SABRINA's POV
"Okay class, I'm sure that all of you has already know about our upcoming examination this week, and that will be on Wednesday. So make sure that you review all the hands out that I've given to you and let's see what award you will get on your graduation."
Naghiyawan ang mga kaklase ko sa sinabi ng adviser namin habang ako ay nakatingin lang sa bintanang nasa gilid ko. Our graduation is on March. That's three months from now. After the examination, mag babakasyon kami for almost 3 weeks dahil sa christmas and new year's break. Then, final grading na namin.
Nalulungkot ako. Ayoko pa grumadweyt. Pero mas pangit naman di grumadweyt. Hays. Baka kunin kasi ako ni daddy sa France. Ayoko nga no. Maiiwan ko dito si Nerd? Eh kung isama ko nalang kaya siya doon sa France? Hmm.
Napasulyap ako sa upuan ni nerd. Absent siya ngayon dahil may importanteng lakad daw siya kasama family niya. Lalo akong nakaramdam ng kalungkutan. Wala ang babe ko.
Umalis na ng classroom si ma'am Tiangco kasabay ng paglabas ng mga classmates ko dahil break time na. Mahaba haba rin ang break time namin ngayon dahil absent ngayon ang susunod naming teacher kaya dumeretsyo kaagad ako sa mga best friends ko.
"Lungkot lungkutan." Asar saakin ni Abby. Binatukan ko nga.
"Gaga." I mouthed. Napahalakhak siya. Napangisi nalang ako.
"Wala naman si Keith babe mo. Libre magmura."
I hissed. Umupo ako sa isang bakanteng upuan paharap sakanila. Maguiguilty parin ako kahit wala si Keith, parang nakokonsensya ako kapag ganon..
"Anyway guys nakareview na ba kayo?" Baling saamin ni Kim mula sa pagrereview niya. Isinara niya ang kaniyang notebook na hawak at sumulyap samin.
"Nireview na ako ni Keith nung sabado." Sagot ko.
"Ako bukas na. Tinatamad pa ako ngayon." Sagot naman ni Abby.
"Hay nako Abby. Mamaya niyan malagpasan ka na sa rank nitong si Sabrina."
"Asa naman yang si Sabrinapot." Humalakhak si Abby. "Kapag ako nagreview baka maungusan ko yung boypren niya sa rank."
"Hah ikaw ang asa." Irap ko sakaniya.
"Aysus aysus." Sundot niya saakin. "Ayaw niyang patalunin babe niya." Pinitik ko yung tenga niya dahilan para mapatalon siya sa sakit. "Aray naman!"
Tumawa si Kim.
Inirapan ko siya ulit. Ayaw na ayaw ko talaga kapag inaasar nila ako. Palibhasa kasi malalandot sila pero walang boypren. Hmp. Minsan hinihiling kong magkaboypren na rin sila at nang naiintindihan nila ako e.
Tumayo ako nang maramdaman ko ang paglobo ng paltog ko. Naiihi ako.
"CR lang ako. Naiihi ako."
Tumango silang dalawa. "Ihi well."
Natawa ako. Naglakad ako palabas ng classroom at mabilis na tinungo ang girl's restroom.
Pagkapasok na pagkapasok ay naghanap ako kaagad ng bakanteng cubicle. Good thing lahat ito ay nakabakante dahil lalabas na talaga. Pinili ko ang pinakagitna dahil.... wala lang.
Bigla kong naisip... pano kaya tinawag na restroom ito kung di ka naman pwede humiga at matulog?
I shook my thought. Sa lahat ba naman ng pwedeng pagkacurious-an Sabrina.
Pagkatapos kong ubusin lahat ng tubig sa katawaan ko at iflush yun, (di ako oa sadyang ganun ko lang idescribe ang ihi ko.), ay lumabas na ako. Napatigil ako sa pagharap sa sink nang makita si Katrina na naroroon at hinuhugasan ang kaniyang kamay. Sumulyap siya saakin mula sa salamin at nakipagtitigan.
BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
HumorIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...