Sabrina's POV
Three days later.
"Sab, you ready?"
I looked at my mother and nodded silently. Papunta kaming school ngayon para kuhanin ang records ko. Hindi pa kumpleto ang grades ko dahil di pa naman tapos ang 4th grading pero dahil wala namang imposible kapag anak ka ng isang Fuentabella hindi na kami namorblema pa roon. I just took it as an advantage.
Tingin ko nga rin ay may automatic diploma na ako kahit na di ako makakattend ng graduation ng HEH. And I think that's nice.
Pagkarating ng school ay agad na ipinark ng driver namin ang sasakyan sa parking lot. Agad kong nakita ang kilalang kilala kong kotse ni Keith.
Napabuntong hininga ako. Sumibol nanaman yung kaba sa dibdib ko.
"Let's go anak."
Hindi na ako sumagot pa at bumaba na kami ng tuluyan ng sasakyan.
"Mommy, mauna ka na po sa office. Kikitain ko lang sila Kim at Abby."
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. I blinked twice.
"Aren't you mad at me anak?"
Hindi ako nakasagot. I just stared at her for seconds. Am I mad?
I guess not. Marami man siyang naging pagkukulang saakin bilang ina alam kong hindi niya iyon sadya. She just want to give the happiness she thinks I deserve. Well truly enough, I deserve all the pain now. Karma na ito sa lahat ng kapasawayan na ginagawa ko. And also, pain comes after happiness. This is just normal right?
I smiled at her and hugged her. Nagsimula nanamang tumulo luha ko. Ayokong ipakitang umiiyak ako dahil never nila nakita sakin yun. Kahit na alam kong alam nilang umiyak ako buong gabi dahil sa namamagang mata ko.
"I'm not mad. Don't worry. Let me say goodbye to my best friends first. Matagal tagal pa bago ko sila makita ulit. Siguradong mamimiss ko ng sobra yung dalawang yun."
Napapikit ako dahil naramdaman ko nanaman ang pag sikip ng dibdib ko. Mamimiss ko talaga si Abby at Kim. Since birth ata magkasama na kami ng mga yun. Hirap iwanan.
"Okay baby. Take your time." she kissed the top of my head.
Pinunasan ko ang luha ko saka bumitaw ng yakap. Naglakad na siya papuntang principal office habang ako naman ay bumalik sa sasakyan para kunin ang dinala kong box.
Panay memories ni Keith ang laman neto. Pictures namin galing cam ko, yung mga libro niyang pinahiram niya sakin, ticket nung concert ng Hale, ticket nung nagpunta kaming nagrides lahat lahat ng inipon kong memories namin nandito. Pati nga yung bili niyang phone sakin na picture namin lockscreen at wallpaper, yung contacts ko na siya lang ang laman at si abby at si kim, yung inbox kong siya lang laman dahil siya lang naman madalas tinetext ko at tinatawagan. Ibabalik ko nalang kaysa mas lalo pa akong manghinayaang saamin habang nakikita ko yun. May laman pa yun na record voice. Sinasabi ko dun kung gaano ko siya kamahal na sana siya nalang ang forever ko. Hahahaha. Nakakatawa. Pero wala eh. Wala na akong time burahin. Siguro naman itatapon niya nalang itong mga ito or sunugin dahil baka makita pa ng girlfriend niya. Hays nababaliw nanaman ako. Mas mabuti pang ibalik ko na ang mga ito.
Naglakad ako papuntang cafeteria at as usual, inaabangan na ako ng dalawa sa luwaan nito. Napangiti ako ng malungkot. Mamimiss ko talaga itong dalawang to.
Bago pa man ako makalapit sakanila ay may humarang na sa dinaraanan ko.
"Hi bitch."
I rolled my eyes and smiled michieviously. At syempre mamimiss ko din isang ito. My enemy since birth. Sino pa nga ba?

BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
ЮморIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...