chap. 23 "Ferris Wheel"

86 7 0
                                    


Ang dami kong nasakyan na rides. Mga lima ata. At nahihilo na ako. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Nerd ngayon.

"Upo muna tayo?" I suggested.

Tumango naman siya kaya umupo kami sa nadaanan naming bench.

"Nag-enjoy ka ba retard?" He asked.

I nodded smilingly. Totoo yun. Naenjoy ko talaga lahat kahit mag-isa ko lang. Si Nerd kasi e. Ayaw talagang sumakay.

"Good." Tipid niyang sabi.

Kinuha ko yung mini camera ko mula sa loob ng shoulder bag ko. "Picture tayo Nerd."

Umusog ako palapit sakaniya sabay pag-angat ko ng mini camera ko. And. *click* hinintay kong lumabas yung picture namin ni Nerd at pinatuyo. Napasimangot ako nang makita ko na yung picture namin.

"Uso ngumiti sa camera! Badtrip ka talaga." Irap ko sakaniya.

"Wala akong alam diyan."

Umismid lang ako. "Lahat kaya alam mo tapos pag-ngiti lang sa camera di mo na alam. Tss."

Itinago ko na ulit sa loob ng shoulder bag ko ang mini camera ko. Nilibot ko naman ako tingin ko sa mga rides. Hanggang sa napatingin ako sa may gawi ng isang malaking ferris wheel. Napangiti ako. "Ang gusto ko namang sakyan ngayon e yung ferris wheel. Pero mamaya nalang. Nahihilo pa ako e." I said out of nowhere.

"Sige."

"Alam mo ba Nerd. Ngayon ko palang naranasang sumakay sa mga rides na yan." Pag-to-topic ko. Ang tipid niya magsalita e.. Napansin ko pang napatingin siya saakin mula sa peripheral vision ko.

"Ang dami mong kasiyahan sa buhay tapos yan di mo man lang naranasan?"

I shrugged. "Ewan ko ba. Puro pag-aaral lang naman inaatupag ni Ate Sabine at Kuya Sandrez. Tapos si Mommy at Daddy walang oras para ipasyal kami sa ganito. Alam mo yun? Mayaman na sila pero nagpapayaman pa lalo. Parang masyadong unfair diba? Ang boring-boring ng buhay ko." Balewalang sabi ko.

Inayos niya yung eyeglasses niya na tumungin saakin. "Now I realized why are you like that."

"Huh?"

"Narealize ko kung bakit masyado kang pasaway, bulakbol at retard. Kulang ka sa... kasiyahan sa buhay. Kaya doon mo nalang idinadaan. Kaya ka delinquent ngayon." Mahabang litanya niya.

Manghang napatingin ako sakaniya. "You really amaze me Nerd. And how did you know that?"

"Curiousity kills. Lihim kitang inoobserbahan. Kaya siguro sobrang nacurious ako sa pagkatao mo. At ngayon alam ko na kung bakit."

Tumawa ako. "Pakshet ka. Kelan pa naging curious ang buhay ko? Feeling ko nga mas boring pa buhay ko kesa sayo e."

"Yeah I know. I'm maybe quiet and boring but my life is opposite. Napakasaya naming magpapamilya. Yun ang ipinagtataka ko. Mayaman din sila mommy pero bakit hindi naman nila kami pinagkaitan ng kasiyahan. Di tulad ng sayo."

Inirapan ko siya. "Below the belt na yan Nerd. You're insulting my life."

He shrugged. "You were the one who told that first not me. And I'm not insulting you. I'm just telling you what my observation about you."

I nodded. "Oo nga. Buti ka pa nga e. Wag na nga nating pag-usapan yan. Nakaka-nega."

Wala nang umimik saamin pagkatapos nun. Napatingin nalamg ako sa paligid. Kahit na mag-gagabi na. Maraming magpapamilyang namamasyal ngayon at ang sasaya nila. Napaisip ako, paano kaya kung kami rin nila mommy, daddy, ate at kuya. Siguro ang saya-saya. Kumpleto kami. Ni minsan hindi ko pa naranasang maging kompleto kami. Sa pasko, sa birthday ko, sa new year. Wala. Feeling ko tuloy galing ako sa isang broken family kahit na kumpleto naman talaga kami.

My Lovely DelinquentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon