<chapter nine>
Sabrina's POV
"Okay class.. That's all for today.. Goodbye.." sabi ng English teacher namin at lumabas na ng room..
"Nerd.." tawag ko sa katabi ko..
"Oh?!" parang iritadong sabi niya.
"anu yang sinusulat mo?"
he gave me his 'seriously?-what-do-want?' look..
"Masama bang magtanung?" I pouted.
"Tss.. Ano nanaman bang kailangan mo?"
"Porke't tinawag kita may kailangan na agad?!!"
"Odi wala -___-"
"Kala ko ba friends na tayo?!"
"Oh tapos?"
"Ee bakit parang hindi?!!!"
"Anong parang hindi?"
"Di mo ko pinapansin!"
"Ee anung ginagawa ko ngayon? -___-"
"Ewan! Gulo mo kausap."
"Ako pa talaga." mahina niyang sabi.. pero rinig ko.
Magsasalita pa sana ako nang tuluyan na niyang ipinalsak yung earphone niya sa tenga niya. At pumikit..
Napatitig tuloy ako sakaniya.
Nakaupo na natutulog pwede ba yun?
Nagpakalumbaba akong napatingin sakaniya..
Napadako yung tingin ko una sa mata niya.. Napangiti ako..
Actually ito yung pinaka-nagagandahan ko sakaniya.. Ang mga mata niya.. First day of school yan na agad napansin ko ee. Singkit na malamlam. Yung tipong ayokong magpatitig sakaniya kasi nakakatunaw.. ^____^ Panira lang kasi yung eyeglasses ee.. -___-
Pagkatapos sa mata.. Napatingin naman ako sa ilong niya.. Hindi naman iyon gaanong matangos hindi rin pango.. Katamtaman lang na bumagay talaga sakaniya..
Pagkatapos.. Napatingin naman ako sa labi niya.. at.. Bakit ngayon ko lang napansin 'to? Red lips pala siya? Sheteng malagket.. Parang ang sarap ti-
Ano Sabrina Mae Ferrer? Huh? Ano?! Maghunus-dili ka nga! Ang landi mo!
BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
HumorIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...