami doon agad.
"Tara pinsan. Ayun!" Turo niya sa mga nagkukumpulang mga estyudante sa isang panig ng audi.
Dali-dali kaming naglakad palapit sa mga iyon.
At doon nakita ko si Sabrina na nakaibabaw dun kay Katrina habang patuloy niya itong sinasabunutan.. Napailing nalang ako.
-----------------------
Sabrina's POV
"Damn... you.... SABRINA! Ugh!"
I just smirked at her. I'm on her top while pulling her hair tightly and firmly. Kanina pa 'to nakakaisa saakin eh. Madami nang kalmot ang cute kong mukha. Langya talaga. >___
"Sab! Tama na yan!"
"Sabrina please tumigil kana."
Naririnig kong sabi saakin nila Abby and Kim. Pero di ko sila pinansin. Patuloy lang ako sa pagsabunot sa Katrina'ng ito.
"Naghahamon ka saakin ng away tapos wala kang magawa ngayon huh?! Ano huh?! Wala ka pala eh!" Sigaw ko sakaniya.
She showed grimace while depending herself. Di na siya nagsasalita. Akala niya uurungan ko siya? Pwes hindi!
Napatigil ako nang may mga kamay na pumigil sa mga kamay ko. At hinila ako palayo kay Katrina. "AAAAAAGGHHH! BITIWAN MO AKO! DI PA AKO TAPOS!"
"Stop it." Mahinang sabi nung.. ni.. Napalingon ako at.... ugh. Si Nerd nanaman. -__- Kung kelan nag-eenjoy na ako sa pagsabunot eh. Bwisit. Peste >_
Marahas akong bumitaw sa pagkakahawak niya. "Bakit mo ba ako hinila? Kj mo! Letche!" I hissed irritatingly.
He just ignore what I said and look at the people around us. "The show is over, you may all leave now. Or else I will report this to the principal." He said with authority. Kelan pa siya naging peace officer?! Hays! >__
Dali-dali namang nagsialisan yung mga tao nanonood namin. Kaya ang mga naiwan nalang ay ako, Nerd, Abby, Kim, Andrei, and of course Katrina, na ewan kung bakit hindi pa umaalis. Siguro may part two pa ang sagupaan namin. Whoa enjoy yun.
Bumaling si Nerd kay Katrina. "Are you okay?" Tanong niya dito kaya napa-rolled eyes ako. Ako nga yung maraming kalmot dito eh. Buti nga at hanggang sabunot lang ako sa babaeng yan tss. -__-
"Hindi." Seryosong sabi ni Katrina.
I laughed bitterly. "Naghahamon ka tapos sasabihin mo hindi ka okay pagkatapos?! Paawa?!"
Tiningnan niya ako ng masama. Pagkatapos ay dali-daling umalis palayo. Tingnan mo yun. Umalis nalang bigla akala ko pa naman may rematch pa. >__<
Lumapit saakin sila Abby at Kim.
"Sab.. Ano ayos ka lang?"----Kim
"Naku sabrina'pot dami mo nang galos oh. Tsk."---Abby.
Napatingin ako sa mga braso ko. Oo madami nang kalmot at mahapdi :3 Yung buhok ko naman obviously magulong-magulo.. Napatingin din ako sa uniform ko at pinagpagan ang dumi eh. In short ang dugyot kong tingnan. -__- "Parang di na kayo nasanay na ganito yung itsura ko ah?" Natatawang sabi ko.
Napapout si Kim at hinampas ako. "Wag mo nang gagawin yun!"
Magsasalita pa sana ako nang biglang may humawak sa wrist ko. Sino pa nga ba? -___- "Saakin ka na sasabay." cold niyang sabi. Sabay hila saakin palayo. Tsk. Ayokong sumabay sakaniya! >__Huminto ako kaya napahinto rin siya. "Ayokong sumabay sayo!" Pabigla kong hinila yung kamay ko pero kinuha niya parin. Haist! Nerd siya pero ang lakas niya!! urgh di ko na tuloy magawang alisin yung kamay ko sa kamay niya. "Nerd let me go! Ayokong sumama sayo!"
Tumingin siya saakin. "Why are you so hard-headed Sabrina." Seryoso niyang sabi. Oh? Tinawag niya ako sa name ko. O___O
"Why so serious Nerd?"
He tsked. "Magseryoso ka nga."
"Like duh? I'm serious here too." Inis kong sabi. Anong akala niya? Tsk. Inis din kaya ako sakaniya.
"Tss."
"Tss ka diyan?!" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano bang ikinagagalit mo? Pinigilan lang kita."
Rolled eyes -__- "Ah talaga? Thank you huh?!" I said sarcastically.
"Sabrina'pot. Pasalamat ka pinigilan ka pa namin. Tiyak na magagalit nanaman si Tita Sandra kapag nalaman niya 'tong pinag-gagawa mo." Sabi ni Andrei.
"Tss. Wala akong pake."
Napailing nalang siya.
Bagot na tiningnan ko sila isa-isa. "Ano ? Tapos na kayo? Uuwi na ako."
Kinuha ko na kay Abby yung bag ko at tumalikod na para umalis nang may humawak nanaman sa wrist ko. At siya ulit. >__
"Saakin ka sasabay." Matigas niyang sabi.
Lumukot yung mukha ko. Ano bang mahirap intindihin sa ayaw ko nga?! >___< Magsasalita pa sana ako nang magsalita ulit siya.
"And don't even try to talk back kung ayaw mong mapilitan akong kaladkarin ka." Naparolled eyes lang ako sa sinabi niya. Bumaling siya kila Abby at Kim. "Pakisabi nalang sa driver niya saakin na siya sasabay."
Wala sa sariling napatango naman yung dalawa.
Wala na rin akong nagawa kung hindi ang magpatianod kay Nerd. To think na nakipagsabunutan ako. Sino pa bang may energy pagkatapos nun? >__
Pero inis parin ako sakaniya. Period. >__
------------------
A/N: Slow update since I'm on our hellweek. Y'know #CollegeProblems but I will make it fast update on vacation. (Although no one cares XD) Yun lang :) Keep on reading :)
Credits to @ohmygelou who made my book cover. Check it out. Ang ganda-ganda po :))
BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
HumorIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...